GALIT NA GALIT si Aaron Go, matapos mabalitaan ang nangyari kay Thisa sa Expressway. Tanging ang nasunog na motor lang din ni Thisa ang kanilang nakita sa pinangyarihan ng pananambang. Agad nitong tinawagan si Richard Ang, ang kuya ni Thisa, upang may kasama nila itong maghanap sa pinakamamahal nitong pinsan. Kahit madalas silang magkasagutan ni Thisa ay mahal na mahal niya ito, at lahat din ng paraan ay gagawin niya para mailigtas si Thisa sa mga kumuha sa kanya. SUNOD-SUNOD rin nagdatingan sina Aljoe Meneses, Nathan Del Valle, Dylan Altamera, Mike Mendoza at Doctor Luke Miller sa mala-Palasyong laki ng bahay ni Aaron Go. Ambulance rin ang dalang sasakyan ni Doc, Miller, at kompleto ito sa gamit para agad niyang magamot si Thisa, kung malubha ang natamo nitong sugat dahil sa pagkaka-aks

