"Ella, Caleb, kayo na muna ang bahala sa anak ko, kailangan kong akyatin ang isang Crane, para iligtas si D'niel." paalam niya sa mga kaibigan. Ibinigay rin niya si Lib kay Caleb, dahil ayaw niyang magbuhat si Ella. Mabilis siyang umalis sa harapan ng mga ito at patakbong bumalik sa Crane na kinalalagyan ni Daniel. "Thisa, wait! Doon tayo sa helicopter. May hagdan doon, puwede mo 'yon gamitin para makuha mo ang asawa mo. Hindi mo kakayaning ibaba siya sa Crane na iyan na mag-isa." pagtawag ni Ella sa kaibigan, kaya muling bumalik si Thisa at nagmamadaling lumapit sa Helicopter na naghihintay sa hindi kalayuan. Buhat ni Caleb si Lib, nang bumalik sila patungo sa helicopter na naghihintay sa kanila. Nauna pang sumakay si Thisa, saka niya kinuha si Lib, mula kay Caleb. Binuhat niya ang anak

