Thea's POV
Araw-araw ganun lagi ang ginagawa nito. iniistorbo nya ako at binubweset. tuwang tuwa naman ang mga kasamahan ko dahil lagi itong nandon. pakiramdam ko nga doon na rin sya pumapasok.
Napapailing nalang ang Auntie nito. hindi naman kasi nito masaway saway ang pamangkin. ang sabi pa nito ngayon lang daw ito nagpapasaway. dati daw kasi lagi itong seryoso sa buhay at bugnutin.
I wonder kung ano kaya ang magiging reaksyon ng mga magulang nito. alam kaya nila?
"hmm..seryoso ah!" gulat akong napatingin dito. hindi ko namalayan na dumating na naman ito. napaikot nalang ang mata ko at tinalikuran ito. inayos ko nalang ang mga item para sa plus selling.
pumasok na naman ito sa Counter at umupo
"hindi kaba nasisikipan kasi ako hindi na ako makakagalaw dito sa laki ng katawan mo" inis kong saad dito at inirapan ito. sa totoo lang sa araw araw nyang pang iistorbo sakin nasanay na akong tarayan ito. ang lakas kasi nyang mang asar tulad ngayon nakatayo nalang ako sa may kaha dahil sakop na nito ang kakaunting space tapos aasarin nya akong sa kandungan nya nalang ako umupo habang nagkakaha ako. kung hindi ba naman ito nababaliw.
"ayaw mo kasing pumayag na kumain tayo sa labas. isang lingo na akong pabalik balik dito tinatangihan mo lang ako" simangot nitong saad
"so ibig sabihin kapag pumayag akong kumain tayo sa labas titigilan mo na akong guluhin ako dito, ganun?"
"dipende"
"anong dipende?"
"eh kasi gusto ko araw araw tayong kakain sa labas, hindi lang isang beses so paanong hindi tayo magkikita at tsaka hindi pang gugulo yon. binibisita lang kita dahil gusto kitang makita" napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan nito pero teka gusto nya akong makita? parang may naghahabulang daga sa aking dibdib sa narinig. bakit naman kaya gusto nya akong nakikita?
"alam mo, ang sarap mo talagang dagukan, ayoko ngang lumabas kasama ka, ayokong ma isyu no. bakit naman gusto mo akong nakikita?"
"basta" tipid na sagot nito. napapangiti nalang ang mga kasamahan ko at customers sa bangayan namin.
tumigil lang ang bangayan namin ng may nagbayad na sa counter
tumalikod ako sa kanya.
nang bumukas ang kaha ay umatras ako ng kaunti pero dahil sa sikip hindi ako makaatras at napaupo ako sa kandungan nya. napamura ito ng mahina.
"ay kabayo," gulat kong saad at nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla, ganun din ang customer na nasa harapan ko na nagulat pero tuwang tuwa. my God naupuan ko ang ano nya. ramdam kong pigil na pigil ito sa paghinga na tila nahihirapan.
"ano ba, doon ka na kasi hindi ako makakakilos eh" inis kong turan dito at tatayo na sana ako ng pigilan nya ang balakang ko.
"stay still, pagod kanabang tumayo? umupo kanalang habang nagkakaha"
napapikit nalang ako sa kaharutan nito. para tuloy akong nakaupo sa high chair.
"ang sweet nyo naman po Sir Guevarra sa girlfriend nyo" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. sasabihin ko na sanang hindi ko sya boyfriend pero inunahan na nya ako
"ayoko kasing mapagod ang girlfriend ko" sabi nito. tumatama na sa mukha ko ang hininga nito na lalong nakapagpadagdag sa nerbyos ko.
"wow sana all, may boyfriend na sweet at gwapo na, mayaman pa" dinig kung sabi ng isang Cashier.
binigay ko na kaagad ang sukli ng customer habang nakaupo ako. sinamaan ko naman ito ng tingin ng balingan ko ito dahil lalo lang nitong hinigpitan ang pagyakap sa beywang ko para hindi ako makatayo
"friend sweet nyo naman, nice move Sir" sabi ni bakla. sinamaan ko na naman ito ng tingin. nong una galit ito dito. akala nya kasi lalaki ito. lalo na nong malaman nyang magkatabi kami sa pagtulog. gusto nyang bugbugin ito at ililipat sana nya ako ng ibang apartment pero nong sinabi kong binabae ito, pumayag nalang.
"hmm... oy Louie. ikaw talagang bata ka, ginugulo mo na naman itong kahera ko" sita ni Mam Topaz na nakapameywang habang nakatingin samin.
napayuko ako sa hiya dahil sa sitwasyon namin. nakakaiskandalo kasi. nagkulay kamatis na malamang ang mukha ko sa kahihiyan habang itong isa ay sumisipol pa at kumikindat pa sa tita nya. napapailing nalang ito sa kalukohan ng pamangkin.
siniko ko ito para bitawan na nya ako. may kakaiba kasi akong naramdaman habang nakakalong ako dito. pigil na pigil ko ang hininga ko. nagiinit na rin ang pakiramdam ko. binitawan nya rin naman ako ng may tumawag sa phone nito. nakita ko pa ang name na Louise ang caller
"i'll just answer this call" paalam nito at lumabas na ng counter. napapikit nalang ako sa kaba. parang may naghahabulan sa loob ng tyan ko. namumula na rin ang mukha ko sa hiya dahil sa kakaibang titig ng mga nasa paligid. ayoko kasi ng masyadong PDA lalo na at wala namang kami.
sino kaya yung Louise na yun? siguro yung girlfriend nya. parang may kumirot sa puso ko. nasanay na rin kasi ako na lagi nya akong kinukulit at ang pagka clingy nito. pero alam ko namang hindi ko dapat bigyan ng kulay ang pinapakita nya. gusto lang siguro nya akong isama sa listahan na isa sa mga fling nito.
dapat pagsabihan ko na ito ayoko kasi ng ganito para akong nagmumukhang malandi sa harap ng maraming tao.
bumalik ito kaya tiningnan ko lang ito ng walang reaksyon. bumuntong hininga ito bago nagsalita.
"i have to go now but i will fetch you after your work okay?"
"kahit huwag na, dapat unahin mo muna ang trabaho mo. kaya ko namang umuwing mag isa, nandyan naman si Ron" bigla itong naging seryoso at nagtagis ang mga bagang
"kapag sinabi kong susunduin kita, hun ang masusunod. okay?" malamig nitong tugon. bipolar talaga. kanina lang napakaharot, may katawagan lang biglang naging byernes santo na ang mukha, balik na naman sa dati.
Pagkatapos nga ng work ko ay sinundo nga nya ako. kaya si Ron nalang mag isa ang umuwi dahil may pupuntahan pa raw kami. first time kong sumakay sa sasakyan nya. ito yung sasakyan na muntik na syang mabagsakan ng barrier at dito din nakaupo yung kasama nyang babae. ibig sabihin isa na din kaya ako sa kanila? napatingin ako sa upuan pagkatapos nyang ikabit ang seatbelt ko. parang hindi ako komportable sa inuupuan ko habang nakatingin sa seatbelt na hawak ko rin.
"may problema ba?" napatingin ako dito ng bigla nya akong tanungin. halata ba ako masyado?
"wala po sir" sabi ko at tumingin na lamang sa labas ng bintana. hindi na rin naman ito nangungulit na at pareho nalang kaming tahimik sa loob ng sasakyan. dinig kong bumuntong hininga ito ng mabigat pero hindi ko na nilingon pa.
Itinabi nito ang sasakyan sa isang mamahaling Restaurant at inalalayan pa nya akong bumaba hangang sa makapasok kami
"reservation sir?" tanong ng isang waiter
"yes, Mr. Guevarra" sagot ni Sir Louie. nagpareserve pa sya?. napatingin naman ako sa damit ko. nakakailang naman. ang ganda ng mga damit ng mga kumakain dito halatang mayayaman, ako lang ang naiba.
"let's go inside" bulong ni Louie sa tenga ko at sumunod naman kami sa waiter.
biglang hinawakan nito ang beywang ko kaya nagulat ako. napatingin ako dito pero parang wala lang ito dito. hindi kasi ito tumingin man lang sa akin.
This is my first time na pumayag ako na lumabas kami at first time ko ring makapasok sa ganitong lugar. kaya naiilang ako habang hinihintay ang order namin. sya nalang din ang umorder ng sakin dahil hindi ko naman kabisado ang mga pagkain dito.
"kanina ka pa tahimik, may problema ba?"
"ahm, Sir gusto ko po sanang sabihin na huwag nyo na po akong lapitan sa Counter kasi naiilang ako. ano nalang ang sasabihin ng mga taong makakakita satin na nag aanuhan tayo sa counter" mahinahon kong saad
"anong nag aanuhan?" takang tanong nito
"ahm..naghaharutan po. dipo kasi ako sanay, at tsaka sikat ka hindi malayong magiging isyu yun. hindi maiiwasang pagfiestahan kayo doon, at tsaka baka sabihin nila na ano ak-" pero pinutol nito ang anumang sasabihin ko.
"your thinking too much, just don't mind them. i'll do what i want but if your not comfortable with it, okay" sabi nito at tsaka tumingin sa waiter na paparating dala ang order namin.
"eat now" malamig nitong saad kaya nagtaka ako. nagagalit ba sya?. napabuntong hininga nalang ako tsaka dinampot ang kutsara at tinidor. tiningnan ko pa ito pero mukhang wala ng planong magsalita pa.
Habang tahimik kaming kumakain ay biglang lumapit sa aming lamesa. para itong modelo sa ganda ng katawan nito. maganda rin naman ito.
parang sya yung katabi nya dati habang nag iinuman silang magbabarkada ah.
"hi Louie " maarte nitong saad.
"oh hi Louise" nakangiti rin nitong bati. louise? bigla akong may naalala, yung tumawag sa kanya kanina. sya pala si Louise.
bigla akong nanliit. wala man lang ako sa kalingkingan nito.
"This is Thea, Thea this is Louise, my childhood friend" pakilala nito. friend lang pala nya akala ko girlfriend. bakit magkadate sila nung in-interview sila sa TV? baka isa rin sa fling.
"Thea? is she the one of your employee in parking?" sabi nito at sinusuri ako nito mula ulo hangang paa pabalik sa mukha ko. nang makita nyang nakatingin ako sa kanya ay tinaasan nya ako ng kilay at ngumiti ng nakakaasar. napalunok nalang ako ng laway at iniwas ang tingin dito.
"she's not my Parkjng Attendant anymore, Cashier sya ng Tita ko" dinig kong tumawa ang babae ng nakaloko
"diko alam na mahilig ka na pala ngayon sa low profile" biglang napahigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor sa narinig.pero iniwasan kong iangat ang mukha ko dahil baka matusok ko ito ng tinidor.
"Louise, stop it!" malamig nitong tugon. napapikit nalang ako. pinipigilan ko ang inis at luha ko na kumawala. no! never akong iiyak sa harap nila.
"oh come'on babe im just kidding..by the way i have to go now" sabi nito at tumalikod na pero ilang hakbang lang ay narinig ko ulit ang boses nito. bumalik pala ito
"oh by way before i forgot babe, i forgot my clothes and shoulder bag kanina sa Penthouse mo. ikaw kasi minamadali mo ako. pupuntahan ko nalang mamaya just call me kapag nakauwi kana " sabi nito at humalik sa pisngi ni Sir Louie. ngumiti pa sakin ang hitad bago ito humalik.
iniwas ko ang tingin sa kanilang dalawa.
ang kanina ko pang pinipigilan kong hininga ay bigla kong pinakawalan. pakiramdam ko kasi para na akong kakapusin at nasasakal. sumasakit na ang dibdib ko sa nasaksihan kaya itinuon ko nalang sa pagkain ang tingin ko pero nawalan na ako ng gana. narinig kong bumuntong hininga ito.
"pasensya ka na kay Louise, pagsasabihan ko yon pagka nagkita kami ulit" hingi nitong paumanhin sakin.
"hindi na kailangan tama naman sya eh, dapat hindi ka lumalapit sa isang katulad ko" sabi ko at diko na tinapos ang pagkain. nawalan na ako lalo ng gana.
"you don't have to say that. hindi ka dapat nagpapaapekto sa sasabihin ng ibang tao" malamig nitong saad
"pero yon ang totoo. sila ang salamin natin. at saka ano ba tayo? diba dati nyo lang po akong empleyado Mr. Guevarra" sabi ko sabay lunok ng laway pero parang wala na akong malulunok na dahil nanunuyo na ang lalamunan ko. hindi naman na ito nagsalita pa at bigla nalang ibinagsak ang hawak nitong kutsara at tinidor kaya nagulat ako
"ihahatid na kita, kung tapos kanang kumain" malamig nitong saad. naglagay ito ng pera sa lamesa at tumayo na. tumayo nalang din ako at sumunod na dito.
Pinagbuksan pa rin naman nya ako ng pinto at pinasakay nya ako tsaka din ito sumakay.
wala na naman kaming imikan hangang sa makarating kami sa apartment. nasasaktan ako. first time kung lumabas kasama ang lalaki tapos ganito pa ang nangyayari. ang sabi ko hindi ako magpapaapekto pero bakit nasasaktan pa rin ako sa nangyayari. nainsulto ako. nasasaktan ang damdamin ko.
"Dito nalang po ako sa kanto Sir, huwag nyo nalang po ipasok sa looban" sabi ko pero hindi nya ako pinakinggan at pumasok pa rin ito sa eskinita. hindi nalang ako umimik pa.
pagkababa ko ng sasakyan ay nagpasalamat na ako pero hindi ito sumagot at umalis nalang bigla.
"bakla buti naman nakauwi kana. kumusta ang unang date, saannkayo nakarating?" salubong nito sakin ng buksan nito ang pinto. hindi ko ito pinansin at pumasok na ako diritso sa kwarto at humiga. tsaka ko pinakawalan ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"oh by the babe, i forgot my clothes and shoulder bag kanina sa Penthouse mo. ikaw kasi minamadali mo ako. pupuntahan ko nalang mamaya just call me kapag nakauwi kana " kaya pala sya tinawagan kanina at nagmadali itong umalis. bakit ako nasasaktan? first time na naapektuhan ako kahit wala namang kami. ganun na talaga sya diba babaero?, wala ng bago dun.
"bakla what happen?" patuloy pa rin sa pag agos ang luha ko at hindi ko ito sinasagot. nauunawaan naman ako nitong ayaw ko munang magsalita kaya niyakap nalang ako nito para ako ayaw damayan. my firsts, nasaktan kaagad ako.