Thea's POV
"Wow ate ang ganda ng phone mo ah" ani ni Garry ng madatnan ko sila ni Nanay at Tatay sa sala habang nanonood ng TV. napatingin sila lahat sa hawak ko. biglang naginit ang mukha
"ahh regalo po ni Sir Louie sakin" sabi ko. nahihiya akong tingnan sila Nanay baka anong isipin nila. may dating boss ba kasing ganito ka generous sa empleyado tapos pupuntahan pa sa bahay at makikitulog pa?. sya lang ang nakakagawa non.
"dapat po talaga nong pasko ko pa yan ibibigay kaya lang" tumingin muna si Sir sakin bago nagsalita ulit "hindi po kami nagkita." natameme nalang ako. ayaw ko rin namang sabihin na tinatawagn ako lagi ni Sir Louie
"ah ganun ba, tamang tama diba nawala ang phone mo nak?" tanong ni nanay kaya tumango ako at alanganing ngumiti
"oo nga po Nay, balita ko na snatched ang phone nya nagkataon naman na plano ko po talagang ibigay sa kanya yan. yan po ang latest na model ng phone namin" napanganga naman sila ni Nanay sa narinig.
"ikaw ang may ari iho?" tanong ni tatay ng makahuma
"opo" alanganin itong ngumiti. "don't worry po pagdating ko ng maynila papadalhan ko po kayo ng phone" sabi nito kaya siniko ko ito
"ano kaba? huwag na" sita ko dito
"oo nga iho nakakahiya naman. pwede pa naman itong 3210 ko" sabi ni nanay t ipinakita ang lumang phone nito
"sakin nalang po Sir" sabi ni Garry
"ako din po" sabat ng isa ko pang kapatid na 12yo. sinita naman ito nila tatay
"ano ba kayo? makahingi kayo akala nyo candy lang hinihiningi nyo. nakakahiya sa amo ng Ate nyo" sermon ni Nanay. tumawa naman si Sir Louie
"okay lang po. sige. bibigyan ko kayo ng tig iisa basta mag aaral kayo ng mabuti kundi babawiin ko ulit" sabi nito sa mga kapatid ko na nakangiti. tuwang tuwa naman ang dalawa dahil sa wakas daw magkakaroon na sila ng cellphone. napapailing nalang sila Tatay at Nanay pero halatang tuwang tuwa din ang mga ito
"anak samahan mo na si Sir mo sa kwarto mo at ihanda mo na ang mahihigaan nya malamang pagod yan sa byahe" nakangiting saad ni Nanay.
"sige po nay" sabi ko at pumasok na sa kwarto. iniwan ko lang itong bukas baka anong sabihin pa nila nanay kapag isinarado ko.
naramdaman ko naman na nakasunod sakin si Sir louie. bigla tuloy akong nailang at kinabahan. hindi ako makatingin dahil parang hinihigop nya ang katinuan ko. titig nya palang pinapainit na nya ang katawan ko. s**t, ano kaba thea, ang halay mo', bulong ko sa sarili ko.bigla namang nagtayuan ang balahibo ko sa batok. Gosh, sana umuwi na sya, hindi matahimik ang damdamin ko pag nandyan sya.
inabala ko nalang ang sarili ko sa pagpapalit ng punda pero nagulat ako ng pinigilan nya ako
"bakit?" takang tanong ko dito
"huwag mo na palitan. hindi naman marumi yan" sabi nito at inikot ang tingin sa paligid at nakapamulsa. "mas gusto ko lang yung natural na amoy sa unan mo. hindi amoy bagong laba" nanlaki ang mata ko sa huli nitong sinabi. sunod sunod ang lunok ko sa sobrang kaba. bigla akong lumayo at kunwari ay baliwala lang ang sinabi nya. ano ba tong mga sinasabi ng kumag nato?
"ahm dito lang yung CR. kaya lang wala akong bagong sabon" sabi ko nang makalapit sa bandang CR. tumingin naman ito sakin.
"don't worry i will use yours" nanlaki ulit ang mata ko sa gulat. okay lang sa kanya na gagamitin nya ang sabong ginamit na ng iba? well. samin ok lang. pero sa kanilang mayayaman ay nandidiri sila kapag ginamit na ng iba.
"ha? eh nakakahiya naman po yon Sir. nagamit ko na yon." sabi ko ng makabawi. napaatras naman ako ng bigla itong lumapit sakin na hindi inaalis ang mga titig sakin. as in malapit. pagkatapos ay bumulong ito sa tenga ko na mas lalong nakapagpatindig ng balahibo ko. ang bango nya s**t! ang lapad ng dibdib nya. ang sarap nyang yakapin ng mahigpit. nag aalala ako na baka marinig nila nanay ang mga pinagsasabi nito
"gusto ko ang amoy ng gamit mong sabon at shampoo" lumayo ito at nagsalita ulit pero medyo malakas na ng kaunti "dont worry, hindi ako maselan, kaya wagmo na ako alalahanin okay?" sabi nito at ngumiti ng tipid.
inikot ulit ang mata nito sa loob ng maliit ko na kwarto. nang makahuma ako ay huminga ako ng marahas. para kasi akong mauubusan ng hangin. hinilot ko ang batok ko
"pasensya kana kung maliit itong kwarto ko. kasya ka ba dito sa kama ko? ang haba ng paa mo eh" mahina kong saad. bigla naman itong tumawa ng mahina
"diba may kasabihan kapag maliit ang kumot..ay hindi!.. maliit ang kama, matuto kang mamaluktot? dalawa ang meaning nyan kaya huwag ka mag alala. i'm sure mag ienjoy ako dito sa cute mong kama." sabi nito na nakangiti. kaya napangiti na rin ako.
"ang ganda nga ng kwarto mo, kahit maliit malinis naman, at saka pagpasok pa lang" bigla itong lumapit at bumulong sakin "amoy Thea na," sabi nito at kumindat. bigla tuloy namula ang pisngi ko sa tinuran nya. tumawa naman ito ng makita nya ang pisngi ko. kainis! bakit ba nya ako ginaganito? napaupo ako sa kama dahil nanghihina ang tuhod ko. lumayo naman ito at sumilip sa CR ko
"buti may sarili kang CR dito sa loob ng kwarto mo?" malakas nitong tanong sakin
"pinasadya talaga namin yan iho dahil sa nag iisa namin syang anak na babae, ayaw naming palakad lakad syang nakatopis ng tuwalya sa labas. iniingatan kasi namin yang anak ko na yan. pasasalamat na rin namin dahil sa pagtatrabaho nya naipagawa nya itong bahay namin na dating sawali lang." nabigla kami ng biglang nagsalita si nanay sa may pintuan. kanina paba sya dyan? nakikita ko naman ang paghanga sa mga mata ni sir ng tingnan nya ako
"ahm ah. tama po kayo nay, dapat lang po na iniingatan sya." utal na sagot ni Sir Louie
"alam mo bang ikaw pa lang ang lalaking pinayagan ko na makapasok sa kwarto nya maliban sa tatay at mga kapatid nya?" seryoso nitong saad at tumingin kay Sir
"talaga po?" hindi makapaniwala nitong saad. tumango si nanay at pumasok. tumabi ito sakin sa kama kung saan ako umupo
"mula elementary hangang College hindi nawawalan ng mga kaibigan na lalaki na gustong makalapit lang sa kanya. pati mga manliligaw na pumupunta rin dito tuwing weekend dahil diko pinapayagan sila kapag may pasok. pero ni isa sa kanila ay walang nakapasok dito sa kwarto nya" mahabang paliwanag ni nanay. grabe, bakit pati yon ikinukwento nya eh hindi naman nanliligaw si sir.
"ganun po ba? salamat po nay at pinayagan nyo ako" sabi nito at yumuko bilang pag galang. ngumiti naman si nanay na bihira lang nyang gawin sa mga lalaking lumalapit sakin.
"ok kana ba dito? kung may kailangan ka sabihin mo lang" sabi ni nanay at tumayo
"okay na po ako dito. comfortable naman po ako dito, pero paano po si Thea?"
"huwag kang mag alala sa kanya. may extrang foam naman kami. doon nalang sya. sige na, lalabas na ako," paalam ni nanay "thea matulog ka na rin" sabi ni nanay sakin at sinarado ang pinto.
"sige po nay susunod na po ako" sabi ko at pumunta sa lagayan ko ng damit. kumuha ako ng pantulog at twalya ko.
"may isang twalya akong inilagay sa banyo, yun nalang ang gamitin nyo po Sir" sabi ko habang binubuksan ang lagayan ko ng underwear at kumuha ng isang pares
"huwag mo na akong tinatawag na Sir kapag tayo tayo lang" bulong nito sakin kaya napatalon ako sa gulat. buti nalang hindi ako napasigaw. nalaglag tuloy ang hawag kong panty at bra. kaya napatingin kami doon.
"ano kaba, ginugulat mo ko" akmang kukunin ko na ito pero inunahan na nya ako kaya nailang ako. s**t! hawak nya ang panty at bra ko.
"here," sabay abot nito sakin pero sa underwear pa rin ang mata nito nakatingin at sunod sunod na napapalunok. kitang kita ko kasi ang pag galaw ng adams apple nito.
hinablot ko ito at binalot ng twalya ko.
"huwag mo na akong tawagin na Sir Okay" sabi pa nito
"ayoko po, nasanay na ako sa Sir at tsaka ayokong tawagin kayo sa pangalan nyo lang"
"bakit naman"
"basta hindi bagay na tawagin kitang Louie lang, naiilang ako" sabi ko na hindi pa rin makatingin dito.
"okay Sweetheart nalang itawag mo sakin" kaya bigla akong napatingin dito
"ha? ayoko nga" sabi ko at inirapan ito. boyfriend ko ba sya?
"ayaw mo ng Louie o sweetheart, eh anong gusto mo?"
"Sir pa rin. yun ang gusto ko" giit ko at lumunok.
"tskk kulit mo. sige na magpahinga ka na rin. goodnight" sabi nito at ngumiti. nagmadali naman akong pumunta sa pintuan. nilingon ko muna ito nanakatayo at nakatingin pa rin ito sakin kaya isarado ko na ang pinto. napasandal ako sa gilid ng pintuan. Oh My, bakit ba ganun nalang kung tumibok ang puso ko kapag nandyan sya? para ng masisira ang ribcage ko. nahihirapan din akong huminga. sya yatang magiging dahilan ng pagkakaroon ko ng sakit sa puso.
Pagkatapos kung maghilamos at magbihis ay inilatag ko na ang foam sa sahig katabi ng kama nila ni Nanay.
nang matapos ay nagdasal muna ako bago humiga. si Nanay at Tatay naman ay pumasok na rin para matulog na.
nakahiga na ako pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. pabaling baling pa rin ako sa higaan. tulog na rin kaya sya? bakit kaya ayaw nyang palitan ko ang punda at kombre kama? nakakahiya. kakaiba talaga sya? at tsaka kapag binubulungan nya ako parang may kakaiba. parang sinisinghot nya ang amoy ko. nakakahiya amoy pawis pa naman ako lagi. sa sobrang pag iisip ay nakatulugan ko nalang. hindi ko dapat bigyan ng kahulugan iyong pinapakita nya. again, bumabawi lang sya sa mga ginawa nya. dapat hindi ako nagpapadala sa pang aakit nya. nasan na yung dating Thea na ayaw sa babaero?
kinabukasan ay 6:30 na ako nagising. maliwanag na sa labas.
napabalikwas ako ng bangon. wala na sila nanay sa higaan. si Sir kaya?. bitbit ko ang twalya ko lumabas ako ng kwarto para mag CR at maghilamos. ngunit nabigla ako ng madatnan si Sir sa kusina na nagkakape at bagong paligo. mukha na syang mabango at ang pogi nya sa Cargo short at white Vneck Shirt. bigla naman itong napalingon sakin.
napatakip ako sa mukha ko. ang gulo pa ng buhok ko baka may muta pa mga mata ko. shaks! nakakahiya. napangiti naman ito ng makita ako.
"nay may tao po ba sa CR?" baling ko kay nanay na nagsasangag ng kanin
"Si Tatay mo naliligo anak"
"doon ka nalang sa kwarto mo. walang tao doon" sabi ni Sir sakin. hindi ko na ito tiningnan at nagpaalam na akong umalis at pumasok sa kwarto ko. sinarado ko ito baka bigla itong pumasok. maliligo nalang din kaya ako?
At yon nga ang ginawa ko. imbes na hilamos lang muna dahil giniginaw pa ako ay naligo nalang ako dahil nahihiya ako kay Sir na bagong paligo na.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ng leggings at t sirt ay lumabas na ako. napapangiti nalang ako kasi amoy Sir Louie na rin itong kwarto ko. nakakaakit ang pabango nya.
Paglabas ko ay nandoon na rin si tatay na bagong paligo. ang mga kapatid ko naman ay tanghali na nagigising ang mga yon lalo na at walang pasok ngayon dahil sabado.
nakahanda na rin ang almusal. hotdog sunny side up egg at tuyo ang almusal namin kapartner ng sinangag at kape.
"Nay, Tay bababa lang po kami sa bayan mamaya. magpapasama nalang po ako kay Thea may mga bibilhin po kasi ako sa palengke" napatingin ako dito sa gulat. seryoso lang ito na kumakain. halatang sarap na sarap sa kinakain.
"Oh sige kayong bahala. agahan nyo nalang dahil mamaya marami ng tao. siksikan na" sabi ni tatay. bakit parang komportable sila na si sir ang kasama ko? dati ang higpit nila kapag iba.
"sige po. ang sarap pala kapag ganito ang almusal. perfect, ang dami ko ng nakain. hindi gaanong maalat ang tuyo" bulalas ni Sir
"buti naman at nagustuhan mo iho, naku kong ang ibang mayayaman lang yan ay iismiran lang ang ganitong klase ng pagkain" nakangiting saad ni nanay
"aaminin kung ngayon ko lang natikman ang ganitong klase ng pagkain maliban sa hotdog at itlog. nasanay kase ako sa deliver lang lalo na at nagmamadali ako palagi "
"naku, iba talaga ang pagkaing probinsya, bihira lang kaming nakakatikim ng karne. maliban sa malayo kami sa palengke eh ang mahal pa kaya puro nalang kami gulay dito galing doon sa taniman namin" ani ni nanay. napangiti naman ng bahagya si Sir Louie kay Nanay at bahagyang natulala. maya maya ay tumingin ito sakin at ngumiti. pati ba naman yon ikinukwento nya? pero ok lang hindi ko naman ikinakahiya na ganito ang buhay namin. nginitian ko nalang din ito at iniwas kaagad ang tingin. nakakahipnotize kasi ang mga titig nya.
Sakay ng kotse nya ay bumaba kami ng bayan mabagal naman ang takbo nito na ipinagtataka ko. tiningnan ko ito ng may pagtataka pero hindi nya ako nilingon. diretso lang titig nito at paminsan minsan at tumitingin sa magandang view sa paligid.
"i just want to enjoy the moment like this kaya mabagal lang ang pagdadrive ko. ang ganda ng umaga ko" makahulugan nitong saad at bahagyang ngumiti. napakunot noo tuloy ako na nakatingin dito. napaisip tuloy ako. kumusta kaya ang tulog nya?
"kumusta ang tulog mo? nakatulog kaba ng maayos?" pagbubukas ko ng usapan. nakakailang kasi kapag tahimik
"yes, sobrang sarap ng tulog ko. pakiramdam ko nga may kayakap ako" nanlaki naman ang mga mata ko sa tinuran nya. ngumiti ito at tumingin sakin. ibinaling ko nalang sa labas ng bintana ang atensyon ko. sunod sunod ang ginawa kong paglunok s**t! makalaglag panty ang mga ngiti nya. ang puti ng mga ngipin. ang pula pa ng mga labi. tapos nandito pa kami nakakulong sa loob ng kotse nya at tanging hininga lang namin at ang aircon ang naririnig.
"sinong nagsabi sayo na dito ako nakatira?" tanong ko dito na nanatili pa ring nakatingin sa labas ng bintana
"Your bestfriend" bigla ko itong nilingon, si Ron? how come? talagang yong baklang yon!
"tskk relax, huwag kang magalit sa kanya, gusto lang talaga kitang makita kaya pinilit ko sya." sabi nito na ikinakunot ng noo ko. bakit? pero wala akong lakas ng loob na magtanong. kinakabahan kasi ako sa maaari nyang isasagot.
"alam ba ng Girlfriend mo na nagdito ka?" pag iiba ko sa usapan. baka kasi malaman ng girlfriend nya at ako pa ang dahilan ng pagaaway nila. pagseselosan pa ako. ayokong maging third party.