Thea's POV
Kakarating lang namin ni Ron galing sa Computer shop para gumawa ng aking Resume. sasabay kasi ako sa kanya bukas ng umaga pagpasok nya at ipapakilala nya ako sa Manager nya.
buti nalang mataas ang rate ng Cashier dito, above minimum kaya kahit for 2 months lang ang Contract ko, ok lang. makakaipon pa rin ako, hayy hanap ulit pagkatapos. tssk nagday off lang ako ang dami ng nangyari.
pinatay ko ang phone ko upang hindi na mangungulit ang kumag na yon. ano pa bang gusto nya eh tinangal na nga nya ako diba? bakit pa sya tatawag tawag? manigas sya.
"bakla ang saya pa natin kanina. nagdayoff ka lang, tinanggal kana. magic. siguro may balat ka sa pwet" asar sakin ni bakla. sinamaan ko ito ng tingin. tumingin ako sa Monitor ng TV pero wala naman kong naiintindihan sa pinapanood.
"tsk huwag mo kong inaasar, kakalbuhin na kita" irap ko dito
"pinapatawa lang kita, nagagalit ka agad. anong gusto mo gigyerahin natin yang dati mong boss?" paghahamon nito at nakataas ang kilay nito.
"kaya nga ako umalis dahil ayoko ng makita sya tapos gigyerahin natin? matulog nalang tayo ng maaga. buti wala ka ng katabi ngayon"
Sabi ko at tumayo na papunta sa kwarto. pinatay naman nito ang TV at ilaw sa sala.
"end of contract na rin kasi sya kya mag isa nalang din ako. pero dahil nandito kana may katabi na ulit ako. ang saya ko bakla nandito kana ulit" sabi nito at kilig na kilig
"alah alah, tsk, kapag ako hinulog mo ulit sa kama ihuhulog din kita" banta ko dito. magkatabi kasi kami dati sa kama at dahil sa likot nitong matulog nasipa nya ako. sinampal ko ito habang tulog kaya naalimpungatan ito. tsskk kalukuhan namin dati nakakamiss rin
"sige ganito nalang ako sa pader para kahit sipain muko hindi ako mahuhulog" sabi ko
"sige na nga, deal, sorry pala ah akala ko nakalimutan mo na. akala ko kasi inaway ako ng kabit ng boyfriend ko. kaya kinalmot ko at sinipa. yun pala panaginip lang, ikaw tuloy ang nasipa"
"tigil tigilan mo na kasi yan kakapanlalaki mo. niluloko ka lang nyan dahil binibigyan mo. isusumbong talaga kita sa magulang mo na bakla ka kapag niloko ka na naman nyan" banta ko dito. hindi kasi alam ng magulang nito na bading sya. kaya kung titingnan ito mukha pa ring lalaki manamit, pusong babae nga lang
"ay naku yan ang huwag mong gagawin kakalbuhin ko yang b*lb*l mo"
"bastos nito, sige subukan mo kung may makakalbo ka eh wala ka namang makakalbo, balahibong pusa kaya to. manipis lang" angil ko dito at nakangisi
"tsk yabang mo talaga girl, ikaw na talaga, ikaw na ang walang b*l b*-" tinakpan ko ng unan ang mukha nito para matigil na
"matulog na tayo. lalagyan ko ng zipper yang bibig mo, ang halay na ng bibig mo ah" sinamaan ko ito ng tingin at tinaasan ng kilay.
tumigil rin naman ito at nag sign na zi-zipper-an na nya ang bibig nya.
Natanggap kaagad ako sa inaplayan ko kinabukasan dahil sa marami na akong experience kaya madali akong natanggap at natuto kaagad ako sa mga itinuro kaya kinabukasan pinagumpisa na ako. i submitted also all the requirements kaya hindi na ako natambay ng matagal sa apartment ng friend ko. tuwang tuwa naman si Bakla ng ibalita ko sa kanya.
hati kami sa lahat ng bayarin dahil nakakahiya naman kung hindi ako magsi-share kaya tuwang tuwa ito dahil makakatipid na raw sya.
"bakla ring ng ring yung phone mo sa kwarto. sino ba yung kumag?" napalingon ako dito bigla at nag isip. oo nga pala kumag ang nakasave na name sa phone number nito. itinuloy ko uli ang ginagawa ko. naghahanda kasi ako ng hapunan namin at kakarating lang nito galing trabho. nauna na akong umuwi dahil kakaunti lang naman ang itinuro ng visor ko.
