KUMAKAIN ANG MAGKAIBIGAN, habang umiinom ng paborito nilang Martell. Parang tubig lang ito na kanilang iniinom, kaya ang bilis na nagalahati ang laman ng bote. Nagpa deliver lang sila ng kanilang pagkain, dahil tamad na silang magluto, dahil sa pagod nila sa kanilang Mission. Walang imikan ang dalawa, habang kumakain. Parang wala na rin silang pakialam sa kanilang paligid, dahil sa gutom nilang dalawa. Halos maubos nila ang kanilang mga inorder na pagkain nang tumigil sila sa pagkain. Isang bucket na fried chicken, burgers, pizza, at pasta ang kanilang kinain. Tanging mashed potato at friench fries lang ang kanilang natira at dalawang piraso na chicken at isang slice ng pizza. Tahimik lang silang nakaupo, pagkatapos nilang kumain, habang patuloy pa rin na umiinom ng alak. Parehong pago

