DANIEL'S POV... PARANG gusto kong magwala, dahil sa mga ginagawang pangunguna sa akin ng asawa ko. Kahit noon pa ay si Thisa ang nasusunod sa aming dalawa. Pero dahil mahal na mahal ko ang asawa ko ay hindi ko matiis na hindi siya unawain at pagbigyan. Kahit sa buhay ng mga anak namin, mas nasusunod ang kagustuhan ni Thisa. Ewan ko ba, dahil kahit anong galit ko sa asawa ko, mas pipiliin ko pa rin ang unawain siya at tanggapin nang maluwag sa aking puso kung ano talaga siya. Para walang gulo sa pagitan naming mag-asawa, agad ko siyang pinatatawad kapag nagpaliwanag siya sa akin. Kagaya ngayon, galit ako dahil sa ginawa niyang pagdala kay Lib sa Octagon na hindi nagpapaalam sa akin. Alam ng asawa ko na ayaw kong pasukin ng anak namin ang mundo namin, ngunit dinala pa rin niya doon si Lib