"pabayaan mo yon, nang iistorbo lang yon" alibi ko dito. hindi ko na sinabi ang totoo para hindi na nya ako aasarin.
"siguro jowa mo yun no?"
"jowa ka dyan, hindi no..ayoko maging jowa yon, paglalaruan lang ako non" nakasimangot kong saad. kumuha naman ito ng plato at kutsara at inilapag sa mesa
"bakit pangit ba?" nag iisip pa ako, wala kasing maipipintas sa itsura nito
"hindi naman, pangit lang ng ugali"
"ano kaba bakla nababago ang ugali lalo na kung mahal ka talaga, bakit ayaw mong itry?"
"wag na oy! ayokong masaktan, sakit lang ng ulo yan" tumatawa lang ito at kumuha ng baso at pitsel. hindi rin naman kasi ito namimilit kapag ayaw ko dahil di rin ako nagpapatalo. ayokong matulad sa kanya kapag broken hearted ay umiiyak at nagpakalasing na tila ba namatayan.
Pagkatapos naming maghapunan ay nanood muna kami ng TV para magpahinga saglit.
Nanlamig ang mga kamay ko ng mapanood ko ito sa TV at may katabi itong maganda at seksing babae. ganun ba talaga ito kasikat. sabagay may ari pala ito ng Telecom Company. yung babae katabi nya ito rin yung babae na katabi nya habang ng iinuman sila sa Libis. napapikit na lang ako. ang mga mayayaman talaga lapitin ng mga babae. kung makapagpalit ng babae akala mo damit lang. Young Billionaire and Bachelor in the Philippines. tsskk tawag ng tawag may girlfriend pala. buti hindi sya pinapagalitan ng girlfriend nya. kilig na kilig naman ang baklang katabi ko.
sa inis ko sa nakita ay inaya ko na si baklang matulog at pinatay na ang TV
"wait lang bakla, bakit mo pinatay? gusto ko pang mapanood yung hot Papa na yon eh, crush ko pa naman yon si Louie Guevarra"
"ay naku tigil-tigilan mo ko Ronaldo Dimagiba ah, puro ka Papa. Papaluin na kita" angil ko dito at iniwan na ito. nauna na ako sa kwarto at ayokong makarinig pa ng tungkol sa kanya. nakahiga na ako ng magring ang phone ko. kinuha ko ito. tskk sya na naman? tinitigan ko lang ito hangang sa tumigil na ito
"grabe 70 miscall? 55 messages. binuksan ko ang mga messages nya. puro lang kausapin moko please, I'm sorry, answer my call, answer my text f u receive d load, may load din ako na nareceive regular 1000, my Gosh, what's the meaning of these? wala bang ginagawa to sa buhay at ako ang iniistorbo nya?" kausap ko sa sarili ko
"sino kausap mo bakla?" gulat akong napalingon dito.
"wala, yung kumag tawag ng tawag"
"bakit ayaw mong sagutin?" sabi nito at humiga na
"ayoko nga, sinabihan nya akong flirt eh, bakit ko pa papansinin"
"ay gagi pala yan eh, makita ko lang yan sasakalin ko yan bakla" natawa nalang ako sa kaibigan ko.
nagtext rin si Mark. miss na raw nya ako. hindi ko na nireply. alangan namang sasabihin ko ring i miss u too. namiss ko rin naman sya bilang friend kaya lang baka bigyan nya ng ibang kahulugan kapag sinabi ko. ayaw kong paasahin sya.
pinatong ko sa maliit na mesa ang phone ko at hindi ko na ito nireply.
nagset ako ng alarm kahit nakaalarm na ang friend ko upang makasigurado.
Smooth ang takbo ng araw ko. hindi ako gaanong nahirapan kahit maraming customer. mababait rin kasi ang mga kasamahan at boss ko.
"friend sabay tayong mag breaktime ah"
"oo ba, paalam lang ako kay Mam para hindi kami sabay sabay magbreak" sabi ko sa kanya. hindi kasi pwedeng mawalan ng taga kaha kaya hindi pwedeng magsabay.
"sige wait kita sa locker" sabi nito pumunta na sa locker. nagpaalam naman ako sa visor ko na kakain na ako.
Sa karnderya kami kumain wala na kasing time na magluto ng baon namin.
"bakla hati nalang tayo sa isang order para tipid. hindi ko rin naman mauubos ang isang order" sabi ko sa kanya nang makarating kami sa karenderya.
"sige friend menudo nalang oorderin natin" sabi rin nito. marami din kasi ang isang order yun nga lang mahal ang isang order kaya nakipaghati ako.
