Louie's POV
"Ms. Anne cancel my meetings with Mr. Thompson and Mr and Ms. Hassan" sabi ko sa bago kong Secretary. tinawagan ko ito sa phone nito kahit nasa kabilang silid lang ito. pinalitan ko na kasi yung dati kung Secretary. hindi naman.
"okay po sir" sagot nito sa kabilang linya pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag.
Lumabas ako at naglakad lakad. may plano kasi ako sa araw na ito. i want something special for her.
napadaan naman ako sa isang kilalang Jewelry shop. hmmm..Harry Winston. the most expensive brand ng jewelry. nakakalula ang price at design but i don't mind it.
Nang Pumasok na ako, a lady greeted me and assisted me. pinapasok nya ako sa isang VIP room after kung tingnan ang mga nakadisplay
"i want a simple but elegant for a special girl" sabi ko sa sales lady. ngumiti ito at tumango.
dinalhan nya ako ng isang brochure ng mga Jewelry na exclusive lang sa mga VIP. may isa namang assistant na pumasok at nagdala ng slice ng cake at Juice.
Nang tingnan ko ang mga nasa picture, Isa sa design ang nakakuha ng atensyon ko. ang ganda nya sobra. 'Winston Gate White Gold necklace' wow so simple pero ang ganda nya. may mga diamond itong nakapaikot sa star.
"is this available now?"
"actually sir. it's out of stock for now. we have a hundreds of reservations with that new design because it is limited only. we have only 6 pieces with that design and it's just arrived yesterday but i will asked our Store Manager first about it"
"if there's an available, i will pay it now. i want it really so bad. can you do it for me?"
"don't worry sir i will call the Manager now to confirm, excuse me" sabi nito at lumabas na ito saglit kaya pinagpatuloy ko ang pagbubuklat ng Brochure.
bigla namang nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.
napailing nalang ako bago ito sagutin
"hello" malamig kung tugon
"pwede mo ba ako samahan?" paglalambing nito
"saan?" nakakunot noo kong saad
"gusto kong mamasyal, since we arrived here, hindi pa tayo nakapamasyal"
"business trip ang ipinunta ko dito at hindi pamamasyal Louise," iritado kong saad.
"masyado kang OA. hindi naman whole day ang meeting mo. maglaan ka naman ng oras sa pamamasyal para marelax ka. matagal na tayong hindi nakapamasyal together" hinaing nito. napabuntong hininga nalang ako at pumikit.
"may meeting ako Ms. Go, i don't have time to relax sa ngayon. marami pa akong problema" mahinahon kung saad
"okay, ganito nalng bukas nalang ng gabi. nood tayo ng fire works display ng Burj Khalifa sa down town" pangungumbinsi pa nito.
"uuwi na ako ng Pilipinas Lpuise. i dont have a plan to spend my New Year here. mas masaya kung kasama natin ang pamilya natin sa pagsalubong ng bagong taon" paliwanag ko pero bigla itong humikbi. umiiyak ba sya?
"hey, what happen?"
"kasi nagbago ka na, ayaw mo na akong kasama" umiiyak nitong saad. pinaikot ko ang mata ko sa inis
"fine, after this, i will call you" pagsuko ko
"really?" bigla naman itong sumigla. bilis ah.
"tawagan nalang kita mamaya" sabi ko at pinatay na ang tawag
bigla namang may pumasok na formal na formal ang lakad at pananamit at mukhang Arabo pero wala namang hijab. ito na siguro ang Manager kasunod naman nito ang ng assist sakin kanina
"hi Mr. Guevarra, I'm Ms. Johairah Ahmed" pakilala nito at inilahad ang kamay
"hi, nice meeting you Ms. Ahmed" sabi ko at kinamayan ito
"regarding with the necklace that you want Sir, you are so lucky because we have one available" sabi nito. ipinaliwanag pa nito na ang isa sa nagpareserved at nagcancel ng order nong tawagan na nila kanina ang mga nagpareserved.
"really? wow that's good to hear, i will get it, here's my card" sabi ko at ngumiti. ngumiti rin ito na halatang nagagalak sa nangyauri.
ang saya ko dahil swerte ko ngayon.
Tumalikod na kaagad ito at umalis.
Ipinagpatuloy ko naman ulit ang pagtingin sa brochure at uminom ng juice. napaisip ako kung ano na kaya ang ginagawa nya ngayon. kinuha ko muli ang phone ko at tinwagan ito.
patay na naman ang phone nito. bakit kaya?
ibinalik ko na ulit ang phone sa bulsa ko dahil pumasok na ang Manager at ang sales lady na nag assist sakin. may dala itong kulay gold na tray at sa ibabaw nito ay nakapatong ang mga papel at card ko at isang maliit na box katabi ang maliit na paper bag.
Binigay nya naman sakin ang Certificate ng nabili kong necklace at iba pang important documents for my signatures. nang mapirmahan ko na ay inabot nya sakin ang nakabukas na box.
mangha ako sa nakita kong napili na necklace. siguradong babagay sa kanya ito. mas maganda pala sa personal.
"thank you so much" nakangiti kong saad ng makuha ko na ang card at ang nabili ko.
"thank you so much also Mr. Guevarra. hope to see you again" pasalamat din nito na nakangiti. lumabas na rin ako pagkatapos nitong makipagkamay. nagpasalamat ako at may nag cancel sa isa sa nagpareserve ng item na iyon kung hindi ay hindi ko ito ma aavail.
Pabalik na ako sa suit ko ng makasalubong ko ang Secretary ko na tila problemado.
"what happen?" nakakunot noo kung tanong dito.
"Sir we have a problem, The President of Bill Grand Palace Hotel ay nagpatawag ng meeting with the board members, tomorrow at 10 am"
"what? but why? that will be our sked for our flight going back to Philippines"
"kasi po sir, 2 of the biggest investor ng BGPH ay nagback out at ang masama ay naumpisahan na ang project para sa isa pang chain ng Hotel in Abu Dhabi."
"Oh God, problema nga yon, kailangan pa naman ng malaking pondo pero bakit kaya sila nagback out?" sabi ko at napahilot sa sintido ko
"okay, don't worry tuloy pa rin ang uwi natin after the meeting. try mong magbook ng panibagong ticket kahit pang gabi na na flight ang importante ay makauwi tayo."
"yon nga po ang problema ko sir kasi fully book na. pero i will try pa rin po baka malay mo may mag cancel ng flight" sabi nito at ngumiti ng pilit. tumango nalang ako at pumasok na sa suit ko.
Sumandal ako sa upuan ng makaupo na ako sa sofa. bakit parang ayaw akong pauwiin?
basta, kahit late na, gusto ko pa ring umuwi.
nagpahinga lang ako saglit at tinawagan si Louise.
"hello"
"hi babe, so, aalis naba tayo?" excited nitong saad
"meet me at the lobby" malamig kong tugon.
"pupuntahan nalang kita dyan sa suit mo. isang floor nalang naman ang pagitan ng suit natin. ikaw kasi ayaw mong pumayag na magkasama tayo" napailing nalang ako sa kakulitan nito
"okay" ayaw ko ng dagdagan ang stress ko kaya ipinikit ko nalang ang mata ko ng mariin at bumuntong hininga.
ilang minuto lang ay narinig ko ng kumatok ito. ang bilis yata?
"hi" bati nito at humalik sa pisngi ko kaya nagulat ako.
"let's go?" tanong nito kaya tumango nalang ako ng kumapit na ito sa braso ko.
GABI na ng makabalik ako sa suit ko. sobrang pagod ako kaya agad akong nakatulog na hindi na nagpapalit ng damit. stress ang utak ko kaya hindi ako makapag isipng mabuti. this past few days madali na akong mapagod.
Nang magising ako kinabukasan ay sinubukan kong tawagan muli ang number nya baka sakaling sagutin na nya ito. pero sa kasamaang palad ay nakapatay pa rin ang phone nito. bakit kaya ilang araw ng nakapatay ang phone nya?
PAGKATAPOS ng meeting ay umuwi kaagad ako para ihanda ang mga gamit ko. napangiti ako ng ibalita sakin ni Ms. Anne na nakakuha sya ng ticket na dalawa dahil may nagrefund. nagcancel ito ng flight. ang swerte namin. kailangan naming makarating ng maaga bago ang flight baka maiwan kami. kainis naman kasi dapat ginamit ko nalang ang private plane ko. ayaw ko kasing gamitin ito if may iba akong kasabay. nang malaman kong sasabay si Louise ay nagbago ang isip ko. ako tuloy ang nahihirapan.
saktong nakapasok kami sa loob ng Airport ng tumawag si Louise. f**k oo nga pala, anong irarason ko
"sir kanina pa po nagriring ang phone nyo, bakit ayaw nyo pong sagutin?"
"it's Louise" malamig kong saad
"hala, ano ang sasabihin natin sir? iniwan natin sya, wala na po kasing bakanteng isang ticket para sa kanya" problemado nitong saad
"hayaan mo nalang sya, magsasawa din yan sa kakatawag, mag eenjoy rin naman yon dahil pangarap nyang manood ng fireworks display mamayang hating gabi sa Burj Khalifa" sabi ko at inilagay sa bulsa ang phone ko.
Ala una na ng madaling araw ako nakarating at nagpasundo nalang ako sa driver ko. samantalang si Ms. Anne ay umuwi na rin sa pamilya nya dahil gusto nyang humabol sa handa ng Mag ama nya.
ang una ko kaagad na pinuntahan ay ang apartment ni Thea pero nakailang tawag na ako sa gate nila ay walang sumasagot. patay rin ang ilaw ng apartment nila. ang aga naman nila natulog dapat gising pa sila dahil salubong nga sa bagong taon ngayon. saan na naman kaya sila nagpunta ng friend nya? kahit ang phone nya ay patay pa rin. nagpalit ba sya ng number?
Nagdecide nalang ako na magpahatid sa bahay ng magulang ko. doon nalang ako matutulog. I'm sure gising pa ang mga iyon dahil ala una pa lang.
SIKAT ng araw na tumama sa aking mukha ang nakapagpagising sa akin. grabeng pagod at sakit ng katawan ko. anong oras na rin ako nakatulog dahil nakipag inuman pa ang mga kapatid ko at si daddy. dagdagan pa ng jetlag. napatingin ako sa phone ko upang tingnan ang oras. argh. quarter to 12 na pala ng tanghali. f**k tanghali na, pupuntahan ko pa si Thea.
bumaba kaagad ako ng kama at dumiritso sa banyo para maligo.
nang matapos na akong magbihis ay bumaba na ako dahil nagugutom na ako.
"anak, gising kana pala, halika na tanghali na tuloy ang almusal mo" sabi ni mommy ng makita nya akong pababa ng hagdanan. kita ko naman sa salamin naming dingding na naliligo sa swimming pool ang mga kapatid ko.
"Si dad mom?" tanong ko dito ng makaupo na ako sa dining
"ay naku, ayun! nasa office room nya, bagong taon mukhang nagtatrabaho pa rin" sabi ni Mommy habang hinahanda ang pagkain ko. ganyan si mommy asikasong asikaso kami kahit may mga katulong kami. very hands on talaga sya samin kaya isa ito sa namiss ko kapag mag isa lang ako sa Penthouse. ang luto at asikaso ni mommy ay the best.
"Mom nasa bagahe ko po ang pasalubong ko sa inyo, new years gift ko po sa inyo" sabi ko at ngumiti dito. tuwang tuwa naman si mommy
"aww so sweet naman talaga ng pangansy ko, naku anak, dapat mag asawa kana, tumatanda kana" napailing nalang ako sa sinabi nito
"ayaw nyo na po ba akong asikasuhin mom, gusto nyo na kaagd akong mag asawa."
"anak hsbang buhay pa kami gusto din naming makita sng magiging apo namin sayo. past is past anak, hindi ka dapat madadala sa nangyari" sabi nito at niyakap ako. mahirap makalimutan ang lahat.
PAGkatapos kong kumain ay binalikan ko kaagad ang apartment nila ni Thea. nakailang tawag na ako ng sa wakas ay may nagbukas na ng pinto. iniluwa nun ang kaibigan nyang si Ron na nakakunot noo. halatang kakagising lang.
"hello po Sir, Happy New Year po" bati nito sakin ng pagbuksan nya ako ng gate.
"happy new year din, ahm nandyan ba si Thea?" nagulat naman ito sa tanong ko
"ahh ano po kasi Sir wala po sya dito"
"teka lang bakit patay ang phone nya? nagpunta ako dito kagabi pero walang tao""
"ah ano po kasi wala po talaga kami dito kagabi at tungkol naman sa phone nya. na snatch po ilang araw na ang nakaraan" oh i see
"kaya pala diko sya macontact, saan pala kayo nagpunta kagabi?"
