Thea's POV
Nauna na akong pumasok sa kwarto habang si Ron ay nanunood pa rin ng TV sa sala.
Nakaupo na ako sa kama at papatulog na sana ng mahagip ng mata ko ang teddy bear. kinuha nya ito at niyakap para kumalma ang nararamdaman ko ngunit nananariwa pa rin sa aking alaala ang nangyari kanina. nakakaintimidate ang dating nito talaga. kahit naiinis ako kapag kaharap ko ito umuurong ang dila ko. ang lakas ng loob nyang gumawa ng eksena kanina.
bakit nya ba ginawa yon? kailangan ba talaga nyang gawin yon sa maraming tao para lang pansinin ko ang tawag nya? ano nalang ang sasabihin ng girlfriend nya kapag nalaman nito ang ginawa nya?
Tumunog ang phone ko kaya dinampot ko ito at tiningnan kung sino ang nagtext. galing na naman sa kanya
[answer my call] inuutusan pa talaga ako?
maya maya ay tumawag na ito. nagdadalawang isip pa akong sagutin ito kaya lang baka gagawa na nman ito ng eksena bukas kapag hindi ko sinagot. kaya sa huli ay sinagot ko nalang ang tawag nito.
"hello" bumuntong hininga ito bago nagsalita
"finally. sinagot mo rin"
"ano po bang kailangan nyo sakin Sir? ang natatandaan ko lang ay tinangal nyo na po ako sa trabaho. nagpasa na rin ako ng resignation letter para makasigurado. may utang po ba ako para tawagan at sundan nyo ako sa bago kung trabaho?" nginig kong sabi dito. buti hindi ako nabulol dahil sa kaba.
"tskk haba ng sinasabi mo, just meet me sa Jollibee malapit sa work mo"
"po? anong oras na papalabasin nyo ko? pasensya na po matutulog na ako bye"
"wait te-teka-" hindi kona tinapos ang kung ano pang sasabihin nito dahil pinatay ko na. napatingin ako sa phone ko ng may nagtext.
[you really make it hard for me..see you tom] anong ibig sabihin nya? pupunta na naman sya sa work ko? grrr
binalingan ko ang yakap kong Teddy Bear. pinagsusuntok ko ito sa inis. nakikita ko kasi ang mayabang nitong mukha sa teddy bear na bigay nya.
"hoy bakla, kawawa naman yan si Papa bear ko. walang kalaban laban sinasaktan mo" nagulat ako ng bumukas ang pinto at iniluwa non ang bakla na nagtataka.
"kainis kasi"
"bakit na naman. si hot papa Louie na naman ba?"
"kaasar kasi, ayokong laging nakikita yon, nasisira lang ang araw ko kapag naalala ko ang ginawa nya"
"ay sus ang sabihin mo kinikilig ka lang at ayaw mong aminin, its not hatred or annoyance girl. do you beleive in d quote saying 'the more you hate the more you love?"
"hindi, at tigil tigilan mo na ang kakanood ng drama, nakita mo ba ang ginawa nyang eksena kanina as if na wala syang ginawang kasalanan sakin"
"kaya nga may pa papa bear at sumulpot pa sya doon dahil gusto nyang magsorry, bakla ano kaba? hindi kaya biro yung ginawa nya na hayagan syang nagpapakita na may gusto sya sayo sa harap ng maraming tao. never pa nyang ginawa yon kaya"
"sure ka?"
"ewan" alanganin nitong sagot. see?
"maniwala ka don ganun naman ang mga mayayaman mahilig gumawa ng eksena, gusto nila pagkakaguluhan sila ng mga babae"
"ah basta, boto ako kay Papa louie friend, sobrang sweet kaya nya. ang sungit kaya non at snobbish pa sayo lang pala tiklop"
"matulog na nga tayo, pinapaniwala mo na naman ako sa imposibling mangyayari. baka mamaya maniwala pa ako sayo. ako naman ang aawatin mo kung sakali" sabi ko dito at humiga na
"pahiram naman ng Bear mo"
"ayoko nga pangarap ko kaya to dati pa"
"parang inamin mo na rin na nagustuhan mo na sya ng unti unti kasi feel mo ang binigay nyang bear" pang aasar pa nito
"hindi no, gusto ko lang ang bear pero sya, hindi!"
"balang araw kakainin mo rin yang sinasabi mo friend" pang aasar pa nito pero di ko na pinansin at ipinikit ko nalang ang mata ko para matigil na ito. sarap yakapin ng bear. ang lambot nilagyan ko pa ito ng pabango ko
"CHANGE nyo po Mam 70 pesos, thank you po come again." sabi ko sa huling customer na babae at lumabas ako ng counter pagkatapos.
inayos ko ang mga plastic na nagulo sa dulo ng counter.
Habang ng aayos ako ay may biglang tumikhim sa likod ko, iniisip ko kung yung guard lang ba yun at may ubo o sinasadya talaga kaya binaliwala ko nalang ito. hindi ako lumingon pero nagulat ako ng bumulong ito sa tenga ko
"sipag ah, huwag ka masyadong tumuwad Ms. Garcia. makikitaan kana sa iksi ng skirt mo" nagtayuan ang balahibo ko sa batok lalo na at tumatama ang mainit na hininga nito sa puno ng tenga ko. ang seksing pakinggan ng bulong nya, parang nangaakit. kilala ko ang pabango nya at iisa lang naman ang kilala kong nagmamay ari non kaya alam kong sya ito. nabuhay na naman ang inis na nararamdaman ko saking dibdib.
bigla akong napalingon dito sa pag aakalang lumayo na ito at yun ang pagkakamali ko dahil muntik ng magtama ang ilong namin. halos gadangkal na lang kasi ang layo ng mukha namin at langhap ko na ang mabango nyang hininga. infairness hindi sya amoy cigarette.
bigla akong umatras at iniwas ang tingin dito dahil naiilang ako sa mga titig nya pagkatapos ay lumayo ako. nagtitilian na naman ang mga nasa paligid ko kaya namula na naman ang mukha ko sa hiya. bumalik ako sa loob ng counter at kunwari may ginagawa.
"bakit ka po naparito?" sabi ko dito at binabaliwala ang mapang asar na tukso ng mga kasamahan ko.
"masama bang dalawin ka? binabaan mo ko ng tawag kagabi eh, nagustuhan mo ba ang Teddy bear?" diko ito pinansin at tumalikod na.
naramdaman kong lumapit ito sakin at pumunta sa loob ng counter kaya naalarma ako baka magalit ang boss ko
"ano kaba baka magalit ang boss ko, mawawalan na naman ako ng trabaho nito eh dahil sa inyo Sir"
"don't worry, Mrs. Topaz is my Auntie"
"what?" hindi makapaniwalang tanong ko dito
"yes, at ok lang din kung tatangalin ka nya Ms. Garcia para bumalik ka na sa Parking" sabi nito at prenting nakaupo sa upuan ko. inis ko itong hinarap at tiningnan ng masama pero ang mga titig nito ay parang walang pakialam. nakakaintimidate talaga sya. diko magets kong para saan ang mga ginagawa nyang ito.
"kung balak nyo pong gumawa ng eksena tumigil nalang po kayo. pinagtitinginan na tayo Sir, nasa oras po ako ng trabaho"
"okay lang magkaha ka lang dyan dito lang ako" sabi nito at seryosong nakatingin sakin. tinalikuran ko ito pero pakiramdam ko nakatitig ito sa likod ko, baka sa balakang ko kaya? o sa binti? s**t naco-concious na ako.
"hindi po kasi ako sanay na may tao sa likod ko. ahm nasa Office po si Mam Topaz, doon nyo nalang sya puntahan" taboy ko dito sana gumana
"bakit mo ako binabaan ng phone kagabi?" malakas ngunit malamig nitong tugon. napalunok ako sa kaba. tumingin ako sa paligid. nandun pa rin ang mga titig nila na kilig na kilig. narinig siguro ang mga sinabi nito.
"bakit po ba ninyo ito ginagawa? at saka marami akong ginagawa kagabi" katwiran ko naman dito..ay mali! sinabi ko pala na matutulog na ako. patay!
"i'm your boss kaya susundin mo ko. akala ko ba matutulog kana kagabi"
"excuse me, ex-boss po kaya pwede ba tigilan nyo na ako" sabi koat humarap dito. kahit papaano may pag galang parin naman ako sa kanya dahil kamag anak pala sya ng boss ko. tumalikod ako at hinarap ang nakapilang customer
"magiging boss mo rin ako ulit tandaan mo yan Ms. Garcia. pansin ko lang.. ang seksi pala ng balakang mo ang ganda ng shape ng pwet mo" napapikit nalang ako sa sobrang inis. kalma self okay. kapal nya talaga. bigla na naman akong naconscious. sana walang nakarinig sa sinabi nito. sarap sipain eh.
pansin ko lang bakit sa akin nakapila ang mga customer? dahil siguro sa kumag na nasa likod ko.
"mga tao talagang walang magawa" inis kong bulong
"bakit totoo naman ah, ang seksi mo ang kinis pa ng binti mo parang sinuklay ang pinong balahibo sa binti mo" grrr
"kainis ka, pinagtitripan mo ba ako? hindi ako babalik sayo, wala ka bang trabaho bakit ako ang ginugulo mo?" inis kong turan dito. hindi ko na napigilan ang sarili ko. naka pang opisina pa ito at alas onse palang ng umaga nang gugulo na sakin. kasalukuyan ko namang pinapunch ang binili ng isang babaeng customer. kita pa ang pusod nito dahil sa crop top nito at kilig na kilig dahil nasa harapan nya ang lalaking to. parang itong bulating inaasinan
"marami but it can wait, i have my trusted employees to do that for me, you are more important" sabi nito. biglang akong natigil sa pag scan ng item dahil sa sinabi nito. bumuntong hininga ako ng marahas at ipinagpatuloy ang ginagawa. dapat hindi ako magpapaapekto.
"linyahan ng mga babaero" mahina kong saad. dinig kong tumawa ito sa likod ko. bakit paranf ang seksi ng tawa nya s**t. hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis.
"bakla, ano yan ah" napabaling ako kay bakla na nasa gilid ng counter. nakangisi ito ng nakakaloko. sinamaan ko ito ng tingin kaya umalis ito
"tulak ng bibig..., kabig ng dibdib.." kumakanta ito habang naglalakad paalis. hindi na ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko dagdagan pa ang mga mapanuksong tingin ng nasa paligid ko.
"745.00 po mam" sabi ko sa babae, d nya alintana na mahaba na ang pila sa likod nya. nagpapacute kasi ito sa kumag na nasa likod ko.
"here oh,..." mahinhin nitong saad at ngumiti kay Kumag. inipit pa ang buhok nito sa tenga "hi po" bati nito sa lalaking haliparot na nasa likod ko
"hi" nakangiti nitong sagot sa babae. tssk kanina bossy ang dating binati lang ng babae nakangiti na. para namang nagpanting ang tenga ko
"pwede po bang magpapicture, ang gwapo nyo po kasi talaga" kilig na kilig nitong saad. tsskk pumapalakpak na naman ang tenga nito malamang dahil sa papuri ng haliparot na ito. sinabihan lang gwapo. babaero talaga. ganda pa ng ngiti.
"sure...wait lang sweetheart" bulong nito sa tenga ko at lumabas ng counter. ano daw? sweetheart? marami pang gumaya na magpapicture pero lumabas si Mam Topaz sa Isang pinto at tinawag ang Kumag kaya ang ending iniwan na ang mga nagpapapicture. kumindat pa ito sakin bago umalisat sinabing babalik sya mamaya. sana huwag nalang para tahimik na ang mundo ko.
hindi ko maintindihan ang tingin ng mga tao sakin. merong kinikilig meron din namang napapataas ang kilay. who cares? kaya nga ayoko sa sikat, sakit kasi sa bangs. buti nalang umalis na ito sa counter, nakakahinga na ako ng maluwag.