Chapter 2

1531 Words
NAGPUPUYOS ang loob na pinulot ni Harris ang kanyang assessment form na tinapakan ng babaeng nagmamadali. Bubulyawan niya sana ito ngunit hindi na niya nagawa. Patakbo kasing sumakay ng taxi ang babae. Ni hindi niya man lang ito namukhaan. Nakalagay sa kanyang assessment form ang schedule niya. Nangangalahati na sa semester pero hindi pa rin niya memorado ang schedule niya kaya palagi niya itong dala. Hawak-hawak niya ito kanina ngunit nilipad ng hangin. Ang malala pa, inapakan pa ng babaeng maliit na naka-backpack. "May araw ka rin sa'kin," bulong niya at inis na tinungo ang classroom niya. Pagpasok pa lang niya ay nagmistula siyang apparition. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya, lalo na ang mga babae. Hindi na bago sa kanya ang ganoong tagpo. "Late ka na naman, Hidalgo," anas ng professor niya. Hindi siya umimik. Dumiretso na lamang siya kanyang puwesto. Ano bang bago? Palagi naman siyang late, hindi pa sila na sanay. Kahit ganoon, hindi naman siya mahina pagdating sa klase. He is in fact the top 1 in the dean's list every year. He is taking Electrical Engineering course at isang taon na lang magtatapos na siya. "Bes, palit tayo ng upuan." "Ayoko nga! Gusto ko siyang masilayan nang malapitan." "Malalaglag na yata ang panty ko, Bes. Ang hot niya! Shet!" Napangisi siya sa kanyang isip. Alam naman niyang siya ang tinutukoy ng mga ka blockmates niyang babae. Mga babae nga naman, tsk! Bigla niyang naalala ang babaeng tumapak sa kanyang assessment form. Bumakat pa ang sapatos nito. Nainis tuloy siya. Hindi ba siya nakita ng babaeng 'yon? Hahanapin kita, backpack girl. Bulong ng isip niya. PINKY smiled happily. Pinagbigyan kasi siya ng daddy niya. Dahil pasado siya sa Biology, nag-celebrate sila. Tinawagan din ng inang reyna niya ang dalawa niyang kuya na kambal. Nagulat pa nga sila dahil pareho nilang kasama ang kani-kanilang mga girlfriend nang dumating sila. "Mom, Dad, Princess, this is Kira Astrid, my girlfriend," pagpapakilala ng kuya Dark Red niya sa kasama nitong babae. Kuminang ang mga mata ni Pinky. Ang ganda-ganda naman ng girlfriend ng kuya niya. "Hi, po." Kiming ngumiti sa kanila si Kira. Tila nahihiya ito. "Hello, Ate Kira! Ang ganda-ganda mo po!" Patiling niyakap ni Pinky ang kanyang future sister-in-law. Dumating din ang Kuya Dark Blue niya kasama ang girlfriend nitong si Allenda. Napansin din niya ang pananahimik ng huli. Siguro mahiyain din 'tong Ate Allenda niya. Kaya naman kinuha niya ang kamay ng dalawang future hipag niya at pumagitna sa kanila. "Bakit po ang tahimik niyong dalawa? May masayang balita po ako. Pumasa po ako sa Biology!" Masayang deklara ni Pinky. Pareho namang ngumiti ang dalawa kaya tuwang-tuwa siya. "Congratulations, Pinky!" "Congrats!" "Salamat po mga ate!" "Teka, patingin nga ng class card mo." Na-excite naman si Pinky at ipinakita sa dalawa ang kanyang class card. Ngunit kumunot ang kanyang noo nang biglang nagkatinginan ang dalawa at nalaglag ang mga panga. What's wrong with them? Ganun pa man ay todo-ngiti pa rin siya at niyakap ang dalawa niyang ate. Saka naman lumapit sa kanya ang kanyang Kuya Asul. "Sana sinabi mo agad na pumasa ka Princess, e di sana umuwi agad kami dito kagabi." "Okay lang po, kuya Asul. Wait lang po kukunin ko yung monopad. Magpapa-picture po tayo." Masaya namang pumasok si Pinky sa kanyang kwarto. Kinuha niya rin ang monopad at ang cellphone niya. Bitbit pa niya ang isang turon habang pumapanhik. Mahilig kasi siya sa saging kaya iyon ang inihanda nila. "Kuya! Picture tayo! Dali!" Agad naman silang nagsilapitan, pati ang Daddy at inang reyna niya. Pinahawak niya sa kuya Red niya ang monopad samantalang hinawakan niya ang class card. Pero-- "P-Princess, 'yan ba ang g-grade mo?" Kumunot ang kanyang noo nang biglang ibinaba ni Dark Red ang monopad. Nagkatinginan sila ni Dark Blue at biglang nagtulakan. "Ikaw na." "No. Ikaw na." "Ikaw na lang, kaya mo 'yan, bro." "Kuya?" "A-a-ah, P-Princess, itago mo na lang 'yang card mo. Di ba dapat confidential dapat 'yan?" Anas ni Dark Red. Nakukonsensya siyang i-turn down ang kanilang prinsesa pero kasi nakakabaliw ang trip nito. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganito ka inosente ang kapatid. Dang it! Sa'n ka makakakita ng estudyanteng proud na proud sa grade na 3.0? Si Pinky lang yata ang makakagawa no'n! Dark Blue and Dark Red sighed in disbelief. Lalo na sa sinabi ng kanilang Mommy Nisyel. Nagpapasalamat na lang sila na sa kabila ng brain damage na natamo nito walong taon na ang nakaraan ay normal pa rin ang kanilang bunso. Pinky met an accident when she was ten, that caused her to lose her memory. Ang malala pa ay naging mabagal ang development ng kanyang utak. "Sabi sa inyo, na mana ng kapatid niyo ang katalinuhan ng daddy niyo." An'ya. Bigla namang umasim ang mukha ng kanilang daddy Skeet. Naiiling na lamang sila. They couldn't argue for more. Oo na lang. Parang timang silang nagkatinginan na tatlo ng daddy nila. "Don't worry mga kuya ko, imi-maintain ko 'tong grade ko!" Wika ni Pinky. Hindi pa rin siya makapaniwalang pumasa siya. Kahinaan niya kasi ang Biology, kaya nga hindi siya pumasa noong nakaraang semester. Sabay-sabay namang napangiwi ang daddy ni Pinky at ang dalawa niyang kuya. Siyempre todo-ngiti ang number one fan niyang si inang reyna. HINDI pa man tumunog ang alarm ay gising na si Pinky. Siyempre, inspired siyang pumasok dahil sa grade niya. Nagsuot lamang siya ng simpleng light pink na formal dress dahil araw ng Biyernes. Friday is non-uniform day in their school. Pagkatapos niyang ma-braid ang kanyang buhok ay agad siyang bumaba para mag-almusal. TAHIMIK na naglalakad si Pinky sa harap ng canteen nang bigla na lang may tumamang bolang papel sa kanyang ulo. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon. Napatigil din siya sa pagnguya ng bubble gum sa kanyang bibig. Wala naman siyang nakikitang may kahina-hinala. Ang aga-aga may nangti-trip sa kanya! Inis niyang pinulot ang papel at nagsimulang maglakad ngunit naka-isang hakbang pa lang siya nang may tumama na naman sa kanyang ulo. This time, tumigil na talaga siya at hinanap ang maaaring pinagmulan ng papel. Nang inilibot niya ang paningin ay nadaanan ng mga mata niya ang tatlong lalaki na nagtatawanan. Ngunit naagaw ang atensyon niya ng lalaking bumibilog-bilog ng papel. Hmm. "Humanda ka!" Mahinang wika niya 'tsaka binilog ang hawak niyang papel. Buong lakas niyang ibinato ito sa lalaking tumatawa. Hindi nila napansing binabato sila sa sobrang pagtatawa. Pinky might be slow and naive but she's talented. Sharp shooter kaya siya. Magaling nga siya magbasketball eh. Kaya naman hindi kataka-taka nang pumasok sa bunganga ng lalaking tumatawa ang ibinato niyang papel. Sapol! "Yes!" Pinalakpakan niya ang kanyang sarili. Akalain mo 'yon? Ang aga-aga naka-three points agad siya! Ngunit dahil sa katangahan niya ay hindi niya napansing tumigil pala ang lahat dahil sa ginawa niya. Parang nagfreeze ang lahat ng mga nakakita sa nangyari. Tumahimik ang buong paligid at pumainlang ang kanyang malutong na halakhak. "Ha-ha-ha-ha-ha!" "Ha-ha-ha-ha-ha!" Tawa pa rin siya nang tawa. Hindi niya napansing lumalapit na pala sa kanya ang lalaking kaharap niya. The next thing she knew, someone grabbed her wrist forcefully. "Anong problema mo?!" Awtomatikong tumikom ang kanyang bunganga. Ang lapit-lapit kasi ng mukha ng lalaki sa kanya. Namumula pati ang leeg nito sa sobrang inis. "Problema ko? Ha-ha-ha! Wala akong problema no! Ha-ha--- ay! Meron pala! Bakit ang ganda ko?" The guy stared at her indifferently. Tila nagtitimpi ito at mukhang sasabog na. "Nagpapapansin ka ba?" Madiing tanong ng lalaki. Kumunot naman ang noo ni Pinky. Ano raw? "Bakit mo naman nasabi 'yan? Close tayo? Close?" Ngunit ngumisi lamang ang lalaki. He even smirked devilishly. "Aminin mo na kasing nagpapapansin ka. May gusto ka sa'kin 'no? Kaya mo ako binato para lapitan kita. Sabagay, gwapo naman ako. Mayaman at hot. Hindi na ako nagugulat kung magkakagusto ka sa'kin." Lalong naguluhan si Pinky. May disorder yata ang lalaking 'to. Ang alam niya wala naman siyang ibang nagugustuhan maliban sa--- "What are you talking about? I only like PINK, PINK, PINK! Luh! 'Tsaka hindi ka hot no! Ang lamig kaya ng kamay mo. Tabi nga!" She said before leaving the guy with his mouth half open. Pinky swayed her hips while walking. Tuwang-tuwa siya dahil may itsi-chika na naman siya sa inang reyna mamaya pag-uwi niya. Pero tumigil siya sa paglalakad nang may maalala. Lumingon siya at hindi nga siya nagkamali. Hindi pa rin umaalis ang lalaki sa puwesto nito at nakanganga pa ito. Mabilis niyang kinuha ang bubble gum sa kanyang bibig at ibinato ulit sa lalaki. PASOK NA PASOK! "Another three points!" An'ya. Ngunit mabilis siyang tumakbo nang makita ang mukha nito na parang papatay. Dinig din niya ang malutong nitong mura. "WHAT THE HELL!" Nanlaki ang mga mata ni Pinky. "Waah! Takbo, Pinky Pink!" Binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang makitang hinahabol siya ng lalaki. Agad siyang tumungo sa isang kwarto at nagtago. But Pinky will always be Pinky. For the second time, hindi niya napansing men's room ang napasukan niya. Nagulat na lamang siya nang biglang lumingon ang lalaking umiihi sa urinal. "Aaaaah!!! /Aaaaah!!!" Sabay nilang tili ng lalaki. Ngunit lalong lumakas ang tili ni Pinky nang mamukhaan ito. Waaah! Si Professor Fenis! ♕GreatFairy♕
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD