WALANG H'YANG lalaki! Pa'no kaya niya naiilagan ang paa ko? Ang bilis kaya ng kilos ko, pero nailagan pa niya, napaka imposible naman yata yun? Ano bang lihim ng lalaking ito, at mukhang hindi siya basta-basta? "Bruce!...." pa-sigaw na pagtawag ko kay Bruce. Nag beast mode na naman ako, dahil sa hinayupak na lalaking ito. Nakakagigil talaga. Madali yata akong tatanda, kapag si Bruce lagi ang kasama ko. Grrrr! Nanggagalaiti talaga ako sa galit sa hay0p na lalaking ito. Ang sarap niyang ibitin patiwarik sa ilalim ng hagdan. Kailan pa siya natuto ng self defense? Huh! Nakaka inis siya. Hindi tuloy ako makaganti sa kanya. Masampal ko man lang sana siya, para makaganti ako. "Don't shout, honey, the people living here are sleeping." saad sa akin ni Bruce. Tumigil rin siya sa paglalakad at hin