"sa-sa bahay po nung bago naming friend, doon kami nag bagong taon dahil in-invite nya kami, mag isa lang kasi sya. ang bait po nya sir, super, crush ko nga sya. ang pogi po kasi ny-" hindi ko na pinatapos ito dahil nagpanting ang tenga ko
"wait lang, pogi? sa ibang kayo nakikitulog at lalaki pa?" usisa ko dito na nakakunot noo
"mabait naman po-"
"sino yang lalaking yan ah?" gigil kong tanong dito
"si ano, s-si Mr. Silva"
"Silva?, si Jameson Silva?" para akong sinaksak ng kutsilyo. si Thea nakikitulog sa bahay ni Jameson? f**k. f**k, sabi ko na nga ba hindi mapagkatiwalaan ang Silva na yon. nilagpasan ko ito at pumasok ako
"nasan si Thea?. Thea! Thea!" tawag ko dito at pumasok na sa loob pero walang sumasagot. sumunod naman sakin si Ron na nagmamadali
"Sir pasensya na po, wala po talaga dito ang friend ko" sabi nito na nakasunod sakin sa kwarto nila.
"nasan sya?, nasa bahay pa rin ba ng Silva na yon?" galit kong tanong dito at hinarap ko ito na nakapameywang
"eh umuwi po sya sir" takot na saad nito
"umuwi? saan?" nakakunot noo kung saad
"sa probinsya po nila, kaninang umaga lang umalis, siguro ngayon nasa byahe na sya" laglag ang panga kong nakatingin dito. nagmamadali pa naman akong makauwi dito sa pilipinas. wala pala sya
"saan ang probinsya nila?" baling ko dito. hindi naman ito makatingin sakin
"h-hindi ko po alam sir, dito lang kasi kami sa maynila nagkakilala" utal nitong sagot. napapikit nalang ako sa frustration.
"kilan ba sya babalik dito?" kalmado kong tanong at sinusuri ko ito kung nagsasabi ba ito ng totoo. hindi pa rin ito makatingin sakin
"hindi ko po alam sir, ang sabi po nya tatawag nalang daw po sya or tatawagan ko sya kapag may nahanap na akong trabaho sa kanya eh kaso na snatched nga po ang phone nya nong one time naglakad kami galing sa work namin" tumango nalang ako dahil mukhang nagsasabi naman ito ng totoo.
pero paano ko sya hahanapin? at kilan sya babalik?
"sure ka bang dimo alam kung kilan sya babalik?" tanong ko ulit dito
"hindi ko po alam sir, endo na po kasi sya sa Toy Store. pero baka po kay Sir Jameson tatawag po yon dahil binigyan po sya ng calling card dahil bibigyan daw po sya ng trabaho kapag gusto na nya bumalik"
"what? bakit ganun nalang kayo magtiwala sa lalaking yon?" galit kong saad dito
"mabai-"
"hindi nyo pa sya gaanong kilala nagtiwala kaagad kayo? saan nyo ba sya nakilala?"
"s-sa bar po" utal nitong sagot
"see? sa bar. tapos basta basta nalang kayo nagtiwala at doon pa kayo natulog tsskk. pano kung may nangyaring masama sa kaibigan mo?"
"hindi naman po ganun kasama si Sir Jameson, Mr. Guevarra. kilala at mayaman syang tao kaya never po yung gagawa ng masama na ikakasira ng pangalan nya" dipensa nito at tumingin sakin ng diretso. tskk kinakalaban ba nya ako? kaya tuloy lalong nag ngangalit ang panga ko sa narinig. at tinitigan ito ng masama. yumuko naman ito at tumigil na.
"call me kapag bumalik na sya" sabi ko at ibinigay ang calling card ko dito at umalis na.
Nang makapasok na ako sasasakyan ko ay hinampas ko ng malakas ang manibela ko. f**k you Mr. Silva! may plano ka ba kay Thea? bakit ganun nalang ang concern mo kay Thea, may gusto kaba sa kanya?
Nagring ang phone ko kaya dinukot ko ito mula sa bulsa ko
"hello" sagot ko ng hindi tinitingnan kong sino ang tumatawag.
"kainis ka, bakit iniwan mo ako dito?, kagabi pa ako tumatawag hindi mo sinasagot" pagbubunganga nito sa kabilang linya kaya napakunot noo ako. tsaka ko lang narealize na si Louise pala ang nasa kabilang linya ng tingnan ko ang phone ko.