Zoe's POV
Kakauwi ko lang galing sa SuperMarker, dahil inutusan ako ni Manang Loleng mag grocery
Hirap na hirap ako mag bitbit
Dahil ang daming pinabili ni Manang Loleng, nagulat naman ako ng kunin ni sir Clyde ang ibang paper bag
At diretso lang sa kusina
Shemay talaga... nakakakilig naman yung ginawa ni sir Clyde.
" salamat sir Clyde" tumango lang siya at kumuha ng isang tubig na baso at lumabas na ng kusina
Dumating naman si Manang Loleng, "Nanjan kana pala, ikaw na magpatuloy sa mga nilalabhan ko at sumasakit ang balakang ko" tumango naman ako at pumunta na sa washing area
Para maglaba
Umiikot ang ibang de color na damit sa washing machine, at mga puti naman kinusot ko para malinis.
Pagtapos ko labhan at idry ang mga puti, lumabas na ako para isampay
Habang nagsasampay ako napasinghap ako biglang sumulpot si sir Ezekiel sa harapan ko
Dahil duon sa gulat ko, na out of balance ako sa pagkakatayo sa upuan na maliit para lang maabot ang sabitan
Napapikit ako, kaysa maglanding ako sa matigas na lupa
Naglanding ata ako sa matigas na katawan
Dinilat ko ang mata ko, at ganun na lang paglaki ng mata ko.
Nang masalo pala ako ni Sir
Tumayo naman ako ng maayos "pasensya na po sir Ezekiel" seryoso niya ako tinignan
"I called you many times" napayuko naman ako "go to my office" at pumasok na siya sa loob
Napahawak naman ako sa dibdib ko, bakit ang bilis?
Malaman dahil sa gulat, tinapos ko muna ang pagsampay bago sumunod kay sir.
Kumatok muna ako bago pumasok
"Ano po yung kailangan niyo sir?"tanong ko
Tinignan niya muna ako ng malalim "did you know Salvador Sy?" Seryoso na tanong nito
Umiling naman ako
"Hindi po"
Tumaas ang isang kilay niya "Are you sure Lady?" Tanong nito
Tumango naman ako
Magsasalita pa sana siya biglang pumasok si Sir Sean, may bitbit na laptop at folder
"Ohh.. nandito ka pala" gulat na sabi nito
Ngumiti lang ako at nagpaalam may gagawin pa
"Sono shōjo wa usotsukidesu"
Rinig ko na sabi ni Sir Ezekiel bago ako lumabas
Ano daw Shōjo? Ano yung chonggo?
Wala me pake sa salita nila, maka-alien...
James' POV
Nagulat naman ako ng lumabas si Zoe sa opisina ni Ezekiel
"Zoe ano ginawa mo sa loob?" Tanong ko
"May itinanong lang si sir Ezekiel" sagot nito
May tinanong?
Kailan pa nagkaroon si Ezekiel magtanong sa mga katulong?
"Ang pogi mo sir James" napangiti naman ako sa sinabi ni Zoe
Shit! Si crush sinabihan ako na pogi
Pero napawi yung sa sunod na sinabi niya
"Pero ngayon lang, pero kahit gwapo ka may mas gwapo sayo" at nagpaalam na ito bababa sa kusina
Anong ngayon lang?!
Araw-araw ako na gwapo, simula ipinanganak ako ng dyosa ko na mommy, gwapo na ako.
Kaya nga lahat ng babae lumuluhod sa harapan ko, maikama lang ako.
At alam ko hindi sila nagsisinungaling kapag sinasabi nila ang gwapo ko.
Simula ngayon hindi ko na crush si Zoe, pagkatapos niya sabihin na gwapo ako pero ngayon lang?
Hindi ko na siya crush..
At hindi na siya maganda sa paningin ko, pero slight lang.
Masama ang loob ko na pumasok sa kwarto ko, dito sa mansyon ni Ezekiel.
Dahil hindi ko talaga matanggap Na sinabihan ako na ngayon lang ako na gwapo...
----