Louie's POV
"bakit iniwan mo ako dito?, kagabi pa ako tumatawag hindi mo sinasagot" pagbubunganga nito sa kabilang linya kaya napakunot noo ako. tsaka ko lang narealize na si Louise pala ang nasa kabilang linya ng tingnan ko ang phone ko.
"Louise I'm still driving, can we talk later?" malamig kong tugon
"argghh. i really hate you! magkasama tayong pumunta dito tapos iiwanan mo lang ako ditong mag isa. kahit magpaalam sakin ay dimo ginawa. masaya naman tayo nung nakaraang gabi diba?" sumbat nito sakin
"Louise please, unang una hindi kita niyaya o pinilit na sumama sakin, ikaw itong nagpumilit na sumama. alam mo namang business ang ipinunta ko dyan.
i'm still in stress, i need to drop this call baka madisgrasya pa ako" sabi ko at ibinaba sng phone
"wait, wait. hel-" pinatay ko na ito. ayoko ng madagdagan ang inis ko sa araw na ito.
tumawag ito ulit pero hindi ko na sinagot pa.
nasaan ka ba kasi Thea?
ayoko namang puntahan ang Silva na yon at alam kong hindi magsasalita iyon kung may alam man yon
Ilang araw na akong pabalik balik sa apartment ni Ron at nakikibalita ako tungkol kay thea pero wala pa rin.
mamaya pipilitin ko na talaga ito. kunting bola lang. alam kong may alam ito, imposibling wala. mabilis ang pagdadrive ko papuntang apartment nito. alas 7 na ng gabi at alam kong nakarating na ito.
bumili ako ng pagkain sa drive tru. bumili ako ng chicken with rice and spaghetti and coke float.
di na ito nagulat ng dumating ako pero nag ningning ang mga mata nito ng makita ang hawak ko. itinaas ko pa ito sa bandang ilong nito para maamoy pa nito
"for you" sabi ko
"talaga po? wow tamang tama gutom ako" akmang kukunin na nito ng ilayo ko ito. naglabas din ako ng tig isang libo
"mapapa sa iyo lang lahat ng ito kung sasabihin mo sa akin kung nasaan si Thea" sabi ko ng nakataas ang kilay. sumimangot naman ito
"hmmpp! wagna nga lang. wala naman akong alam kasi" sabi nito at tumalikod.
ayaw nya talagang sabihin?
"hey, sabihin mo na sakin Ron, alam mo naman na nakakailang pabalik balik na ako dito"
"wala nga akong alam at saka...bakit hinahanap mo pa sya eh diba may girlfriend kana.?" napakunot noo naman ako
"girlfriend? me?"
"sino pa ang tinutukoy ko eh dalawa lang namn tayo dito alangan namang ako" sabi nito at pinikot ang mata.
"ano ba yang pinagsasabi mo, eh wala naman akong girlfriend ah" sabi ko dito na nakakunot noo at umiling
"oh so fling lang pala hindi girlfriend" dagdag pa nito kaya nilapitan ko ito
"what did you say?" tanong ko dito na masama ang tingin
"fling.. as in parausan, kitang kita kaya namin ni freind kung makalingkis ung sexy mong friend, tapos ngayon idadagdag mo pa sa listahan ng flings mo ang mabait kung friend?" f**k. si louise ba ang tinutukoy nito?
"she's not my girlfriend at lalong hindi fling, she's just a friend" tukoy ko kay louise
"really? ganun na pala ang kilos ng mga friend lang" he said at tumaas ang kilay
"bakit ba ako nagpapaliwanag, sayo? you're not even my girlfriend. nandito ako para malaman kung nasaan si Thea" angil ko dito
"iwan ko nga po Sir, hindi ko ala-"
"do you still love your work as a salesman?" sabi ko dito na may nakakaasar na ngiti. namilog ang mata nito sa gulat
"i can easily tell Tita, if you need a vacation.... ng tuluyan" pang aasar ko pa dito. umandar na namsn ang kapilyuhan ko. para na itong maiiyak kaya tumalikod ako para hindi nito makita ang aking mga ngiti.
"sasabihin mo o mag uumpisa ka ng maghanap ng ibang trabaho?" sabi ko dito na nakatalikod habang ang aking mga kamay ay nasa bulsa.
"oo na, sige na, sasabihin ko na po" sabi nito na kinakagat ang mga daliri ng humarap ako
"nasaan sya?"
"nasa Pampanga po sya"
"Ronaldo malaki ang Pamanga for god sake. give me the exact Address" inis kong turan dito
"Ron nalang po. bakit kailangan nyo pang bangitin ng buo ang pangalan ko" nakasimangot nitong saad
"bilisan mo na" dinilatan ko pa ito ng mata
"oo na, ito na nga diba? masyadong apurado. kung hindi ka lang gwapo kanina pa kita pinatulan" bulong nito
"may sinasabi ka?!" sinigaw ko dito
"ay pokemon! wala po, ang sabi ko isusulat ko lang yung address" sabi nito at pumasok ulit sa kwarto. pagbalik nito ay inabot na nya sakin ang papel na may nakasulat na Address.
"what about her cellphone number?" baling ko dito
"eh wala nga po, na snatched diba?"
"okay, thanks" sabi ko dito at kumindat
"ay putradis! sir pakipulot po!" sigaw nito ng makalabas na ako ng pinto. napalingon naman ako dito
"ano yun?"
"pakipulot po nalaglag po kasi" sabi nito na kinakagat ang daliri
"ang ano nga?" inis kong turan dito
"yung brief ko po nalaglag, diko kayang itaas" sabi nito na may kalandiang ngumiti
"baliw! magbekini ka, hindi na uso ang brief sa bakla" sabi ko dito at umalis na na umiiling. loko loko talaga. ibibigay din naman pala ang address. pinahirapan pa ako.
"sir thank you sa food at 10k!" sigaw nito. kinawayan ko lang ito at sumakay na ako sa sasakyan ko.
Medyo mahaba ang babyahiin ko nito. Malayo rin yon.
Tinawagan ko nalang ang Secretary ko
"Ms. Anne, paki cancel ng mga appointments ko ngayon, reset mo nalang sa Monday"
"okay po sir, nagpunta nga po pala dito si Ms. Go, may ipapakita daw po syang bagong design"
"sabihin mo nalang out of town ako" sabi ko at nagpaalam na ito.
Paano nila nasabi na girlfriend o fling ko si Ms. Go. well, alam ko namang may gusto ito sakin pero never ko namang pinakitaan ito ng motibo. hangang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at never kong papatulan ang mga pinapakita nitong motibo.
dumaan ako sa Penthouse ko para kumuha ng ilang pirasong damit at inilagay sa duffle bag ko.
Ginamit ko nalang ang waze ko to locate her exact location. ako lang mag isa at hindi ko kabisado ang lugar na pupuntahan ko.
Nandito na ako sa Porac Pampanga pero ang sabi ng napagtanungan ko ay sa bundok pa raw ito banda. ang layo sa pinakalungsod ang bahay pala nila?
hindi ko akalain na sa ganda nyang yon, dito nakatira sa bundok at malayo sa kabihasnan. alas singko na ng hapon.
napansin ko rin na may ibang lahi na akong nakikita sa dinadaanan ko na naglalakad. i think they are from Aita tribe. kulot ang kanilang buhok at sunog ang kanilang balat. i think it's their natural skin. mukha naman silang mababait.
pagdating ko sa nakasanga na daan ay nagtanong na ako. mukhang malapit na kasi ayon sa waze ko.
"Manong pwede pong magtanong?" tanong ko sa mga kalalakihan at kasama din nila ang mga asawa na may nakasukbit na bata sa gilid gamit ang mahabang tela
"Nano yun?" patay nakakaintindi kaya sila ng tagalog
"tagalog po ako Manong, may itatanong lang ako kung kilala nyo po si Thea Garcia?"
"thea Garcia? ali man-" may dumating naman na isang lalaking na nagsalita at may edad na. may sukbit na itak sa gilid. bigla akong kinabahan
"nano pantunan mu?"
"pasensya na po hindi po ako nakakaintindi ng kapampangan" malumanay ko sa kanilang saad. baka mamaya bigla nila akong itakin
"ahh. sino ang hinahanap mo iho?" thanks god may nakakaintindi ng tagalog
"Thea Garcia po"
"Thea Garcia? wala akong kilalang Thea Garcia na nakatira dito" sumabat naman yung isa na medyo binatilyo
"ahh baka si Althea Tay. yung anak ni Mang Mando at Aling Belen"
"Thea ang hanap, hindi Althea" sabi nung kausap ko sa nagsabi ng tay. baka anak nya ito
"ano bang itsura nang hinahanap nyo?" tanong ng tatay nito
"ahh maganda po at maputi hangang beywang po ang buhok na straight. may nunal po sa baba" pag dedescribe ko sa kanila
"tay baka nga si Althea, yung bagong dating, yung sobrang ganda. tinuturo ko nga sa inyo kapag dumadaan tayo eh" bigla tuloy nagpanting ang tenga ko sa narinig.
' ngipin lang maputi sa iyo boy baka malagas pa yan lahat kapag natikman mo aNg kamao ko' asik ng kalooban ko
"ahh oo nga, yung anak ni Mando, Garcia ba yun sila?" tanong nang tatay sa kasamahan nila
"hindi ko alam, pero puntahan nyo nalang po" sabi ng binata sakin. mukha namang mabait kaya nagpaalam na ako. naglabas ako ng ilang tig isang libo. para makatulong din naman ako sa kanila at pasasalamat na rin.
