Aaron John's POV
Nandito ako ngayon sa opisina ni boss may papagawa daw "yow! Boss ano papagawa mo?" Tanong ko sabay upo
"I want you to inverstigate Zoe Rose" sabi nya in cold way... "Bakit naman?' Takang tanong ko
Matalim na tinggin ang isinagot nito sa akin
"Yes boss" I said na lang at nag salute din
Paglabas ko ng opisina niya dito sa Mansyon niya, bumaba na ako sa sala
At nakita ko si Angel at Alice nag uusap ng masinsinan
"Ano pinag uusapan niyo" tanong ko, hindi naman ako chismoso...
"We are talking about Ezekiel" sagot ni Alice
Napataas naman ang kilay ko
"What about him?" Takang tanong ko
"Sa tinggin ko kailangan na ni Ezekiel ng pamilya" napatanga naman ako sa sinabi ni Angel
"Oo nga, malapit na matapos sa kalendaryo si Ezekiel pero wala pa din siya asawa" sabay ni Alice
Nailing naman ako sa dalawa "Paano siya makakapag asawa? Simula alam niyo na hindi na tumingin sa ibang babae si Ezekiel" aniya ko at nag detkwatro na umupo dito sa sofa
Angel sighed "I know, pero hindi naman habang buhay na lang. dahil hindi habang buhay nasa tabi niya tayo at kasama niya" at hinilot pa ni Angel ang sentido niya
Napatinggin naman kami kay Zoe na kakapasok lang ng Mansyon at naka uniform pa siya
"Good afternoon po" bati nito sa amin at nagpaalam na magbibihis na
Pumalakpak naman si Angel
"Tama" kunot noo namin tinignan siya ni Alice
"Anong tama?" Sabay na tanong namin ni Alice
Ngumiti siya at binulong sa amin
Zoe's POV
"If you wanna be my future, forgot my past" kanta ko habang nagluluto ng hapunan
Ng mga amo ko
"If you wanna be my lover, you have to give" tuloy ko pa sa kanta ko
"Oh yeah! Slam,Slam, Sl--" naputol ang pagkanta ko ng biglang may pumalakpak
Ganda pa naman ng kembot kembot ko din hehe..
Nilingon ko ito at si Sir James,Sir Aaron,Ms.Alice at ma'am Angel
Napakamot naman ako sa batok ko, kahiya mga besh.
"Kayo po pala" medyo hiya na sabi ko
"Ang ganda mo na nga, ang ganda pa ng boses mo" puri ni sir James
Nagpasalamat naman ako
Oo nga pala si Manag Loleng pala nasa Probinsya nila, wala kasi mag aalaga sa apo niya.
Kaya umuwi muna sa kanina at sa sabado ang balik niya
Naalala ko tuloy yung bilin niya bago umalis
"Aalis muna ako, at sa sabado ang balik ko" tumango naman ako
"Sige po mag ingat po kayo sa byahe niyo pauwi" magalang na sabi ko
"At ito tatandaan mo Zoe, wag ka gagawa ng kapalpakan. Malaman ko lang may mga ginagawa ka dito hindi kanais nais makukurot kita sa singit" parang isang mabait na tuta ako na tumango
Nanay ko nga hindi ako makurot sa singit dahil umaakyat ako sa puno para makatakas kay Manang Loleng pa kaya. Hehehe...
Magsasalita sana si sir Aaron ng biglang tumunog ang cellphone ko na Nokia
Pang poor kid talaga
Pag yumaman talaga ako, bibili ako ng Iphone 12+
Tsk!
"Saglit lang po, sasagutin ko lang po sasagutin ko lang po ang tawag ng kapatid ko"
Nakita ko kasi si Zico ang tumatawag ang lalaki na kapatid ko
"Hello Zico? Bakit napatawag ka, may nangyare ba?" Tanong ko, sabi ko kasi sa kanila
Tumawag lang sila kapag may kailangan sila o may nangyare
[ate si tatay inatake sa puso] nagulat naman ako sa sinabi nito
"Ano?! Teka lang Zico ah, paano nangyare inatake si tatay malakas pa siya makausap ko kahapon" naiiyak na din ako
[Kanina kasi ate bago isugod dito si tatay sa Hospital, dumating si Mang Domeng at nagtalo sila ni tatay tungkol sa lupa at doon na inatake si tatay] nasapo ko naman ang noo ko
Letche plan naman oh... ito si Mang Domeng, aalisin ko na talaga ang natitirang buhok niya sa ulo at sa kili kili at babangasan ko na din para mawala na ang apat na ngipin na natitira
"May mga kailangan ba?" Naiiyak na tanong ko
[kailangan daw maoperahan si Tatay, dahil masyado malaki din ang butas ng puso niya at kung hindi daw maoperahan si tatay sa loob ng 12 hours, mahihirapan na daw si tatay makahinga hanggang sa sumuko ito] napahagulgol naman ako
Lord please spare my father's life...
Hinahagod na pala ni sir James ang likod ko
Nalumo din ako sa sinabi nitong presyo sa operasyon ni tatay, saan ako makakakuha ng 1.5m?
Sa isang pribado daw kasi nila naisugod si tatay, dahil hindi kaya duon sa pang publiko
"Sige gagawa ako ng paraan" yung lang nasabi ko
"Ano problema Zoe?" Nag aalala na tanong ni sir James
Sinabi ko naman ang problema ko
"I will help you Zoe" biglang sabi ni Ma'am Angel, nagulat naman ako sa sinabi nito
"T-talaga po? Maraming salamat po, wag po kayo mag alala gagawin ko naman lahat para mabayaraan yung 1.5m" hindi ko mapigilan mapayakap kay Ma'am Angel
Hinagod niya lang likod ko
Tulad nga ng sinabi ni Ma'am Angel, sila na ang umasikaso sa pag papaopera kay Tatay
At mas nagulat ako ng kinuha din nila ang lupa, naka sangla kay Mang Domeng.
Una nga nag complain ako, dahil paano ko na mababayaran yung 1.5m nga hirap na mabayaran sa isang tulad ko na mahirap at dagdagan pa ang tatlong daan libo sa presyo ng lupa.
Nagulat din ako sa sinabi nila, sa paraan ng pagbayad ko.
"Hindi pera ang pang ibabayad mo, kung ano gagawin mo para mabayaran"
-----