Thea's POV
Nakaisang buwan na rin ako sa trabaho ko. akalain mo yon nakaisang buwan din akong nagtiis at puno ng pagsubok at may boss pang hindi ko maintindihan ang ugali. ano kayang problema nya sakin at sa lahat ng empleyado ako lang ang pinag iinitan nya?
galit lang siguro sya sa nangyari nong muntik na syang mabagsakan ng barrier kaya kapag nakikita nya ako naaalaa nya. kung may iba lang sana akong trabaho na pwedeng pasukan aalis na ako. iwan ko ba, masyado kasi akong matampuhin kaya ayokong magtyaga sa isang work na may kaalitan.
hindi naman maiiwasan na may ganoong ugali at kasama sa trabaho ang kailangan makisama sa iba't ibang ugali. masyado lang talagang maiksi ang pasensya ko at mpag iwas sa mga taong pwede kung makaalitan kaya hindi ako nagtatagal sa trabaho.
End of contract lang naman karamihan pero ang ibang dahilan ay kusa na akong nagreresign dahil sa inggit ng mga kasamahan ko kahit ayaw ng boss ko dahil nga sa mahusay ako sa trabaho ko.
Day off ko ngayon kaya naisipan kung mamasyal sa Greenhills Shopping Mall. naglaba muna ako ng mga damit ko bago umalis para kahit gabihin man ako ok lang. tinext ko si Ron at inayang mamasyal para may kasama akong mamasyal. namiss ko na rin ang isang yon.
Pagkatapos kong maglaba ay nagbihis na ako ng pang alis. tanghali na pero ok lang dahil hindi naman ako nagmamadali.
[bakla nasan kana?] text ko kay Ron. ilang segundo lang ay nagreply na ito
[malapit na bakla, wait mo nlng me sa entrnz] sagot nito
[ok] tangi ko nalang naisagot at pumunta malapit sa entrance.
Nang dumating si Ron ay nagumpisa na kaming mag ikot pero dumaan muna kami sa maliit na chapel. nagsuot ako ng jacket dahil sa aircondition ang loob ng chapel. sosyal no?
Habang nagiikot kami sa loob ng mall ay napadaan kami sa mga nakahilirang mga foodstore. naamoy ko kaagad ang sobrang bango. hindi pabango kundi amoy pagkain. grilled chicken or something basta nakakagutom.
"bakla sobrang bango dito kahit nagtitipid ako pero gusto kong i try kumain dyan, kahit ngayon lang treat ko"
"mmm mukhang marami kang panglibre ngayon ah" sabi nito at nakangiti. tsskk wala pa man mukhang tuwang tuwa na dahil sa libre
"sahod ko ngayon marami akong overtime kaya manlilibre ako"
"sana lagi kang may overtime para lagi mo kong ililibre"
"hoy hoy, ngayon lang to no. sa susunod ikaw naman, tong baklang to" sabi ko at inirapan ito. biruan lang naman namin yun at sanay na kaming dalawa sa okrayan pero sya lang talaga ang tangi kong kaibigan magmula ng tumungtong ako dito sa Maynila. kasama ko sya dati sa bording house at kasamahan din sa dating trabaho.
"mukhang ang sarap dito bakla" manghang saad ni Ron
"oo nga nakakagutom, SAVORY kaya to kaya malamang amoy mamahalin kaya order na tayo" sabi ko at itinuon ang tingin sa menu at umorder.
kumain agad kami ng dumating ang inorder namin. gutom na gutom ako dahil wala pa akong almusal. pagkatapos ay inaya ko syang dumaan muna sa Remittance Center para magpadala ng pera kay Nanay. pagkatapos ay tinext ko kay Nanay ang transaction number. may malaki pang natira sa pera ko at may pambayad na rin ako sa upa ko kaya dumaan ako sa bangko at napagdesisyonan kung ilagay ito sa savings ko. nagtira lang ako ng pangastos ko hangang sa sunod na sahod.
tuwing sahod nagtatabi talaga ako sa savings ko dahil nga sa uri ng trabaho ko na hindi panghabang buhay na hanapbuhay. anytime kasi pwede akong mawalan ng trabaho.
"kumusta sa bago mong trabaho bakla?" tanong ni Ron ng makaupo kami sa isang kainan habang tumatambay.
"madali lang naman ang trabaho ko kaya lang ang mahirap spellingin ay yung mga ugali ng mga tao doon" sabi ko at sumimangot
"ha? ano ba yang pinagsasabi mo bakla?. umandar na naman yang pagkamataray mo" sabi nito at natatawa
"hindi ko kasi ma gets yung ugali ng boss ko pero alam ko namang may mali ako. pati mga kasama ko sa work nakakainis ang mga ugali" sabi ko at kinwento ko dito ang lahat.
natatawa naman ito sa kwento ko na kesyo daw baka may gusto sakin ang boss ko na pinabulaanan ko dahil nga napakaimposible yon. langit sya at lupa lang ako. at isa pa hindi ang katulad ko ang type nyang babae. naalala ko pa ang kasama nyang babae noong una naming pagkikita na masyadong revealing ang pananamit nito. at yung katabi nyang babae nung pangalawa naming pagkikita na mukhang galing sa mayamang pamilya. pangmodel ang katawan. tapos sabihin niyang may gusto ito sakin? tsskk nakakatawa.
trip lang talaga nya akong asarin dahil may kasalanan ako at mahirap lang ako. at tsaka ayoko sa taong babaero, hate na hate ko talaga kaya hangang ngayon wala pa akong bioyfriend dahil ayokong magtiwala sa mga lalaki. mabait at sweet lang yan sa una pero kapag nakuha na nila ang gusto nila at nagsawa na, iiwanan ka nalang na parang basahan.
