NAGLAKAD ang isang babaeng buntis sa isang Alley sa Downtown New York. May bitbit din itong isang bag, habang nakahawak siya sa kanyang malaking tiyan. Bakas din sa mukha ng babae ang hirap na kanyang iniinda, dahil sa bigat ng dala nitong bag at laki ng kanyang tiyan. Sa hindi kalayuan ay may dalawang sasakyan ang nakatigil. Ang mga sakay nito ay nakatayo sa pagitan ng kani-kanilang mga sasakyan at tila may pinag u-usapan ang mga ito na importante. Nagbubulungan at tila ayaw nilang may makarinig nang sino man ang kanilang pinag-uusapan. Tila nagkakainitan din ang dalawa at kulang na lang ay magp@t@yan sila sa tabi ng kalsada. Naglakad palapit sa gawi nila ang buntis at humawak pa ito sa hood ng isang kotse, saka napayuko ito at biglang nabitawan ang hawak niyang bag sa kalsada, saka du

