"Lib!..." malakas na pagtawag ni Daniel sa kanyang panganay. Kulang na lang ay magbuga siya ng apoy sa tindi ng kanyang galit. Malalaki rin ang hakbang nitong pumasok sa loob ng bahay, upang hanapin si Lib. "Lib!...." muli niyang pagtawag sa anak. Nag e-echo ang kanyang malakas na boses sa loob ng kanilang malaking bahay. "D'niel, bakit ka ba sumisigaw? Ano na naman ba ang kasalanan sa 'yo ng panganay natin?" nagtatakang tanong ni Thisa. Pababa siya ng hagdan kanina ng marinig niya ang malakas na boses ng asawa, habang tinatawag si Lib. "Nasaan ang magaling mong anak, Thisa?! Ilabas mo siya dito." nanggagalaiting sambit ni Daniel sa asawa. Alam na alam na rin niya ang gawa ng asawa niya na pinagtatakpan nito ang kanilang anak na babae, para hindi ito mapalo ni Daniel. "Hindi ko pa nak

