BIGLANG BUMANGON SI THISA, dahil sa narinig niyang sinabi ni Daniel. Halos hindi rin niya maibuka ang mata, dahil sa sobrang antok. Parang yumanig din ang buong kuwarto, dahil sa lakas ng pagbagsak ng pinto sa kanilang kuwarto. "Sinong nagsabi sa 'yo na pakakasal ako kay Bruce? " inaantok na tanong ni Thisa. Humikab din siya, saka muling humiga sa kama. Ngunit muli din siyang napatingin kay Daniel at bahagyang bumangon, dahil bigla na lang nitong hinila ang Comforter, at nilamukos ng husto na parang doon ibinuhos ang lahat ng galit, saka tinapon ito sa sahig. "Huwag kang magmaang-maangan dyan, Thisa. Sagutin mo ang tanong ko!?" pa-sigaw na tanong ni Daniel. "Kalat na kalat sa social media ang announcement ng ina ng americanong lampa na 'yon. At ikaw naman, ang tamis-tamis pa ng ngiti m

