NAGPATULOY ang lihim na pagkikita nina Daniel at Thisa. Si Daniel din lagi ang nag-drive ng kotse ni Thisa, at sinasamahan niya ang dalaga sa mga lakad nito. Kahit sa mga events na dinadaluhan ng dalaga ay naka sunod lagi si Daniel kay Thisa. Madalas din na napagkakamalan siyang boyfriend/girlfriend, ngunit ipinapaliwanag naman niya sa mga pumupuna sa kanila na isa lamang siyang Driver/Bodyguard ni Thisa, at trabaho niyang bantayan ang dalaga sa lahat ng sandali. Kung siya lamang ang masusunod ay ipagsisigawan niya sa buong mundo na sa kanya na si Thisa, at walang ibang lalaki ang puweding lumapit at humawak sa babaeng pag-aari niya. Ngunit hindi naman niya iyon puweding gawin, dahil sigurado siyang hindi na siya sisikatan ng araw kapag nalaman iyon ng pamilya ni Thisa. Si Daniel din a

