CHAPTER ONE

886 Words
Zoe's POV Kabadtrip na buhay to... Kung may Genie talaga nag eexist sa mundong earth, at meron ako. Hihilingin talaga ako maging mayaman ako huhu.. Kaso wala eh.. Ek-ekan lang yan Magic na yan.. Kung meron man Edi Wow Magic... =__= So ito na nga naghahanap ako ng magandang trabaho, kasing ganda ko. Walang eepal sa pagsabi ko na maganda ako, tusukin ko mata niyo. =__= So ayun nga, naghahanap ako ng pwede maging trabaho ko Kabadtrip naman kasi eh ngayon araw, may trabaho naman ako sa isang hindi masyado sikat na restaurant Aba't bigla na lang ako kinick-out, at ang malala ni singko na duling wala ibinigay sa akin. Kabanas lang talaga... Buti na lang wala ako pasok ngayon sa eskwelahan, Working student kasi ang peg ko... Para matustusan ang kailangan ko sa mga project at baon ko, sariling sikap ako ng pera. Ayoko naman humingi ng pera sa mga magulang ko.. Jusko! Mangsasaka lang ang tatay ko, at may pinag iipunan siya para matubos yung lupa namin na nasangla nung nagkasakit ang nanay. Si Nanay naman isang kapitan sa bayan namin... In short sa Probinsya sila nakatira ngayon. Kasama ang dalawa ko na kapatid Tuloy lang ako sa paglalakad ng mapatinggin ako sa poste Deym! Nahanap ko na ang Prince Charming ko Pero syempre charot lang, sa poste talaga makakakita ng Prince charming? Tsk! Yung nga nang liwanag ang paningin ko sa poste at kuminang lang naman ang mga mata ko sa nakita ko.. 'Wanted Maid' Kala niyo naman kung ano.. wanted maid? Ano yung takas preso na katulong kaya pinapahanap? Pero syempre char lang.. Minsan talaga ang buhay ko hindi kumpleto kung wala ang kakornihan ko =__= Nakita ko naman sa isang Agency ito, kaya kinuha ko ang numero at tinawagan Nang sumagot sinabi ko na mag apply ako At sinabi pumunta na lang ako sa Agency with my Bio-Data Nandito na ako sa Address na binigay sa akin ng Agency na kailangan daw ng bagong katulong Taray ah? Bongga ang house ng future amo ko Pipindutin ko na sana ang doorbell ng magpasya ako na basahin muna ang Bio-Data ko Name: Monteros, Zoe Rose F. Date of Birth: September 12 19** Birth Place: Bahay Syempre char lang FB Hospital ang name kung saan ako pinanganak ng ina ko.. Sex: Never have s*x since birth Joke ulit hehe.. Syempre Female alangan naman Male... Civil Status: Single (Since birth) Citizenship:Filipino Height: *** Weight: *** Kaloka! Pagtapos ko basahin ang bio-data ko, mag desisyon na ako mag doorbell Mga tatlong beses lang naman "Ano po kailangan niyo?" Tanong ng guard na nagbukas ng gate "Pinadala po ako dito ng Agency, ako po mag aapply bilang katulong" magalamg na sabi ko Sinabihan naman ako nito na saglit lang... "Samahan ko na po kayo pumasok" tumango naman ako at tinuro niya sa akin kung saan ako dapat pumunta Pagpasok ko may sumalubong sa akin na matanda na babae "Magandang Araw po sa inyo" magalang na bati ko "mag apply po ako, ito po pala Bio-data ko" sabi ko sabay abot Binasa niya naman ito Tumaas naman ang kilay nito "Wala ka pang karanasan bilang katulong?" Tanong nito Tumango naman ako "Opo, sa totoo po yan naghahanap po ako ng trabaho para sa pang papaaral ko sa sarili ko at may konting tulong ako maibigay sa pamilya ko sa probinsya" Tumango naman ito "At wag po kayo mag-alala dahil sanay naman po ako sa mga gawain bahay" Dugtong ko pa "Makakapag tiwalaan kaba?" Medyo masungit na tanong nito Tumango naman ako "Opo, mukhang magnanakaw man ako sa paningin pero hindi po ako magnanakaw sa tinginan lang hehe" biro ko Umirap ang matanda na sa akin "Tsk! Sige tanggap kana, at pwede kana mag simula ngayon" sobrang saya ko dahil sa sinabi nito "Ako ang mayordonna sa masyon na ito, Manang Loleng na lang ang itawag mo" "Sumunod ka sa akin para malaman mo ang maid's Room na magiging kwarto mo" Sumunod naman ako Tatlong araw na ako nagtratrabaho sa mansyon na ito, at hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita ang Amo ko At napag alaman ko, ako at si Manang Loleng lang ang katulong Dahil daw yung tatlong katulong dito noon, ay mga taksil daw. Hindi naman nag kwento pa si Manang Loleng, at magkasama kami sa iisang kwarto "Manang Loleng?" Napakunot naman noo ko makarinig ako boses ng babae Sino yung? Nandito kasi ako sa Kusina, nililinis itong ilalim ng lababo Ewan ko ba naman kay Manang Loleng at ito at ibinigay sa akin na linisin "Sino ka?!" Napasinghap naman ako may biglang sumigaw na babae "Ay palaka na lumilipad" gulat na sabi ko "Pashnea ka! Sino ka?!" Ulit na tanong nito ng humarap ako Grabe ang ganda niya Laman ata siya ng isang paligo sa akin A-ako po si--" bago pa ako makapag salita biglang sumulpot si Manang Loleng "Ma'am Angel nanjan na po pala kayo, ito pala si Zoe ang bagong katulong natin" sabi ni Manang Loleng kay Ma'am Angel daw Matalim na tinignan ako ng babae At biglang tumaas ang kilay niya "Sinigurado mo ba na hindi ito tulad ng tatlong katulong?" Tumango naman si Manang Loleng "Okay" sambit nito sabay turo sa akin "Make some 4 Juice at dalhin mo sa Sala" utos nito sa akin at lumabas na Grabe... ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD