Chapter 3

1416 Words
ILANG beses nang inililibot ni Harris ang kanyang paningin sa paligid ng IT building. Nagbabakasakaling makita niya si backpack girl. Kating-kati na siyang gumanti sa babaeng 'yon. "Humanda ka sa'kin pag nakita kita," gigil na saad niya. Hinding-hindi niya palalagpasin ang ginawa nito sa kanya. He is Harris Hidalgo III, and no one messes with him. Hindi ba siya kilala ng babaeng 'yon? Puwes, ipapaalala niya sinumang bumangga sa kanya kung ano ang kaya niyang gawin. "Dude, para kang tanga. Anong hinahanap mo?" Hindi niya napansing dumating pala ang dalawa niyang ulupong na kaibagan. "Siguro naghahanap ka ng chicks 'no?" It's Kristof, the silent-type pero matinik sa mga babae. Chick-magnet kumbaga. While Keir is the certified casanova among the three of them. Pareho sila ng kurso at magkasing-edad kaya magkasundong-magkasundo talaga sila. "Tss. May hinahanap lang akong ipis," sagot niya at saka nagsimulang maglakad patungong canteen. Makikita niya rin ang babaeng 'yon. Sumunod naman ang dalawang ulupong sa kanyang likod. Pagkarating ng canteen ay kusang nahawi ang mga nasa pila. Who wouldn't? Lahat ay nangingilag sa kanila. Mapababae man o lalaki. Hindi lang kasi sila mga chick magnet. Kilala rin sa pambu-bully sa sinumang bumabangga sa kanila. And that backpack girl is Harris' latest target. And speaking of backpack girl, bigla siyang natigilan nang mapansin ang babaeng naka-braid ang buhok na nakaharap sa kanilang direksyon. May binibili kasi ito. Ang ganda niya. Hindi napigilan ni Harris na purihin ito sa kanyang isip. Para itong anghel na nagkatawang tao. Napakaamo ng kanyang mukha at napakaganda ng kanyang mga mata. Those perfectly curved lips. Napamura na lamang siya sa kanyang isip. Hanggang sa matapos silang umorder at makaupo ay hindi niya tinitigilan ang pagtingin sa kanya. "Dude, sinong tinitingnan mo? Don't tell me may bago tayong target?" Natigilan siya sa sinabi ni Kristof. Hindi na niya pinansin muna at tiningnan muli ang babaeng umiinom ng strawberry frappe. Ngunit nang tumalikod ito ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ito. It's the backpack girl! Hindi siya puwedeng magkamali. Sa tindig nito at sa suot nitong bag ay siya iyon. "Dude, naalala niyo ba 'yong Jc?" Ani Keir. Hindi pinansin ni Harris ang kanyang mga kaibigan, bagkus ay humingi siya ng papel sa estudyanteng katabi ng kanilang puwesto. Agad din naman siyang binigyan. Nilamukos niya ito 'tsaka ibinato sa babae. "Balita ko nasa ospital daw 'yon. Ang lakas ng loob na kalabanin ako, may pepe rin pala sa noo." Sabay na humagalpak ng tawa ang dalawa niyang kaibigan. Harris laughed too. Not because of it. Napatawa kasi siya nang makita ang reaksyon ng babae. Nakakaaliw tingnan, kaya hindi niya napigilang batuhin ulit ito nang magsimulang maglakad. Tumigil ito at biglang humarap sa kanyang direksyon kaya naman agad niyang iniwas ang kanyang paningin sa babae. Nakitawa na lamang siya sa mga kaibigan niya. "Ang sabihin mo, pusong babae rin siya. Takot na takot. Parang kambing na lumalayo sa tubig. Hahahaha!" "Ha-ha-ha-ha-ha!" "Ha-ha-ha-ha-ha!" Harris laughed with his friends. Pero para siyang binuhusan ng kumukulong mantika nang may pumasok na papel sa kanyang bunganga. Awtomatikong napatigil siya pagtawa. "Dude!" Napatayo siya nang makitang ang babaeng 'yon ang may kagagawan. "Yes!" Nagtagis ang kanyang bagang nang tumalon pa ito sa tuwa at pinalakpakan ang sarili. "Ha-ha-ha-ha-ha!" "Ha-ha-ha-ha-ha!" Abala ito sa pagtawa kaya hindi nito napansin ang paglapit niya. Kumuyom ang kanyang kamao. Mabilis niyang hinablot ang braso nito. But he suddenly felt a familiar electricity when he touched her. "Anong problema mo?!" Gigil niyang saad kahit na nakaramdam siya nang kakaiba. Dang it! Mas lalo siyang maganda sa malapitan! Awtomatiko namang tumikom ang kanyang bunganga. She's too cute. Ang sarap niyang halikan. "Problema ko? Ha-ha-ha! Wala akong problema no! Ha-ha--- ay! Meron pala! Bakit ang ganda ko?" Hindi makapaniwalang napatingin siya dito. Dang it! Ang lakas ng loob ng babaeng 'to para sagutin siya. "Nagpapapansin ka ba?" Madiing niyang tanong sa kanya. Ngunit hindi niya inasahan ang tugon. Her brows even furrowed innocently. "Bakit mo naman nasabi 'yan? Close tayo? Close?" Harris smirked. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng kasing-taray nito. "Aminin mo na kasing nagpapapansin ka. May gusto ka sa'kin 'no? Kaya mo ako binato para lapitan kita. Sabagay, gwapo naman ako. Mayaman at hot. Hindi na ako nagugulat kung magkakagusto ka sa'kin." Harris said. He's pretty sure nagpapapansin lang ito. Well, he's willing to play the game she started. "What are you talking about? I only like PINK, PINK, PINK! Luh! 'Tsaka hindi ka hot no! Ang lamig kaya ng kamay mo. Tabi nga!" Harris mouth went half open. Hindi siya makapaniwalang sinagot siya nang ganun lang. He was literally shocked that he didn't notice that everybody is laughing at him. Bubulyawan niya pa sana ang mga ito nang bigla na namang may bumulusok na bagay sa kanyang bunganga. "WHAT THE HELL!" Harris cursed. Dumagundong ang kanyang boses sa buong canteen. Umusok ang kanyang ilong nang makitang chewing gum pala ang pumasok sa bibig niya. And that backpack girl is the culprit. "Hahahahaha!" "Nakahanap din ng katapat si Harris!" "Buti nga sa kanya." "Hahahahahaha!" "EVERYBODY, SHUT UP!" Sigaw niya at mabilis na hinabol ang babae na ngayon ay tumatakbo. Dang it! Hinding-hindi niya matanggap ang nangyari. Nakita niyang pumasok ito sa men's room. Napamura siya sa kanyang isip. Maya'y may narinig siyang tili. Mabilis siyang pumasok sa men's room. Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata sa natagpuan. "Aaaah/Aaaah!" Sabay na tumili ang babae at si Professor Fenis. Pero ang gumulantang sa kanya ay ang pagtalbog ng ihi ng prof patungo sa kanyang mukha. Kung hindi ba naman tanga, tayong-tayo ang kanya at hawak-hawak pa niya. "Dang it!" Mabilis niyang tinakpan ang mga mata ng babae at hinatak palabas. Hindi niya alam sa sarili niya ngunit nakaramdam siya ng inis sa nakita ng babae. "What were you thinking, huh? Sa dami ng puwede mong pagtaguan sa men's room pa!" Hindi niya napigilang singhalan ito. Nagulat siya nang kinunutan lang siya nito ng noo. "Hindi mo naman sinabi na makikipaglaro ka pala ng hide and seek. Ang laki laki mo na maglalaro ka pa ng ganun?" His jaw dropped by what she said. Seryoso rin ito at walang bahid ng pag-uuyam ang kanyang mukha at tono. Is she for real? Nakalimutan niyang may kasalanan sa kanya ang babae. Ayan tuloy, naiwan na naman siyang parang tanga na nakanganga. PINKY went straight to her next class. Mabuti na lang at hindi siya muling hinabol ng lalaking 'yon. "Good morning, creatures!" Tulad ng nakagawian ay bumati siya sa mga ka blockmates niya pagpasok pa lang ng classroom. Ang iba ay ngumiti, ang iba naman ay sumimangot. Palibhasa inggit sa kanyang ganda. "Buti dumating ka na, Pinky. Sa'n ka ba galing at puno ka ng pawis?" It's Fuschia. Ang maituturing niyang kaibigan sa kanilang eskwelahan. Umupo muna siya bago sumagot. "May humabol sa'king nilalang." An'ya. "Anong klaseng nilalang?" "Basta nilalang. Nilalang ng masamang espirito kasi ang weird niya." Napailing na lamang si Fuschia. Kahit kakaibang mag-isip ang kaibigan niya, mahal niya ito. Dalawang taon na silang magkaibigan at siya lang ang nakakatagal sa kabaliwan nito. Palagi kasi itong nawawala at bigla-bigla na lang susulpot-sulpot. "Infairness maganda---" Hindi na natapos ni Pinky ang kanyang sasabihin nang biglang dumating si Professor Puque. "Magandang umaga sa lahat!" Tulad ng inaasahan ay parang makata itong pumasok. Kaya naman nagsibati rin sila. Panitikang Filipino ang huli nilang minor subject. "Kung maaari ay ipasa sa harapan ang inyong mga takdang-aralin." Agad naman nilang inilabas ang kani-kanilang mga assignment. Simple lang naman iyon, maghanap ng halimbawa ng litrato ng fray botod. Ngunit wala pang isang minuto ay dumagundong ang bulyaw ni Professor Puque at nagbabaga ang tingin kay Pinky. "Miss Mijares! Bakit mukha ko ang nakalagay sa assignment mo?!" Tumahimik ang buong klase sa kanyang sigaw. Umalog-alog pa tuloy ang bilbil nito na halos sumayad na sa kanyang tuhod. "Sir naman! Sabi mo ang fray botod malaki ang tiyan tapos kalbo. Tapos nakasuot ng high waist na jeans. Eh di ba po kayo 'yon? Nagpuyat po ako kaka-stalk sa inyo kagabi sa f******k. Ang gwapo niyo nga diyan, in-edit ko 'yong malaki niyong ilong." Inosenteng sagot ni Pinky na nakangiti. Nagtawanan naman ang kanyang mga kaklase. "GET OUT OF MY CLASS, MISS MIJARES!" "Po?" "GET OUT!!!" Nataranta naman si Pinky at dali-daling kinuha ang kanyang backpack kahit hindi niya maintindihan kung bakit siya pinapalabas. Nang lingunin niya ang kanyang professor ay nanlaki ang kanyang mga mata. "Prof Puque! May pumasok na langaw sa ilong niyo!" "MISS MIJARES!!!" Waah! Takbo Pinky! ♕GreatFairy♕
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD