Chapter 13 brand new phone

2140 Words
Louie's POV pumwesto ako sa ulunan nito habang ang nanay nito ay umupo sa hinihigaan nito at dahan dahang ginising "anak, gising ka muna, may bisita ka" gising nito nito sa dalaga. pigil ko ang hininga ko. ano kaya ang reaksyon at sasabihin nito kapag nakita ako? Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng tumihaya ito at nag unat. tuwid na tuwid ang mga paa nito pati ang mga kamay na nasa ulunan nito. nagtunugan ang mga buto nito at humikab. muntik pang matamaan ang alaga ko kubg hindi lang ako umatras ng kaunti. d**m. naginit ang mukha ko pati ang alaga ko ay biglang nabuhay at nagpupumiglas. pasimple ko ipinasok ang kamay ko sa bulsa at bahagya itong inayos. 'f**k buddy relax. cool ka lang' ani ko sa sarili. nakita ko kasing tumaas ang blouse nito kaya nakita ko ang impis na tyan nito na mabalbon. nang dahil sa pag uunat nito ay lumuwang ang garter ng short nito kaya bahagya kong nakita ang floral pink nitong panty. napalunok ako sa nakita. ang sarap daanan ng labi at dila ang mabalbon nitong tyan. manipis at pino na tila sinuklay. D**m! napapikit ako sa kadahilanang nag iinit ang pakiramdam ko. "anak naman umayos ka nga may bisita ka, magbihis ka muna" sita ng nanay nito "sino nay?" namamaos nitong saad halatang inaantok pa. bakit ang sexy nitong pakinggan? "yung dati mo raw na employer" sabi ng nanay nito. halatang natigilan ito at tumingin sa may pintuan. "po? sino dun?" kunot noo nitong tanong "basta pogi, ayan oh" turo nito sakin kaya napatingala ang dalaga. bumalikwas ito ng bangon ng makita ako. ipinatong naman ang unan nito sa kandungan nito para takpan ang hita. halata ang pagkagulat sa mga mata nito na hindi siguro makapaniwala sa taong nasa harapan nya. ang ganda nyang tingnan kahit magulo ang buhok nito. ang sarap halikan ng labi nito na nakaawang sa gulat. "anak magbihis ka muna. ang iksi ng short mo" sita ng nanay nito kaya napabalik ito sa ulirat. tumayo ito na kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig ng makita ako. hinayaan ko nalang. baka nagulat lang sya. Thea's POV Hindi pa rin ma proseso sa isipan ko ang nangyari kanina. nananaginip lang ba ako dahil sa sarap ng tulog ko? masarap ang tulog ko dahil sa wakas nandito na ulit ako sa bahay. malayo sa maingay at nakaka stress na syudad. Pero hindi. gising na gising na ako. kinurot ko ang pisngi ko pagkatapos kong maglagay ng polbo at magsuklay. napaaray ako, nasasaktan ako sa ginawa ko kaya malamang hindi ako nananaginip. nagsuot lang ako ng leggings para hindi mahantad ang binti ko. nagdecide na akong lumabas baka sakaling wala sya doon at namamalikmata lang ako. pero nang lumabas ako ng kwarto ay bigla itong tumingin sakin na nakangiti na hindi nakalitaw ang ngipin. tsskk dinadaan na naman nya ako sa killer smile nya. umupo ako sa pang isahang upuan na katapat nito "bakit po kayo naparito sir?" mahinahon kong tanong dito "dinadalaw ka, bakit nga pala hindi mo ko tinawagan nong ma e endo kana? dba sabi ko ibabalik kita doon sa parking or gusto mo gawin kitang personal assistant?" kumunot naman ang noo ko dito "wala ka namang sinabing ganun ah. ang sabi mo lang babalik ka rin sa akin" kunot noo kung saad dito at bahagysng tumaas ang gilid ng labi. inirapan ko ito. "ganun na rin yon, may plano kasi akong bigyan ka ulit ng trabaho after ng contract mo sa Toy Store" "wala na rin naman akong planong bumalik sa kompanya mo" saad ko na nakasimangot "at bakit naman? mas gusto mong doon magtrabaho sa Silva na yon ganun ba?" nagngangalit ang panga nito pero mahinahon ang boses nito. subukan lang nyang sumigaw ulit. di sya makakalabas dito ng buhay. "bakit naman nasali si Jameson dito" mahina naman itong nagmura. bunganga talaga nito. bukambibig na ang mura "Jameson ah." sabi nito sabay iling at ngumiti ng mapakla "mukhsng close na kayo, nagtiwala ka kaagad sa taong yon?" iritable nitong saad ngunit pabulong lang "eh bakit po ba? mabait yung tao kaya bakit hindi ako magtitiwala" dipensa ko "hindi ka pwedeng magtrabaho sa iba. i can give a job na mas mataas ang sahod" pagmamayabang nito. bigla namang bumukas ang pinto. dumating na pala si Tatay at mga kapatid ko. tumayo naman ako at nagmano. tumayo rin si Sir Louie at bumati "magandang gabi po" bati nito. maging si Tatay at mga kapatid ko ay nagulat sa nakita. tumango naman si tatay bilang tugon "may bisita ka pala anak" sabi ni tatay "dati ko pong employer Tay" ani ko rin "ako po si Louie Guevarra" pakilala ni kumag "Mr. Guevarra? teka, nakikita ko po kayo sa TV ah, yung bilyonaryo" sabi ng kapatid ko na si Garry ngumiti naman si Kumag at hindi na nagkomento "ibig sabihin galing ka pang maynila nyan?" tanong ni Tatay. tumango naman ito at ngumiti. tsk tiklop pala kay tatay. pero kapag nasa maynila parang tigre. monster! "oh dito kana matulog, masyadong gabi na para bumyahe" sabi ni tatay "po? tay naman. wala tayong extrang kwarto" tutol ko. hirap na nga ng buhay namin dito dumagdag pa to. paano ako kikilos nito eh nakakahiya. bilyonaryo ito at malamang hindi sanay sa buhay probinsya "ano kaba Althea. bisita mo yan. dapat pakitaan mo ng maganda. lalo na at naging employer mo yan" sermon ni tatay. tsk dati yun, tumingin naman ito sakin at ngumiti ng nakakaasar. nakahanap ng kakampi ang loko. "kahit saan naman po ako matutulog, okay lang po sakin, kahit dito sa upuan. okay lang" aba't may balak talagang magtagal dito. ano naman kayang plano nito? kinokonsensya pa kami. "ano ka ba, doon ka sa kwarto ni Thea, Thea doon ka sa kwarto namin. malawak naman ang kwarto namin" ani ni tatay. aba! ako pa ang aalis sa kwarto ko? tututol pa sana ako pero nagsalita ulit si Tatay. "kumain naba kayo Thea?" tanong ni tatay kaya umiling ako alas sais pa lang naman. ang aga pa "ganun ba? Bellen!" tawag ni tatay kay Nanay at pumunta sa kusina. sinamaan ko naman ng tingin ang kumag na halatang tuwang tuwa pa sa itsura kong nakabusangot. umupo kami ulit. "what?" nakangiti nitong tanong ng titigan ko. hindi ako nagsalita. pero pinapatay ko ito sa tibgib ko. kaasar eh "ang bait pala ng pamilya mo?, pero ikaw bakit ang sungit mo sakin?" nakangiti nitong tanong. bakit ba lagi itong nakangiti, eh dati parang pinaglihi ito sa sama ng loob kung makaasta. may gana pang magtanong. "ewan ko sayo, tinatanong pa ba yan?" irap ko dito "matagal na yon. kaya nga ako bumabawi eh" sabi nito at seryosong tumingin sakin. sinimangutan ko naman ito lumabas naman si tatay mula sa kusina "iho, kumakain ka ba ng tinapa at itlog na maalat? may labong naman doon at igigisa nalang ng asawa ko." ani ni tatay "okay lang po kahit ano po" mahinahon nitong saad. dapat lsng! siya itong bigla nalsng susulpot dito pa special pa sya? "pasensya kana ito lang ang mabilis naming mauulam dito. malayo kasi sa bayan itong lugar namin" "hindi naman po ako namimili ng uulamin Tay, ako nga po ang nahihiya sa inyo" ani nito. tsk marunong din pala syang mahiya. tatay talaga tawag nya? PAGkatapos naming kumain himas himas nito sng tyan. nasarapan daw sya sa ulam. marunong din pala syang kumain ng pang pobreng pagkain. sa ganitong itsura laging order sa mamahaling restaurant malamang ang pagkain. nilapitan nya ako at binulungan "pwede ba tayong mag usap sa labas" napataas ang kilay ko. "bakit sa labas pa?" "basta" saglit ko itong tinitigan pero maya maya ay nagpaalam ako kay tatay na doon muna kami sa labas. tumango naman si tatay. "maraming lamok dito sa labas, baka mamaya magkakadengue kapa" ani ko dito "naka pantalon naman ako kaya ok lang" sabi nito at umupo sa tabi ko. tumayo nalang ako dahil naiilang ako at nagsunog nalang ng dahon na winalis ko kanina para walang lamok na lumapit. umupo ako ng mag umpisa na itong umusok. "Thea, sorry sa mga nagawa ko" nagulat ako ng bigla itong magsalita. marunong palang humingi ng sorry ang ganitong klase ng tao na mataas ang tingin sa sarili "pwede ba tayong mag usap na walang halong galit, i mean. naiintindihan ko naman ang nraramdaman mo pero sana-" "tssk marunong ka palang tumangap ng mali. yaan mo na yon, nakalipas na yon" ani ko at tumingin sa langit "ang sarap pala dito sa probinsya. malayo sa stress, nakakabata sigurong tumira dito" "kapag marunong kang dumiskarte sa ganitong lugar, walang problema. hindi ka magugutom. ang mga tao dito makakain lang ng tatlong beses sa isang araw ay masaya na. kontento na kami mairaos lang ang pang araw araw" tumingin naman ito sakin. "but we can do the best and comfortable life for them. hindi lang ang makontento sila. syempre para mapasaya sila at matikman ang maginhawang buhay" makahulugang saad nito "anong ibig mong sabihin" "matanda na ang magulang mo Thea at dapat sa kanila ay nagpapahinga na sa gawaing mabibigat." seryosong saad nito oo nga kaya nga ginawa ko ang lahat "kaya nga hindi ako pumapalya sa pagpapdala sa kanila para makatulong, hindi ako pwedeng mawalan ako ng trabaho dahil ayaw ko silang namomroblema sa pangastos" "no, that's not what i mean. hindi habang buhay makakapagbigay ka sa kanila. hindi habang buhay malakas ka. mas importante sa kanila ang hanapbuhay na permanente at hindi sila nahihirapan. yung mapagkukunan nila ng pang araw araw nila" "plano ko naman yon, pero hindi pa sa ngayon. hindi pa sapat ang ipon ko" "hanga nga ako sayo, ngayon alam ko na bakit kailangang kailangan mo ng trabaho" sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. bakit mahinahon sya ngayon? malayong malayo sa dati kong boss na laging naninigaw. bakit ang sarap pakingan at titigan ito kapag malumanay magsalita. "tapos bigla mo nalang ako tinangal na hindi ko alam ang dahilan?" sabi ko. bigla namang lumamlam ang mata nito. kaya iniwas ko ang tingin ko. ang lagkit kasi ng mga titig nya. hindi naman ito nagsalita na "bakit ka nga pala naparito?" "gusto kong magsorry sa mga nagawa ko. at saka gusto kung bumawi. hindi kita nabati noong Christmas at New Year" "wala yon, naintindihan ko naman na busy ka, businessman ka. sino ba ako para bigyan ng oras na batiin lang. i'm just your ex-employee for 1 month lang" sabi ko at mapait na ngumiti "no, may plano talaga akong puntahan ka nong time na yon kaso hindi mo ko kinakausap, hindi kita macontact" sabi pa nito. hindi ako sumagot "nanliligaw ba sayo yung Silva na yun?" napakunot noo naman ako "hindi ah" "Iwasan mo yon" nagtatagis ang bagang nito "at bakit naman" kunot noo kung tanong dito. "i hate it. I just don't like men to approach you" napataas ang kilay ko sa tinuran nito. bigla namang kumabog ang dibdib ko. parang may mali "ahm masyado ng gabi. pasok na tayo" yaya ko dito. ayaw ko pa sanang pumasok pero diko maintindihan yung nararamdaman ko. naiilang ako "wait lang may ibibigay lang ako sayo" pigil nito sakin ng tumayo ako. napatingin ako sa kamay nito na hawak ang braso ko. ang init ng palad nya "antayin mo ko dito. kukunin ko lang sa sasakyan ko" sabi nito at umalis na. ano kaya yon? hindi naman ito nagtagal at bumalik kaagad. bitbit ang maliit na paper bag "for you. regalo ko dapat yan nong Christmas. ngayon ko lang naibigay" sabi nito at ngumiti "buksan mo" sabi pa nito ng nakatingin lang ako sa logo ng paper bag. no! hindi naman siguro. it's imposible dahan dahan kong binuksan ito. nakabox na white? nanginginig ang kamay kong inilabas ito at binuksan ang box. gulat at pagkamangha ang namutawi sa aking mukha. ang mahal nito. pinakalatest pa. "ang mahal nito" gulat kong saad "yan ang bago naming model na ini- launch nong Christmas. nagtabi lang ako para sayo...look parehas na tayo" sabi nito at inilabas ang phone nya. Christmas? bigla ko tuloy naalala yung girl na nakalingkis sa kanya. friend lang daw? tsskk "masyadong mahal to, parang hindi ko matatangap to" ani ko at ibinalik sa box ang phone "para sayo yan. magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap yan, balita ko na snatched ang phone mo" bigla namang lumambot ang puso ko. may good side din pala ito "oo, alam mo namang nagkakalat ang mga masasamang loob. wala rin naman akong pampalit kaya hindi ako bumili" "hindi mo na kailangang bumili. save your money" "thank you ah, ang ganda nito. kahit yata ilang taon kong paghirapan ito diko pa rin mabibili ito" sabi ko. totoo yun. ang hirap mangarap ng ganitong phone. yung ipambili ko ng ganito ipapadala ko nalang sa kanila ni nanay Ngumiti naman ito at inaya na akong pumasok na sa loob
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD