NAPANGISI SI LADY HAWK sa lalaking may hawak na patalim. Bagamat hindi nakikita ng lalaki ang mukha ni Lady Hawk ay tila alam nito na nakangisi si Lady Hawk. "So you're the legendary assassin they call Lady Hawk, the one they say is impossible to defeat and always gets away?" pauyam na saad ng lalaking may hawak na patal!m. Naka umang din sa harapan ni Lady Hawk ang hawak nitong patalim, at dahan-dahan itong humahakbang paikot sa kinatatayuan ni Lady Hawk. "Why do you seem so scared of me? Don't you want to die yet?" wika ni Lady Hawk sa pinatigas niyang tinig. "You're the one who's going to die, you beast!" sigaw ng lalaki, saka siya mabilis na tumabo palapit sa kinatatayuhan ni Lady Hawk. Hinintay lang ni Lady Hawk ang paglapit ng lalaki sa kanya, habang nakatitig pa rin siya sa n

