AGAD NA NAGHANDA sina Aaron, at Nathan para puntahan ang lugar kung saan dinala si Thisa. Naiwan naman sa bahay ni Thisa sina Eve, Sam, Ella, Haide, at Jasmine. Dumating din sina Bhella, Vanna at Lyndsay dala ang mga IT Expert ng NBI na kaibigan din nila. Sila ang naka monitor sa location ni Thisa at nagpapadala ng mensahe kina Aaron at Nathan. Sa isang liblib na lugar na sakop ng bayan ng Siniloan, Laguna naka abot ang mga Mafia. Magubat na ang lugar na napuntahan nila, pero malayo pa ang location ni Thisa. Nakikita nila sa dala nilang tablet ang kinaroroonan ni Thisa, kaya mabilis silang nakarating sa lugar. Madilim na rin nang marating nila ang barangay kung nasaan ang campo ng kalaban. Napagpasyahan din nilang lakarin na lang ito patungo sa lugar, para hindi makahalata ang mga nagbaba

