Zoe's POV
Pagkatapos ko magtimpla ng apat ma juice dinala ko na ito sa Sala
Si Ma'am Angel at may tatlo pa ako nakita
Dalawang lalaki at isa na babae
Mga kaibigan ata ni Ma'am Angel
Siya ata ang amo ko si Ma'am Angel "Ito na po pala ang Juice" sabi ko at nilapag
Napataas naman ang isang kilay ng babae sa akin
"The new maid?" Tanong nito kay Ma'am Angel, tumango ito
"Hi Miss Beautiful, I'm James Ramos at your service" sabay kindat ng James daw ang ngalan pagkatapos magpakilala
"Aaron John Gubi" pakilala naman ng isa "Nice to meet you all po, ako po pala si Zoe Rose Monteros" pakilala ko
"Your name is Beautiful just like you" sabi ni Sir James
Binatukan naman ito ni Ma'am Angel "kalandian mo na naman lumalabas" masungit na sabi nito
Pero nag 'bleh' lang ito
"Siya naman pala si Alice Tan" pakilala ni sir James duon sa babae na katabi ni Ma'am Angel
"Kayo po ba yung mga Amo ko?" Tumango naman sila
"yup! Pero hindi kami ang pinaka boss hehe" sabi ni Sir James
Napa 'huh' naman ako
Ibig sabihin may Big boss pa
"Yow! Nanjan na pala kayo" biglang sabi ni sir Aaron
Napatinggin naman ako sa direksyon kung saan siya tumingin
At ganun na lang paglaglag ng panga ko, tatlong makikisig na lalaki lang naman ang pinagpala ni Lord
Jusko!
"Who is she?" Tanong ng lalaki medyo hawig kay Ms.Alice
"She is Zoe, our new maid the new maid of Ezekiel" sagot ni ma'am Angel
"By the way Zoe, si Sean Tan yan kambal ni Alice" si James ang nagpakilala
Nag bow naman ako dito biglang pag galang
"And that's Clyde Dixson" turo sa isang lalaki, shemay na malagkit
Ang wafu ni kuya...
"And your big boss Ezekiel Ichihashi" sabay turo sa lalaki seryoso ang mukha
Habang nakatinggin sa akin
Nagulat naman ng tumiim ang bagang nito habang nakatinggin sa akin
"Who are you?" Seryoso at medyo diin na tanong ng big boss ko
"Z-zoe Rose F. Monteros" mas lalo ata tumiim ang bagang niya ng banggitin ko ang precious name ko
Tapos nakita ko pa na nagulat si sir Sean pangalan ko din
Seryoso ano ba nakakagulat sa pangalan ko?
Maya maya pa biglang ngumisi si sir Ezekiel
"Welcome to Hell"
Hindi ko masyado naintindihan yung sinabi niya bago tumalikod
Hay! 2 weeks na pala ako nagtratrabaho bilang katulong. mahirap din kasi pinagsasabay ko yun pag-aaral ko at trabaho...
Buti na lang T-TH-Sat
Ang pasok ko, special class kasi yung sa mga hindi kaya makapag aral ng araw-araw dahil sa hirap ng buhay
At buti pinayagan ako
At isa pa apat hanggang limang oras ang pasok ko, kaya hapon pa lang nandito na ako sa Mansyon
"Hija" tawag ni Manang Loleng
Lumapit naman ako
"Abot mo itong kape kay Joe" tumango naman ako
Kay sir Ezekiel
Pag akyat ko dito sa pangalawang palapag
Pumunta ako sa opisina niya
Kakatok sana ako ng marinig ko nagsalita si Sir Ezekiel
"I promise to you that I will give justice to your death"
Bakit parang kinabahan ako sa sinabi niya? At sino kausap niya
Dahan dahan ko binuksan ang pintuan at sinilip
Nakaupo siya sa swivel chair pero nakatalikod ito nakaharap sa bintana
Pero kita dito na may hawak siya na litrato
Kaso hindi malinaw kung sino ang nasa litrato
"Ano sinisilip-silip mo jan" napasinghap naman ako sa bigla may nagsalita
Sanhi na pagkatapon ng kape na hawak ko
"Sorry po sir Clyde" hinging pasensya ko
"Tsk!" Pagsusungit nito at pumasok sa opisina ni sir Ezekiel