"dito ka nalang dumaan para mas malapit. kapag sa kabila kasing daan medyo malayo yan. may makikita ka doon sa dulo na bahay na sementado na hindi gaanong kalakihan na walang pintura. tapos may gate na kawayan na may mga bulaklak sa harap." sabi nung tatay. tuwang tuwa naman sila sa binigay ko.
sinunod ko ang sinabi nito na daan pero ang itinuro ng waze ko ay sa kabilang daan talaga. pero dahil ito ang itinuro nong napagtanongan ko ay isa isa kong tinitingnan ang mga bahay na nadadaanan ko. pero bakit diko makita ang bakod na kawayan?
kanina pa ako pinapaikot ikot ng Waze ko pero bakit diko matumbok ang lugar nila. ganun yata kasi kapag hindi ko sinunod ang waze. f**k pati yata waze ay naliligaw na.
Pagdating ko sa tuktok ay may nakita akong dalaga na Aita. hinintuan ko ito para magtanong. saglit naman itong natulala pagkakita sakin. ano bang sasabihin ko. paano kung hindi rin ito nakakaintindi ng tagalog? ang sabi sakin ng isa kung kaibigan ayaw silang tinatawag na baluga dahil ang ibig sabihin daw non ay mang-mang at walang pinag aralan. dapat ang itawag daw sa kanila ay kapatad o kapatid.
"ahh kapatad. pwedeng magtanong?" sana nakakaintindi sya ng tagalog. tumango naman ito na parang nahihiya.
"ah may kilala ka bang Althea or Thea, anak ni Mang Mando?" tanong ko dito
tumango ito at may itinuturo na bahay. hindi ito nagsasalita at pinuntahan lang ang itinuturo na bahay. pinaandar ko ang sasakyan ko at itinapat sa tinuro nyang bahay.
nadaanan ko na ito kanina pero bakit hindi ko nakita? bumaba ako ng sasakyan at nilapitan ang dalagita
"ito po ba yun?" tumango lang ito. hindi yata marunong magsalita ang isang to dahil puro tango lang. inabutan ko ito ng isang libo at tuwang tuwa naman itong paalis
inilibot ko tingin ko sa paligid. napakunot ang noo ko. ang sabi kawayan ang bakod. ang expected ko ay kayawan na putol putol at ginawang pambakod. f**k literal na chinese bamboo ang bakod at buhay na buhay. pano ko nga pala makikita?
"tao po? tao po?" tawag ko sa labas ng gate nila na kahoy. nagtahulan naman ang mga aso.
f**k ayaw ko pa naman ng aso. may phobia ako sa aso nong muntik na akong makagat at hinabol ako.
May lumabas naman na ale sa pinto. kumunot ang noo nito. tinanggal ko ang sunglass ko at isinuksok sa damit ko
"sino po sila?" tanong nito ng makalapit sakin
"ahm, nay itatanong ko lang po kung dito po ba nakatira si Althea Garcia?"
kumunot ang noo nito na parang sinusuri ang pagkatao ko
"ahm nay ako nga po pala si Louie Guevarra. dati pong employer ni Ms. thea" dugtong ko pa. naliwanagan naman ito at tumango
"ah anong kailangan mo sa anak ko?" nakakunot noo nitong saad. mukhang masungit pa ata
"may sasabihin lang po ako" mahinahon kong saad. tumango naman ito at binuksan ang gate na kahoy. binugaw nito ang mga aso at pinapasok ako. nauna na itong maglakad at nakasunod lsng ako. nang sumunod ang aso sakin at inaamoy amoy ang pwet ko ay napahinto ako at nanginginig. f**k hindi na ako makagalaw sa takot.
napalingon naman ang nanay nya ng hindi pa ako sumusunod.
"Browny! Jaguar! alis!" sita nito sa mga aso at binato. umalis naman agad ang mga aso kaya sumunod na ako sa Nanay nya. muntik na akong atakihin sa puso don ah.
ang ganda ng paligid nila. malamig dahil sa mapuno at maraming bulaklak.
Pagkapasok ko sa sala nila ay agad akong napatingin sa babaeng nakahiga sa sofa na kawayan na patagilid at nakatalikod samin. ang himbing ng tulog nya. biglang kumabog ang dibdib ko ng masilayan ito. walang duda sya nga ito. kilala ko ang puso ko kahit hindi ko pa nakikita ang mukha nito.
lalong kumabog ang dibdib ko ng dumako ang mata ko sa mga hita nito. sa iksi ng short nito halos kitang kita ko na ang kabuuan ng magandang hubog ng mga hita nito na may mapipinong balahibo na ikinakaakit ng mata ko dati pa. nag init bigla ang katawan ko at iniwas ang tingin nang gisingin ito ng Nanay nya.