MASIGABONG PALAKPAKAN ang maririnig sa buong paligid, habang nakatayo sa harapan ng runway si Thisa. Siya ang huling lumabas at naglakad sa runway, suot ang pinaka tampok sa mga design ng kilalang fashion designer sa New York City. Makikita rin na mabilis na umakyat sa stage si Bruce, habang may buhat na malaking Flower Bouquet, para kay Thisa. Nilapitan niya si Thisa at hinalikan pa niya ito sa pisngi bago ibinigay ang hawak nitong bulaklak. Inakbayan pa siya ni Bruce, saka sila sabay na kumaway sa mga tao, bago sila bumalik sa loob. Matapos ang show ay nagpaalam din sila kaagad at sabay na umalis sa lugar. Sa condo ni Thisa sila tumuloy na dalawa. Nagpa-deliver din si Bruce ng kanilang pagkain, dahil late na, kaya hindi na sila dumaan sa Restaurant. Pagpasok nila sa loob ng Condo ay na

