"D'niel, let's head back home. I'm ready to rest now." Pagyaya ni Thisa kay Daniel. Hinila din ng dalaga ang kamay ni Daniel, dahil bigla na lang itong tumigil sa paglalakad at naninigas sa pagkakatayo. Parang namaligno ito dahil sa ginawang paghalik sa kanya ni Thisa. Hindi rin makapaniwala ang binata na hinalikan siya sa pisngi ni Thisa. Bigla tuloy siyang natulala. Bigla din nagising si Daniel, dahil sa malambing na boses ng dalaga. Tila musika ito sa kanyang pandinig at nagbibigay buhay sa kanyang isipan. Parang bumilis din ang pagțìɓøķ ng kanyang puso, dahil lamang sa simpleng paghãlik sa kanya ng kanyang amo. "O-Of course, ma'am. Let's get out of here." Alanganin na sagot ni Daniel. Muli siyang hnihila ni Thisa, kaya nagpatianod na lang si Daniel sa dalaga. Hindi naman siya bi

