HABANG pauwi sina Thisa at Daniel ay napansin ng babae ang pananahimik ng asawa. Hindi rin siya nito sinulyapan, kahit minsan, kaya nanibago siya sa asawa. Pagdating nila sa kanilang tahanan ay bumaba si Daniel sa kotse at pabagsak niyang isinara ang pinto, saka deretsong pumasok sa loob ng bahay. Naiwan sina Thisa at mga anak niya sa loob ng kotse. Nagtatakang nasundan ng tingin ni Thisa ang asawa, dahil sa pagtataka niya sa lalaki. Bigla din siyang kinabahan dahil sa lantarang pagbalewala sa kanya ni Daniel. "Mommy, bakit parang galit si Daddy? Hindi niya tayo pinapansin kanina pa. Tapos pabagsak pa niyang isinara ang pinto, saka mabilis na pumasok sa loob ng bahay." nagtatakang tanong ni Lib. Naka upo ito sa pinakagitna ng backseat. Katabi din niya ang dalawang Yaya na nag aalaga s

