chapter 10 christmas

2587 Words
Louie's POV "Eng. Louise don't forget sa pasalubong namin ah" banat ni Eng. William "kayo, mga mukha kayong pasalubong at libre, anlalaki ng sahod nyo eh" sagot naman ni Eng. Louise at yumakap sa braso ko. gusto kong hilahin ang braso ko at ilayo dito kaya lang baka ma offend ito. Nasa gitna kami ng kasiyahan ng mangingibabaw ang boses na iyon kahit malakas ang tugtog. "wow, go bro we will support you, Thea huwag kang mag alala mabait yan, hindi yan babaero" sigaw ng kabilabg lamesa. nagkakantyawan ang mga ito. Thea? tama ba ang narinig ko? napalingon ako sa pinangalingan ng boses pero sa dami ng tao at may mga nakatayo hindi ko masyadong kita kung sino ang mga ito. "Thea?. si Thea " sabi ni Eng Han na parang nakakita ng Dyamante sa uri ng tingin nito. tinitingnan nya ang kabilang lamesa na nagsisigawan. si Ms. Garcia ba ang tinutukoy nila? pero nasaan dyan si Thea bakit hindi ko makita? may mga nakatayo at isa na doon ang bilyonaryo ring si Jameson Silva at katabi nya si. ...Ron? nasan si Thea? "Merry christmas Thea, ingat kayo ha" sigaw ng mga kalalakihan na nag iinuman. kaibigan siguro ni Jameson. their faces are so familiar but i dont remember their names. "wait lang mga bro..Thea!" tawag ni Eng. Han pero pinigilan ko ito at pinaupo. mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso nya kaya nagulat ito. nagulat na rin ang iba pa naming kasama sa ginawa ko but i dont care. ayokong maunahan nya ako kay Thea. "bye.." paalam ng isang babae. kahit malakas ang tugtog pero kahit isang word lang kilala ko na kaagad kapag sya ang nagsasalita. may isang table lang ang pagitan kaya dinig ko kaagad ito. binitawan ko si Eng. Han at lumingon sa mga nakatayo sa kabilang lamesa kung saan nakatayo si Ron dahil alam kung naroon din si Thea. pero wala na si Ron doon. hindi ko sya makita dahil may iba pang customers na nakatayo malapit sa kanila. nasaan na sila? Napahampas ako sa lamesa ng malakas. anong ginagawa nya dito? "Thea?..The-" "Louie!..babe? what happen, bakit hinahanap mo yong Parking Attendant mo? " sambit ni Louise at pinipigilan nya ang braso ko. marahas ko itong tinangal ako nagmadaling lumabas. "Thea!" malakas kung tawag habang naglalakad. napatingin naman ang mga kaibigan ni Jameson sa akin na nagtataka. nilapitan ko sila at tinanong0 "galing ba dito kanina si Thea?" malakas kung pagkakatanong sa kanila dahil sa lakas ng tugtog "yes Mr. Guevarra. pero sinong Thea ba ang hinahanap mo malay mo iba pala?" sagot nung isa na may kalingkisan pang babae. "nasan na siya?" tanong ko pa at hindi ko na sinagot ang tanong nito. alam kung sya yon. "kakaalis lang nila kasama yung friend nya na Ron ba yun? at si Jameson Silva." sagot pa nong isa. agad akong tumakbo pa labas. anong ginagawa nya sa ganitong lugar at bakit kasama nya ang Jameson na yon? ang dami ko ng nabunggo sa kakamadali para lang makalabas. Nang makalabas na ako ay hinanap ko ito sa mga nakahimpil na mga sasakyan. and there she is. papasakay na ito sa sasakyan ng hayop na yon at sumunod naman si Jameson na tumabi rin dito. habang si Ron ay nasa nasa harap. sya yon! si Thea yon! "Thea!..Thea!" tawag ko pa at tumakbo pero nakaalis na ang sasakyan. D**n! kinuha ko ang Phone ko at tinawagan ito pero nakailang dial na ako ay hindi ito sumasagot. gigil akong napakuyom ng kamao. at pinagsisipa ang mga sasakyang nakahimpil. wala namang tao. marahas akong napabuntong hininga ng mapagod ako at bumalik na lang sa loob na nagpupuyos ang damdamin. nagngangalit ang panga ko ng makaupo ako ulit sa upuan. panay tanong nila sakin pero hindi ko sila pinansin. sobrang sira na ang gabi ko kaya napahilot nalang