TATLONG araw lang na ibinurol ang ashes ng mag-asawang Mayer, bago ito dinala nina Bruce at Thisa pabalik sa New York City, kung saan talaga sila nakatira ang mag-anak na Mayer. Napakaraming naki dalamhati sa pagpanaw ng mag-asawa. Ang daming nanghinayang sa kanilang pagkawala, dahil kilala ang mag-asawa sa pagiging mabuting tao. Marami din silang tinutulongan na mga Charity, kaya ang laking panghihinayang ng mga taong nakapaligid sa kanila ang biglaang pag panaw ng mag-asawa. Ang masakit pa dito ay sa isang karumal-dumal na uri ng krimen sila nasawi. Dahil sa nangyaring iyon sa magulang ni Brruce ay nagpasya si Thisa na muling bumalik sa Sky Oasis, para magkaroon siya license para hanapin ang mga taong may kagagawan sa pananambang sa mag-asawa. Alam din ni Thisa na siya ang target ng mg

