"Huwag mo akong sigawan, Go, hindi ako bingi!." sagot naman ni Nathan sa kabilang linya. Nakahinga naman ng maluwag si Aaron, dahil sumagot kaagad si Nathan sa kanya. Tiningala pa niya ang dalawang Crane na nasa gitna ng mga nagtataasan na tambakan ng mga bato, upang siguraduhin na nandoon nga ang sinasabi ni Thisa na asawa't anak nito. Malalim din siyang nag-isip kung sino ang lalaking napangasawa ni Thisa. Muli naman napatingin si Thisa, kay Aaron, dahil muli niyang naalala ang taong may kagagawan ng pagkaka-kidnap ng mag-ama. "Kuya, hanapin niyo si Mr. Ong. Kailangan niyang pagbayaran lahat ang mga kasalanan niya sa akin at sa pamilya ko. I-harap niyo siya sa akin ng buhay, para ako mismo ang magbigay ng kaparusahan sa kampon ng demonyong 'yon. Kailangan niyang magbayad ng mahal, da