"mamayang hapunan bibili ako ng tinapa, may nakita kasi akong nagtitinda ng tinapa doon sa maliit na palengke"
"ay wow sige friend, like ko yan. bibili rin ako ng talong masarap kaya yun"
"kapag talong talaga favorite mo no" ismid kong turan dito at natatawa
"syempre bakla, kahit anong klaseng luto yan pa talong yan, mapaprito, insalada, sinabawan, binabad, nilamog bet ko yan" napakunot ang noo ko dito
"ano yong binabad at nilamog nagyon ko lang narinig yon ah"
"ako lang nakakaalam non. wag mo na alamin basta masarap yon" sabi nito at kumain na pero panay ang ngiti. napailing nalang ako dito.
" kapag talong talaga angvpinag uusapan ang dami mong naiisip na putahi" sabi ko at inirapan ito.
tawa lang ito ng tawa. kaya natawa nalang din ako. ang nagustuhan ko lang sa baklang ito ay hindi nagdadala ng lalaki sa tinutuluyan nito kahit papano mataas parin ang respeto nito sa kasama sa bahay.
Masaya ako sa bago kong work kaya hindi ko namalayan na umabot na pala ako ng isang buwan. sayang, sana regular nalang ako dito kaso kompleto pa kasi sila sa Cashier.
Tuwing lunch time lagi kaming sabay ni Ron na kumain kaya nakakatipid kami kasi lagi kaming hati sa ulam.
Nagvibrate na naman ang phone ko kaya kinuha ko ito.
ang kumag na naman.
[enjoy eating your lunch]
[stay away with him]
[i will punch that guy beside u]
nagulat ako sa text nya kaya nagpalinga linga ako sa paligid. nandito kaya sya? hinanap ko ito pero diko makita. pano nya nalaman kung ano ang ginagawa ko? bigla akong kinabahan sa text nito. pero bakit naman kaya pag aksayahan nya ako ng oras para hanapin?
hindi ko nalang ito pinansin at ibinalik na ang phone sa bag ko. nababaliw na yata yon sa dami ng pera at babae nya.
Isang araw abala ako sa pagpapunch ng mga item na binili ng isang customer. may kasama itong anak at excited na hiNintay ang item na pinunch ko. buti pa sila feel na feel na nila ang pasko. samantalang ako malayo sa pamilya. malamig pa sa bahaw na kanin. walang ibang kasama kundi si bakla lang.
"1,350.00 po Mam, " inabutan nya ako ng 1500 kaya sinuklian ko sya at inabot ang receipt nya.
"here's your chabge Mam, 150.00 thank you po"
nakaplastic na rin ang mga binili nito dahil may bagger akong kasama.
Sunod ko namang pinunch ang item ng kasunod na customer but i greeted him first without looking at him but i know na lalaki sya. saglit ko lang syang tinignan kaso may hawak itong malaking bear kaya diko. hindi ito sumagot pero hinayaan ko nalang. isang Barbie doll na malaki at malaking Robbot naman ang isa. sosyal pinili nya talaga ang pinakamahal, may binili itong malaking bear na pink. ang swerte naman ng bibigyan nito. pangarap ko ring bumili ng ganito para may nayayakap ako sa pagtulog. nabalik ako sa aking malalim na pag iisip ng tumikhim ito. nagulat ako kaya bigla kung tiningnan ang total amount at sinabi dito
"4,670.00 po lahat Sir" turan ko at tinignan ko ang kamay nitong may hawak na pera. nagabot ito ng pera kaya tinanggap ko at binilang ito
"i received 5000 sir" sabi ko ibinalik ang tingin sa monitor at sinuklian ko naman ito
"here's your change sir 330 pesos po thank you" sabi ko at inabot ang sukli pero ng tanggapin na nya ang sukli ay hinawakan nya ang kamay kong may hawak ng sukli nya. hindi nya binitawan ang kamay ko kaya napatingin ako sa mukha nya.