Halos gabi na ng makarating ako sa Bording house na inuupahan ko.
Habang paakyat ako ng hagdanan ay may bigla tumawag sakin. kilala ko namn kaagad ang boses nito kaya nilingon ko kaagad ito.
"oh Mark bakit?" tanong ko dito at nilapitan ito. malungkot ito at napahawak sa batok
"tinanggal ako sa trabaho" nanlaki ang mata ko sa gulat
"bakit? anong nangyari?"
"hindi ko nga alam eh, basta nalang akong tinanggal"
"sinong nagtanggal sayo"
"si Mr. Guevarra" napatda ako sa narinig. anong dahilan nya? ang alam ko mgaling na technician ni Mark. parang kinakabahan na din ako. baka bigla nalang din nya akong tangalin.
"ang sama talaga ng ugali ng kumag na yon"
"okay lang yan, nagchat naman yung pinsan ko na ipapasok nya ako sa trabaho doon sa pinapasukan nya. may hiring daw kaya bukas magrereport ako. malapit lang din naman dito" sabi nito at ngumiti ng pilit para pagaanin ang loob ko. alam nya kasing naiinis na ako.
"buti naman nakahanap ka kaagad, diko talaga magets ang ugali non porke't mayaman sya"
"tskk, sya ang may ari eh wala tayong magagawa. syanga pala tinatawagan ka ni Mam Jovy kanina dika matawagan. pinapapunta ka raw ni Mr Guevarra kaninang umaga" nanlaki na naman ang mata ko sa narinig. ano ba yan, mukhang nangangamoy sermon at memo na naman ako. anong dahilan naman?
"lowbat kasi ako" katwiran ko sa kanya.
nakapasok na ako sa kwarto ko pero tulala pa rin ako. iniisip ko kasi kung ano ang mali ko? bakit ako ipinapatawag ng aroganting boss ko na yon?. gusto kong pumunta ngayon pero gabi na baka wala na si Mam Jovy at baka wala si Sir.
binuksan ko ang phone ko ng ma charge ko na ito. sunod sunod ang pasok ng messages ko at galing ito kay Mam Jovy at isang unknown number. halatang galit na naman ito sakin. inuna kong basahin ang kay Mam Jovy
[pumunta ka dito sa admin]
[bilisan mo Thea at pinapagalitan na ako ng boss natin. pahamak ka talaga]
[bakit di kta mtwgan? grrr]
[pasensya na suspended kana ng 3 days, ayokong itolerate yang mga pinag gagawa mo] ano ba kasing nagawa ko? kianis naman. ang sakit na ng ulo ko kakaisip. suspended ako. my god.
nagtype ako ng reply na lowbat ako at bakit ako pinapatawag.
[you are suspended kaya huwag kana pumasok bukas,] nagtype ulit ako ng reply
[sa dami ng kasalanan mo itatanong mo pa, ako ang napapagalitan dahil sa hindi kita macontact, dapat laging open yang phone mo at ang dami mong violation at isa na doon ay nagdala ka ng pagkain sa booth] hindi nalang ako nagreply. kainis naman. masaya pa ako kanina tapos lungkot pala ang kapalit
ang dami pa nitong messages pero ang mas ikinakunot ng noo ko ay ang messages galing sa unknown number.
[Come to Admin now]
[where are u Ms. Garcia?]
[where are you?]
[you are fired] hala! oh my gosh ano ba talaga tong mga to? ang bilis nilang magdesiyon na hindi man lang narinig ang side ko? fired na ako agad pero si Mam Jovy suspended pa lang. grabe naman silang magdesisyon.
wait lang! si Sir lang naman ang tumatawag ng Ms. Garcia ah. sya kaya ito?
mga 1 hangang 5 ng hapon na ang mga messages nila. irereply ko kaya sya? kinakabahan ako. ano naman kaya ang irereply ko at ipapaliwanag. bahala na
[sir pasensya na po ngayon ko lang nabasa txt nyo po. day off ko kc namsyal kami] ano kaya ang reply nya? pero teka tangal na pala ako dapat pala hindi na ako nagreply. kaya naman nilubos lubos ko na
[hindi ko po alam kung ano ang kasalanan ko sir, pero kung yan ang desisyon nyo. okay lang po. salamat] sabi ko at nagtext na ako kay Mam Jovy na dinaako makakapasok. ayoko na silang makita pa. masama ang loob ko sa kanila. nawalan ako ng trabaho na diko man lang alam ang dahilan.
Isang desisyon ang nabuo ko. Nagbihis ako ng damit at nagsombrero kukunin ko na ang gamit ko. ayoko ng ipagpabukas pa dahil ayokong makita pa ako ng mga kasamahan ko. mga sipsip at plastic naman. baka sinisiraan lang nila ako at tsaka bka pagtatawanan lang nila ako. 8pm pa lang naman kaya alam kong wala pang tao doon.
"oh, Thea saan ka pupunta?" tanong ni Mark ng makababa na ako sa hagdanan
"sa Admin. tinangal din ako ni Sir, kukunin ko lang ang mga gamit ko sa locker" nagulat ito. ako rin eh tsskk
"ano namang kasalan mo? bakit tinangal ka din?" tanong nito. umiling lang ako. hindi ko rin alam eh
"sige sasamahan na kita" sabi nito kaya tumango nalang ako
Nang makarating ako sa Admin ay nakita ako ni Sir Anthony at nagtaka kung bakit ako nagpunta
"kukunin ko lang po ang gamit ko." sabi ko at kinwento ko ang nangyari.
"bakit naman? anong dahilan?" umiling lang ako. gumawa na rin ako resignation letter kung sakaling suspension lang ang ipapataw sa akin. sulat kamay lang ang ginawa ko. ayoko ng bumalik sa lugar na ito. nahahighblood lang ako.
"eh hindi ko rin po alam. ah naalala ko pala sabi ni Mam Jovy nagdala daw ako ng pagkain sa booth kaya ganun"
"tsskk visor mo talaga, alam naman namin yun na binigay lang yun ng security sayo." hindi pala nila alam na galing sa mismong boss ng security doon.
kita ko sa mukha ni sir ang pagtataka at panghihinayang.
nagvibrate ang phone ko kaya tiningnan ko ito. napatda ako ng mabasa kung sino. si Sir ang nagtext.
[where r u now] ibinalik ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko at lumabas na kami ng parking. nagvibrate ulit ng phone ko at nagring pero hindi ko na ito tiningnan.
"kanina pa nagriring yang phone mo ah, bakit ayaw mong sagutin?" tanong ni Mark habang naglalakad kami sa labas ng building
"yaan mo yan. epal lang yan" sabi ko. napailing nalang ito. ayokong sayangin ang oras ko sa kanya. ayokong sabihin kay Mark na si sir ang tumatawag baka ano pa ang iisipin nya.
mataas talaga ang pride ko. sa dami ko na kasing pinagdaanan nasanay na ako at tangi ko nalang ginawa ay ang tangapin. diko kailangan mag invest ng luha at feelings kung hindi para sa akin ok lang. hanap ulit.
kung ayaw mo sa akin ayaw ko rin sayo. hindi ako mapilit. sabi ko nga madali akong magtampo lalo na kung diko alam kung ano ang mali ko.
Nang makarating na ako sa Bording house ay napahiga nalang ako sa kama ng tahimik. sumasakit ang ulo ko. kailangan kong makahanap ng panibago na namang trabaho.
Nang kunin ko ang phone ko ay ang mga messages kaagad ni Sir ang bumungad sa akin. nagtatanong kung nasan ako, na puntahan ko daw sya, kausapan ko sya, magreply ako. tsskk ang dami na nyang masasamang salita na binitawan at naipon yun dito sa dibdib ko tapos may gana pa syang makipagkita. nasasaktan din ako hindi ako manhid. pinagpasensyahan ko na nga lang sya ng sabihan nya akong nakipagflirt.
Nagtext ako kay Ron at nagpatulong makahanap ng trabaho.
Swerte naman at may bakante na doon, yun nga lang for Christmas season lang dahil magdi-december kailangan ng karagdagang cashier sa dami ng mamimili.
sa Toy store nagtatrabaho bilang sales man ito. bagong trabaho nya rin ito. ang aaplayan ko ay Cashier. sanay na rin naman ako sa pagkacashier dahil dati akong cashier sa Isang kilalang Department Store at Grocery store.
niligpit ko ang gamit ko at nagpaalam sa land lady kakaunti lang naman ang gamit ko kaya hindi ako nahirapan.
"dito ka nalang, ikaw na nga lang ang lagi kong kasama dito iiwan mo pa ako" kita ko ang lungkot sa mukha at boses nito. tinapik ko ang balikat nito
"hindi pwede, kailangan ko ring maghanap ng panibagong trabaho, wala naman akong mapapala kung tatambay lang ako dito, wala akong income magbabayd pa ako ng upa"
"akong bahala sa upa. ihahanap kita ng trabaho. doon sa bago kung papasukan magtatanong ako baka may bakante" sabi nito na parang naiiyak na. nalulungkot rin naman ako dahil mabait naman ito.
sa huli wala rin itong nagawa ng magpaalam ako. hiningi nalang nya ang number ko dahil ililibre daw nya ako sa unang sahod nya.
parang kilan lang masaya ako sa bagong pwesto ko sa parking tapos ngayon wala na, nga nga na ako. panibago na namang pakikisama. panibagong trabaho.