ko sentido ko para kumalma lang ako. Inaamin kung Christmas ngayon at hindi ko sya nabati at nabigyan man lang ng regalo. pero plano ko namang bumawi pagkatapos ng trip ko from Dubai para sa meeting ng mga Board of Directors sa isa sa Hotel doon. isa ako sa share holders kaya kailangan kong dumalo. "are you okay?" tanong ni Louise sakin. nagtataka siguro sila at biglang nagbago ang mood ko. "masakit ba ang ulo mo, halika hihilutin ko" akmang hahawakan nya ako pero itinaas ko ang kamay ko upang pigilan ito. "ayos ka lang ba bro?" tanong ni Eng. William sakin. nakatitig naman sakin si Eng. Han na may pagtataka "kung gusto mo iuuwi na kita ako na ang magdadrive para sayo" sabi pa ni Louise pero umiling ako. "I'm okay" sabi ko at kinuha ulit ang phone ko at tinawagan ulit si Thea. naka ilang dial na ako ay ayaw pa rin nitong sagutin. "f**k!, f**k!" pagmumura ko dahil sa galit. bakit kasama nya yon? "hey bro, relax, oh ito shot ka muna" saad ni Eng. William kaya tinungga ko ang binigay nyang beer. i need this. bakit hindi ako makapag isip ng mabuti. f**k! pagkatapos kung inumin ay nagdadabog akong tumayo. wala akong paki kung nakakuha na ako ng atensyon. pupuntahan ko sya. gusto ko syang makausap bago ako umalis papuntang Dubai. hindi pwedeng ganito. Pasado alas 12 na akong nakarating sa tinutuluyan nya. tinawagan ko sya ng paulit ulit pero hindi parin ito sumasagot. nagriring naman ang kanyang phone. sagutin mo please! wala na akong time para makausap ka.. halos isang oras na akong nakaabang sa labas ng apartment nila pero hindi man lang ito lumalabas. marami na akong kagat ng lamok. d**m! patay na ang ilaw sa tunutuluyan nila. tulog na nga siguro sila malamang o ayaw lang talaga akobg harapin. sinipa ko ang gulong ng sasakyan ko sa sobrang inis. kailangan ko ng umalis at maghahanda pa ako ng mga dadalhin ko. wala akong time sa pag asikaso ng mga gamit ko dahil ilang araw rin ang ginugol namin sa shooting ng komersyal hangang sa iba pang preparations. kararating ko nga lang din galing sa Cebu para ihatid ang mga regalo ko sa mga anak ni Vlad at Montessa at syempre kaunting salo salo bilang pasasalamat sa pagpayag ng bestfriend ko ng kunin kong Komersyal model ang asawa nya. sulit naman. malaki ang kinita ko sa unang release pa lang namin. Nagdadrive na ako pabalik sa Penthouse ko ng magring ang phone ko. its Louise calling. i connected it sa bluetooth earphone "Hello" malamig kong saad "hello babe, daanan mo ako ah, para sabay na tayo baka kasi malate ako sa flight" "okay," "nakauwi ka na ba?" tanong pa nito kaya bumuntong hininga muna ako bago sumagot "not yet" "what? saan kaba nagpunta eh diba nauna ka ng umalis" hinampas ko ang manibela sa inis at pinikit ko saglit ang mata ko para kumalma ako. ayoko sa lahat ang tinatanong kung ano ang ginagawa ko. nasanay akong mag isa, wlang nanggugulo, nagtatanong at nangingialam kong ano ang gagawin ko kaya naiinis ako. "kay Thea" kalmado kung saad "but babe-" "pwede ba kung wala ka ng sasabihin ibababa ko na ito at nagdadrive ako" "o-okay" sagot nito kaya pinatay ko na ag tawag at itinapon ang earphone sa kabilang upuan. bakit ba ganito ang nararamdaman kung galit? sa dinami dami ng babae bakit malaki ang epekto nya sakin? hindi maganda ang huli naming pagkikita pero hindi naman ako nagtatanim ng galit sa kanya. tampo siguro oo dahil parang ikinakahiya nya ako. pinapalayo nya ako. siguro dahil sa sasabihin ng ibang tao pero i don't care. i'm single at wala akong dapat itago. pero ano ba ang nararamdaman ko sa kanya? hindi pa naman siguro love? malaking atraksyon lang siguro sa kakaiba nyang ganda kahit hindi maganda ang una naming pagkikita. those innocent face ang nakakuha ng atensyon ko. pero kakaiba ang saya na nararamdaman ko kapag nakikita sya. sa kanya lang at never kong naramdaman pa ito sa iba. Ipinasok ko ang sasakyan ko sa garahe ng pagbuksan ako ng guard ko ng gate. nagmadali akong umakyat at pumasok sa kwarto para ihanda ang maleta ko. f**k parang ayaw kong umalis hanggat hindi kami nagkakausap. baka mamaya matulad ng dati na magugulat nalang ako na wala na naman sya. naalala ko pa noong time ng pagiging harsh kong magdesisyon. galit lang ako noon kaya nagawa ko yon. wala naman talaga syang kasalanan pero yung mga security guards na yon kung makipag usap kay Thea mahahalata mo talagang may motibo sila. gabi gabi may pagkain daw ito at isa pa yung Jameson Silva na yun, f**k him!. bakit binibigyan nya ng pagkain ito?. may gusto ba sya? naalala ko pa yung huli naming pag uusap. "Oh Mr. Guevarra, nice to meet you, what brings you here?" nakangiting saad ni Jameson pero alam kung hindi sya natutuwa sa pagkikita namin. nagulat lang siguro at bigla akong pumunta doon. Nakipagkamay ito kaya tinaggap ko nalang din. Pang third time ko ng pumasok sa building nya dahil hindi naman talaga kami matalik na magkaibigan. naaangasan ako sa kanya. pero ngayon lang kami nagkausap ng harapan. "may pupuntahan lang ako sa parking" malamig kung saad "sa parking? sa fourth floor? may sasakyan kabang iniwan sa taas?" nagtataka nitong tanong kaya umuling ako. nasasarkastikuhan na ako sa kanya "no may pupuntahan lang ako" nag iisip pa ito pero nagpaalam na ako at pinindot ang elevator. kaya umalis na rin ito pero bago pa ito makalayo ay bigla itong nagsalita "your Parking Attendant is so nice and ...beautiful too. no wonder na nagustuhan ng mga security ko at nagrequest sila na i permanent na sya doon. naawa naman ako nong malaman kong nag aambagan sila sa pagkain kaya sinagot ko nalang ang pagkain nya tuwing duty nya" nagitla ako sa nalaman at hindi ko namalayan na bumukas na ang elevator. humarap ako dito na nakakunot noo pero tumalikod na ito. Nagtagis ang mga bagang ko ng pumasok ako sa elevator at inalog ko sa galit ang railings sa loob ng sumara na ang elevator. nagmadali akong pumunta sa parking at ganun nalang ang nasaksihan ko ng may nagbigay nga sa kanya. hindi nila ako napansin pero dinig na dinig ko ang mga pinag uusapan nila pati ang katawagan nito sa radyo. ako nalang ang papa mo? s**t kung pwede ko lang tangalin ang mga security guards na ito ginawa ko na kaso hindi ko sila sakop. tuwang tuwa pa itong babaeng to dahil may pagkain sya. kaya ko yan kahit umagahan hangang gabihan pa. f**k them. ilang beses na akong pumunta rito ng patago ngayon ko lang nasaksihan ito. kaya pala hindi nagbago ang sked nya. d**m tumalikod na ako. baka masugod ko pa sila. Ms. Garcia!!....sigaw ng isip ko nagpunta ako sa Penthouse ko para uminom ng beer pero maya maya lang ay bumaba na naman ako dahil hindi ako mapalagay. gusto ko syang makita. no! gusto ko syang pagalitan bakit nakikipag usap na nman sya sa mga lalaki. kaya nga nilagay ko sya doon dahil kakaunti lang ang parkers at para malayo sa mga kaibigan ko. yon pala mas matindi pa. pagkababa ko ay inubos ko ang beer ko at itinapon ito sa basurahan. pagkatapos ay nagsindi ako ng sigarilyo. nakikita ko na syang dumating dahil salamin lang ang admin kaya kita ko sya dito sa labas. nakailang stick na ako pero hindi parin ito lumalabas ng locker. anong ginagawa nya doon? maya maya lang ay lumabas yung lagi nyang kasama na lalaki at ilang minuto lang ay lumabas na rin ito. f**k magkasama na naman sila? Ms. Garcia!! diba sabi ko sayo huli na ito pinupuno mo talaga ako. nagngangalit ang panga ko sa galit habang pinapanood ko silang naguusap at naglalakad. nakita ako ni Thea kaya sinamaan ko ito ng tingin. halatang natakot ito pero hindi man lang tumigil. kung pwede ko lang saksakin sa pamamagitan ng tingin silang dalawa ng kasama nya ay ginawa ko na. d**m! ano bang nangyayari sakin? she's just my attendant, pero bakit ako naiinis? "tangalin mo ang Technician tomorrow, Mark Gallo" sigaw ko sa Manager sa Admin. nagtatanong pa ito kung bakit pero hindi ko na pinkinggan "just do what i said" tinawagan ko naman ang visor ni Thea "sabihin mo kay Thea magreport sya sakin bukas" "Sir, pasensya na po, day off po nya kasi bukas. pwede po bang the next day nalang po?" "no, i want tomorrow, is that clear?" "y-yes sir" kinakabahang sagot nito at pinatay ko na. Nawala lang ako ng ilang araw ganito na ang nangyayari? humanda ka sakin Ms. Garcia! Kinabukasan pag gising ko ay mataas na ang sikat ng araw. tiningnon ko ang oras. oh s**t! sakit ng ulo ko..11 na pala ng umaga. ilang araw din akong kulang sa pahinga. may jetlag pa ako. naalala ko na naman ang nangyari kagabi. bigla na namang kumulo ang dugo ko. tinawagan ko ulit ang visor nya "pasensya na po sir ngayon ko lang po naalala nkatulog po kasi ako kagabi pagkatapos nyong tumawag" "idiot. kung hindi pa kita tinawagan hindi mo sasabihin?. bilisan mo! kapag hindi mo nakontak mananagot ka sakin" galit kung bulyaw dito at pinatay na. akala ko pa naman tinawagan na nya. ang tanga naman non. dumiritso na ako sa banyo para maligo. nang matapos ay nagbihis ako ng pambahay. hindi mona ako papasok ngayon. gusto kong ipahinga ang katawan ko. f**k kailangan ko palang magluto at pupunta si Thea. nagluto ako ng grilled beef, at iginisa ko lang ang brocolli with oyter and shrimp. perfect lunch. gutom na ako pero hihintayin ko sya. halos 1 na ng hapon bakit wala ito? tinawagan ko ulit ang visor nya "ano na?" malamig kong tanong dito "ahm si-sir hindi ko po makontak hindi ko po alam kong nasan sya" kabado nitong saad "d**n problema ko ba yun? kagabi ko pa kasi sinabi sayo tatanga tanga ka. tawagan mo ulit" sermon ko dito. hapon na pero wala pa rin ito. ang dami ko ng naubos na bote ng beer sa inis hindi na ako nakakain at uminom nalang ako. Ms. Garcia! halos murahin ko na ito sa isip ko. kahit ako nakailang tawag at text na ko, hindi rin nito sinasagot? saan na naman kaya ito pumupunta at wala manlang reply? ginagalit mo talaga ako Thea. pinagsusuntok ko na ang pader sa iNis. sa galit ko hindi ko na namalayan kung ano ang mga sinasabi ko sa text. bahala na. ibinato ko ang phone at humiga sa sofa. malamig na ang mga niluto ko hindi man lang nagalaw. nawalan na rin ko ng ganang kumain. nakatulog ako at gabi na ng ako ay magising. nakatulog pala ako?. kinuha ko ang phone ko ng magring ito. si OIC? "Sir Good evening po" bati nito sa kabilang linya "goodevening, napatawag ka?" "Sir sasabihin ko lang po sana na nagresign na po si Thea, tinangal nyo raw po kasi sya, kagagaling nya lang po dito at kinuha na nya ang mga gamit nya" napatulala nalang ako sa narinig. anong nagawa ko? tinawagan ko sya pero hindi nito sinasagot. may text pala sya? f**k ibinato ko ang phone ko sa galit ng mabasa ko ang text nya. siraulo talaga ako! g*g*! bakit ko ginawa yon? pinagsisihan ko yon eh di sana doon pa rin sya nagtatrabaho sa parking until now at malaya ko pa sana syang nakikita. pero paano yung mga gustong manligaw sa kanya. f**k makakapatay talaga ako ng wala sa oras. sinara ko ang maleta ko ng matapos ako at nagshower. pagkatapos ay padapa akong natulog. kailangan kong magising ng 5 ng umaga. magtutuos tayo Thea pabalik ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD