MALAPIT na sa lupa si Thisa ay saka lang niya hinila ang kanyang Parachute, para mag slowdown ang pagbulusok niya at hindi siya bumagsak sa lupa. Bumaba si Thisa, malapit sa Highway kung saan niya iniwan ang 4X4 Jeep na ginamit niya patungo sa lugar. Nasa bahaging desyerto niya ito inwan, kaya walang katao-tao sa lugar na iyon na puweding makakita sa kanya. Nang mag-landing siya sa desyerto ay agad din niyang hinila ang Parachute, at muling ibinalik sa loob ng bag nito. Pinat@y na rin niya ang Camera na nakalagay sa suot niyang Day and Night Vision Glasses. Patakbo rin siyang pumunta sa kanyang sasakyan at mabilis na umalis sa lugar. Nakita pa niya ang itaas ng bundok na bato na patuloy na umaapoy, dahil sa liwanag na nanggagaling roon. Ang taas ng bahaging iyon ng bundok, pero nakaya ni

