Zoe's POV
Gumagawa ako ngayon ng merienda nila na banana chips, sabi kasi nila masarap daw.
Kaya nagpagawa muli sila
At meron silang bisita si Ma'am Francheska kapatid daw ni sir Ezekiel
Grabe siguro nung nagpaulan si Lord, ng magandang lahi naliligo sila
At ako nasa kama nakahilata, kaya wala man magandang lahi
Maganda lang ako...
"Hija, pumunta ka ng grocery bumili ka ng ingredients para sa hapunan mamaya at mag order kana ng limang sako na bigas dahil ubos na ang stock ng bigas" tumango naman ako sa utos ni Manang Loleng
Natapos na ako mamili ng mga pinabili ni Manang, at nakapag order na din ako ng limang sako na bigas
Patawid na ako papunta sa kabilang kalsada para makasakay ng jeep
Nang may mahagip ang mga mata ko, may natumba kasi na isang ginang.
Lumapit naman ako "okay lang po ba kayo?" Nag aalala na tanong ko
"Nahihilo ako hija at hindi masyado makahinga" hirap na sabi nito
Kinuha ko naman sa supot yung binili ko na mineral water at ibinigay sa ginang
"Uminom po muna kayo ng tubig, namumutla po kayo" at kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang noo nito
Tinignan ko din ang pulse niya, mahina ang t***k ng pulso niya.
"May sakit po ba kayo?" Tanong ko, tumango naman ito
At sinabi niya may sakit siya sa puso
At hirap na talaga huminga, hindi ko na alam ang gagawin ko..
Walang tao masyado nadaan ano ba naman oh, tapos naiwan ko pa ang cellphone ko.
Tama!
Kinuha ko ang nabili ko na sili sa supot, ito kasi dati ang ginagamit ko kay tatay noon inatake siya sa puso
"Tiniis niyo na lang po ang anghang" ani ko saka pinakain sa ginang ang sili
Saka nagtawag ako ng taxi
Nang makarating kami sa hospital agad siya inasikaso at inadmit na sa isang pribadong kwarto.
Napahilamos naman ako ng mukha gamit ang palad ko, "jusko! Baka hinahanap na ako ni manang Loleng" Bulaslas ko
At pumunta sa silid ng ginang upang magpaalam kung gising na ito
Nakita ko naman ang ginang na, mahimbing ang tulog sa kanyang silid.
Kaya naman nagdesisyon na lang ako na iwanan na lng ng sukat ito na umalis na ako at hindi na siya mahihintay na magising
"Bakit ang tagal mo?" Bungad sa akin ni Manang Loleng ng makapasok ako sa mansyon ,napakamot naman ako sa batok ko
"May tinulungan po kasi ako na ale" dahilan ko
Umirap lang si Manang Loleng at pinadala na sakin lahat ng pinamili sa kusina...
Paglabas ko ng kusina, nagmamadali na sila Angel, Alice at ma'am Francheska ang nakita ko
"Let's go faster nasa hospital daw ngayon si Mama" nagmamadali na sabi ni ma'am Francheska hanggang na nakalabas na sila
Kasunod naman lumabas lahat ng amo ko na lalaki
Ano daw? Ang mama ni Ma'am Francheska nasa hospital?
Wala man sana mangyare masama
Nailapag ko na mga hapunan sa dining table.
Sakto naman ang pagdating nila, nagulat naman ako ng kasama nila yung Ginang na tinulungan ko, napatinggin ito sakin saka nanglaki ang mata at mabilis na lumapit sakin
"Hija" masayang tawag sa akin ng ginang at niyakap ako "Hindi ko aakalain na dito kita makikita"
Gulat naman yung iba "did you know her, mom?" Tanong ni ma'am Francheska
"Siya yung sinasabi ko sa inyo na tumulong sa akin" nakangiti na sagot ng mommy daw ni ma'am Francheska
Nang laki naman mga mata ko pumasok sa isip ko, kung mommy ito ni Ma'am Francheska mommy din ito ni sir Ezekiel.. At ito yun sinasabi ni Ma'am Franscheska na mama niya na hospital kaya silanagmamadali umalis
Shookt!
Lumapit naman sa akin si sir James "ang galing mo talaga Miss Beautiful" puri nito sa akin sabay akbay
Hinampas naman siya ni Angel
"Back off Ramos, baka mapatay na talaga kita" matalim na sabi nito
"Si bebe Angel ko talaga selosa, don't worry ikaw lang sapat na bente tres" binatukan naman siya ni Sir Aaron "kalokohan mo Ramos" nakanguso na hinimas ni sir James ang batok niya
"Masaya ako at nakita kita Hija, at makakapag pasalamat ako sayo, nang magising ako umalis kana daw sabi ng nurse yun sulat mo na lang nakita ko" at niyakap ako ni Ma'am
"Sabihin mo lang ang kailangan mo o gusto mo, para bayad ko sa kabutihan mo"
Napangiti naman ako "Talaga po? Kahit ano?" Tumango ito "gusto ko po magkaroon ng date with Kim Soo Hyun" ngiting-ngiti na sabi ko
Sabay tawa "Charot lang po, naku! Wag na po kayo mag abala sa gantimpala niyo, okay na po yon. Sabi nga po mas mabuting tumulong sa kapwa tao na walang hinihingi na kapalit" nakangiti na sabi ko at napangiti din si Ma'am
Nasamid naman yung apat
"Ano nangyare sa inyo?" Takang tanong ni sir Sean kila Angel
"You're so sweet hija, I like you na" at niyakap pa ako
Tumikhim naman si sir Ezekiel
"Stop that Drama, let's eat" seryoso na sabi nito
Nagsiupuan naman sila "join us Hija" anyaya sa akin ni Ma'am
Umiling ako "naku po, hindi po ako bagay sumalo sa inyo at saka katulong lang po ako dito" magalang na sabi ko at nagpaalam na sa kanila