Nanlaki ang mata ko ng makita itong titig na titig sa akin. parang nanlambot ang tuhod ko at nanginig ang kamay ko. pilit kung binabawi ang kamay na hawak parin nito. grabe na ang lakas ng kabog ng dibdib ko. para akong nawawalan ng lakas sa uri ng mga titig nito sakin. para kasing sabik na ewan. binawi ko ang tingin at iniwasan ang mga titig nito na tila tinutunaw ako. ayaw pa rin nitong bitawan ang kamay ko at marami na rin ang nakatingin samin na nakaawang mga bibig. kay sir nakatingin ang mga ito dahil sa sobrang gwapo nito. Isa ba namang sikat na Young Billionaire at hinahangaan ng mga kababaihan ay nasa harapan nila ngayon. nagtataka rin sila bakit ayaw nitong bitawan ang kamay ko. dama ko ang mga mukha na parang naiingit at hwak ng isang sikat na Louie Gueavarra ang kamay ko. pero ako hindi, arogante kasi sya, nakakaintimidate pa ang tangkad at kakisigan nito. nakapang office suit pa ito. papansin talaga ito.
humaba tuloy ang mga pila dahil ang mga Cashier na kasamahan ko tumigil na rin at nakatingin samin.
tumikhim ako at sinubukan kong hilahin ulit ang kamay ko pero hinigpitan nito lalo.
"sir yung sukli nyo po" pinilit kung ginawang normal ang boses ko para hindi nya mahalatang naaapektuhan na ako sa init ng kamay nya. ang lambot at parang kinukuryente ako dagdagan pa ang mga titig nito. tinaasan ko ito ng kilay pero parang natutuwa pa ito sa itsura ko na inis na inis na.
"sabi ko yung sukli nyo po sir" gigil kong boses pero mahina lang at hinila ang kamay ko. ngumiti ito at binitawan ang kamay ko. thanks god pero hindi pa rin ako nakakahinga ng maayos dahil ayaw pa rin itong umalis. tinalikuran ko ito. ayokong makita ang mukha nya. nawawala ako sa katinuan.
"huwag mo ng ibalot yang Teddy Bear" sabi nito sa bagger pero hindi ko na ito hinarap. nakakatense kasi kapag ito ang kaharap ko.
Nagpapunch ako ng item ng may malaking bear sa harapan ko. napatingin ako sa nagbigay at nakita kong sya pala ang nagbigay. hindi pa pala ito umalis. dinig ko ang bulong bulongan at tilian na kilig na kilig sa paligid. may mga nagpipicture pa na mga customer namin.
"for you Thea" napapikit ako sa hiya. para ng kamatis siguro ang mukha ko. ang dami ng nagsasabing tangapin ko pero nag dadalawang isip ako. pero ayoko syang ipahiya
"tangapin mo na bakla" dinig kong sabi ng friend ko kaya binalingan ko ito at hinablot ang Bear at tiningnan ito ng masama para umalis na ito hindi ko pa rin nakalimutan ang mga sinabi nya sakin.
"answer my calls please" sabi nito na tila amuse pa sa itsura kung namumula na sa hiya. kumindat pa ito sabay talikod at umalis na. My gosh. natulala nalang ako. nang makabawi ay biglang bumalik sa normal ang t***k ng puso ko. buti at umalis na ito. nagtilian naman ang mga nasa paligid pati mga customers ay kinikilig.
"bakla sya ba ung kumag na dimo sinasagot ang tawag?" gulat akong napatingin kay Ron at sinamaan ito ng tingin. ayokong ipagkalat na tumatawag ito sakin. kainis talaga, gumagawa pa ito ng eksena.
"bumalik kana sa pwesto mo bakla" sabi ko dito at ipinagpatuloy ang pagpunch ng item.
"ayeehh, kinikilig ang friend ko, pahiram ng bear mo mamaya ah para may kayakap din ako" inirapan ko ito at tinitigan. tanda na naiinis na ako. umalis naman ito at nagpeace sign. ayokong intindihin ang mga tukso nila baka malito ako sa pgasusikli. pilit ko isinasantabi ang nararamdaman ko ngayon dahil kahit ako nabablangko na rin dahil sa ginawa nitong eksena. gulat naman ako ng marinig ang mga komento ng iilan sa nakasaksi.
"oy girl, nakakakilig kayo. biro mo ayaw bitawan ang kamay mo. ayeehh" sabi ng isang Cashier. ngumiti nalang ako ng pilit dito
"ang swerte nyo naman po Miss, ang dami kayang naghahangad na mapansin lang ng isang mayaman Louie Guevarra na yon"
"OO nga sikat kaya yun, sya ba naman ang mayari ng isang Telecommunication company"
"pano mo sya nakilala miss, snobbish kaya yun" sabi pa nong isang girl na seksi. napailing iling nalang ako. no comment. less talk less mistakes.
hindi ko na sila sinagot at nginitian lang sila ng pilit. ano nman kasi ang ikukwento ko na tinanggal nya ako sa trabaho? nakakahiya kaya yun. ayokong ikwento sa kanila kung paano. baka pati buhay ko ay magugulo. mas okay ng tahimik ang buhay at hindi sikat katulad nya.