UMALIS ng mansion sina Thisa at Lib, sakay ng isang Ferrari. Matulin na pinatakbo ni Thisa ang kanyang Ferrari, kaya tuwang-tuwa naman si Lib. "Cool! Mommy, paglaki ko, gusto ko rin maging car racer like you, and Tita Eve." sambit ni Lib sa ina. Mula ng malaman niyang magaling sa cae racing ang Mommy niya ay pinangarap na rin niya itong gayahin. Tipid na ngiti ang tinugon ni Thisa sa anak. Ngunit natutuwa naman siya sa sinabi nito. Sinulyapan niya si Lib at nakita niyang pinagmamasdan ng anak niya ang bawat galaw niya, habang nagmamaneho siya ng Ferrari. Bawat pihit nito sa gear shipter at ikot ng manebela ay pinapanuod ni Lib. Hindi naman kalayuan ang pinuntahan nilang dalawa. Pumasok sila sa isang malawak na compound na may mataas na bakod. Pati ang gate nito ay purong bakal, kaya hi

