Zoe's POV
Grabe!
Kailangan ba talaga ganito isuot ko?
Naka-skirt kasi ako na medyo may kaiksian at naka long sleeve pa na polo
Ewan ko ba naman kasi kila Ma'am Angel at Ms.Alice bakit ito yung pinasuot sa akin
"Jusko! Ano ba naman yan suot mo babae ka?" Nakapamewang na tanong sa akin ni Manang Loleng
Napakamot naman ako sa batok ko
"Manang, sila ma'am Angel at ms.Alice ang nagpasuot sa akin nito eh.." nailing si manang
"Magpalit ka ng kasuotan mo, mabastos kapa sa suot mo. Tandaan mo kahit kilala mo ang mga amo natin, mas marami pa din ang lalake sa mansyon natin" tumango naman ako
Papasok na sana ako sa Maid's room ng
"Manang can you make me some coffee" utos ni sir Ezekiel
"Magandang araw po sir" bati ko, tumaas ang kilay nito
At tinignan ako mula ulo hanggang paa
Napapikit naman ito at seryoso tumingin sa akin, magsasalita sana siya ng biglang sumulpot dito sa kusina si ma'am Angel
"There you are" patili na sabi nito, kaya napatakip si sir Ezekiel ng tenga "tsk! My eardrum" masungit na sambit nito kay ma'am Angel
"Epal ka Ezekiel" inirapan lang siya at saka kumapit na sa braso ko "perfect, sabi ko na nga babagay sayo eh"
"Ma'am Angel parang masyado maiksi po yung skirt at hindi ako sanay eh.." nakamot pa sa batok na sabi ko
Umiling ito "first Angel na sabi ang itawag mo, and second hindi naman. Ang ganda mo nga eh, lalo na makinis at maputi ang legs mo" sabi nito "At para maakit sayo si Ezekiel" bulong niya
Binulong niya lang kasi nasa harap pa din namin si Sir Ezekiel
"Sige hijo, hintayin mo na lang yung kape mo sa kwarto mo o sa opisina mo?"
"In my office room" sagot ni sir Ezekiel at umalis na
"Manang si Zoe na ang magdadala ng kape kay Ezekiel, para hindi kana mahirapan" utos nito Angel kay Manang Loleng tumango naman ito
"Akitin mo ah?" Mahina lang na sabi sapat para kami lang makarinig
"Ito na ang kape Zoe, ihatid mo na kay Joe" tumango naman ako at kinuha ang kape
Bago ako makalabas sa kusina
Ng fighting sign muna sa akin si Angel
Nang nasa tapat na ako ng opisina ni sir Ezekiel, huminga muna ako ng malalim
"Kaya ko ito" bulong ko
At kumatok na ako, "come in" rinig ko na sabi sa loob
Kaya pumasok na ako "ito na po yung coffee niyo sir" medyo mahinhin ang pagkasalita ko
Nabasa ko kasi sa article, maging mahinhin ng konti.
Insexy way ko inilapag ang kape sa table niya, seryoso siya lang nakatinggin sa akin
Nang mapatinggin ako sa kanya
"May iuutos po ba kayo?" Tanong ko, napakagat ibabang labi pa ako
Mygod!
Kinakabahan talaga ako, hindi naman kasi ako bihasa sa pang aakit chuchu na ito.
"s**t!" Bulaslas nito, sabay ikot ng swivel chair niya para nakatalikod na siya
"Out!" Sabi nito
Napanguso naman ako at lumabas na
Grabe ang kaba ko sa loob
Pababa na ako sa baba ng biglang "Hey!" Napasinghap naman ako
Mahuhulog sana ako sa hagdanan, ng yakapin nito ang bewang ko
At nilayo ako sa hagdanan
"Sorry sir, nagulat lang ako" paumahin ko, tinanguan lang ako nito "bakit po sir Clyde?"
"Change your dress, it's too revealing" utos nito at pumasok na sa isang silid
Namula naman ako
Nakakakilig si sir Clyde... kyaah!