Thea's POV
Nang dahil sa nangyari noong nakaraang araw ay inilipat sya ng pwesto ni Mam Jovy ng makabalik na ito galing sa supension. as usual galit na naman ito sakin. may bago paba? ako lagi ang sinisisi eh.
hindi ko na rin naman nakita pa ang boss ko na pumupunta pa sa parking at wala na rin syang balita dito. mas okay sa kanya yun para matahimik na sya. isang pagkakamali nalang nya tsugi na sya.
iniiwasan na rin nya ito kaya mas pinili na rin nya ang boring na pwesto upang hindi na ito makikita pa dahil sa may kalayuan na ang pwesto ko sa Hotel nya.
isang lingo lang sya dapat sa pwesto nya sa 4th floor ng isang Telecom company rin at sa baba naman ay Department store at kainan.
ang pwesto nya na iyon ay para sa mga call center na parkers lamang kaya kakaunti lang ang pumupunta roon. pero kapag naman nagustuhan sya ng mga security sa building na iyon ay pwede rin nilang irequest na mananatili syang parking attendant doon. hindi ito kalakihan kaya mag isa lang sya sa pwesto. sa kanya ang entrance at exit.
yun nga lang dahil nasa 4th floor sya kailangan nyang itawag sa radyo ng security na nakabantay sa entrance sa baba kung may bababa at ganun din ang ginagawa nila. itatawag sa kanya kung may aakyat para hindi ako magpapababa ng parkers upang maiwasan ang anumang aksidente dahil one way lang ito.
nag enjoy sya sa bago nyang pwesto dahil kakaunti lang ang parkers kaya lang minsan hindi maiiwasan na naboboring din sya dahil wala syang kausap at hindi pa sya sanay sa pwesto nya kaya naninibago sya at medyo madilim sa pwesto nya dahil walang man lang bintana at lalo na kung may isang ilaw pa na nasira. kaya minsan mas gusto nya ang pang umaga na shift dahil hindi masyadong nakakatakot.
kapag brownout talagang abot-abot ang dasal nya dahil sa sobrang takot. ang sabi pa ng ibang matagal na doon na may nagpapakita raw na multo doon at ang sabi pa ay sa elevator ito nagpapakita minsan kaya hindi nya maiiwasan na matakot lalo na kung gabi ang sked nya.
Meron ding minsan walang umaakyat o mag a-out na parker. buti nalang may pumupunta na janitor or di kaya ang technician pero saglit lang.
nagkakaroon lang din sya minsan ng kausap kapag dumating ang breaktime releaver nya. sa layo ng pwesto nya ay dinadala nalang nya ang baon nya sa pwesto dahil kung hindi, mauubos lang ang oras nya sa kapaparoo't parito na hindi pa nakakakain. pero bawal talaga kaya ang ginagawa nya dati ay bago sya mag i-in sa trabaho ay iniiwanan nya sa guard sa baba na kapartner nya ang baon para hindi makita ng security na maghahatid sa kanya.
Hangang sa umabot sya ng dalawang linggo sa pwesto nya dahil yun ang request ng mga security guards sa Visor namin na ako ang parking attendant doon dahil masarap daw akong kasama sa trabaho. if i know gusto lang nila akong kausap sa radyo kaya gusto nilang nandoon ako. noong first time ko pa doon nagagandahan daw sila sa boses ko kaya nong hindi sila nakatiis ay umakyat ang mga ito para malaman kung ano ang itsura ko. mga flirt din ang mga ito at baka may mga asawa na. tsskk
madalas nila akong hinahatiran ng pagkain na binibili pa sa fastfood sa baba kaya minsan nakakatipid ako sa baon dahil alagang alaga nila ako.
hindi na rin ako gaanong inaantok sa pwesto ko dahil madalas nila akong kinakausap sa radyo.
pinapakisamahan ko na lang din kasi ang sabi ng kapwa ko attendant kapag hindi sila gusto ng security ay hindi sila kinakausap at nagpapaakyat ng sasakyan na hindi pinapaalam sa attendant. tapos kapag tinatawagan dahil may bababa na parkers hindi naman sumasagot kaya nagkakasalubong anf mga sasakyan, kaya ang ending katakot takot na sermon at memo galing sa mga parkers at admin kapag may nagrereklamo.
"Mam divine, mam divine?" kinuha ko ang radyo ng magsalita ang security
" 10-2 chief" sagot ko ibig sabihin malinaw. divine kasi ang tawag nila sa attendant
"incoming one black 10-45 Furtuner mam divine, 10-28 is Papa, Oscar, Quebec 2**" sabi ng kabilang linya. may aakyat daw na sasakyan at cinabi ang plate number
may bigla namang huminto na motor sa gilid ko at nagbayad
"two 10-45 na mam divine white ang isa, 10-28 is Tango, Xray, Kilo 4**...incoming"
"Copy chief, after that standby muna. may outgoing din ako one MC Delta, India 0***" sagot ko
"10-4, 10-4 Mam Devine" sagot nito
nang makarating na ang dalawang sasakyan ay binigyan ko ng card bawat isa at pinayagan ko na ring bumaba ang motor.
Ang mahirap lang naman sa ganitong trabaho kapag brownout dahil ticket ang gamit at mano mano mong bibilangin ang oras na babayaran nya. kapag friday to sunday lang ang flat rate o fix rate pero kapag ibang araw ay bibilangin talaga ang oras na nagamit nila.
napatingin ako sa relo ko ng mapansing malapit ng mag 10pm. inaantok na naman ako. hindi kasi ako gaanong nakatulog kanina dahil maingay ang kasama ko sa kwarto at mainit pa sa tinutulugan ko. natigil ang pag iisip ko ng may nagradyo ulit
"Mam divine, mam divine"
"10-2 chief"
"positive naba dyan ang foxtrot?"
"10-9?, 10-9?" ibig kong sabihin ay pakiulit
"positive naba dyan yung pinapahatid ko kay Greg na Foxtrot?" ibig sabihin nya ay may food na darating. lumilinga-linga ako sa paligid at nakita ko naman ng bumukas ang elevator at lumabas ang matangkad na lalaki na naka black uniform na pang security
"10-4 chief, positive nandito na si Chief Greg" sabi ko sa radyo
"happy eating" sabi nito at tumawa
"luh! parati nalang kayo gumagastos, nakakahiya naman Chief"
"ok lang mam divine para dika mapagod"
"salamat chief, gumastos kana naman. may Papa naman ako kaso diko dala dhil bawal" patungkol sa pera at papa ang tawag namin dito
"welcome mam divine nandito naman ako, ako nalang ang papa mo" sabi nito at tumawa. kung boyfriend ko lang ito ay kikiligin na ako. umiling nalang ako.
"baliw, huwag ka ng gumastos sakin, nababawasan tuloy ang sahod mo" biro ko dito. nakakabiruan ko na kasi ang mga ito kaya sanay na sila sakin.
"oks lang yan mam divine nag aambagan naman kami kaya no probs," tsskk kulit, nakakahiya naman nag aambagan pala sila para sakin.
"salamat ulit chief ah" sabi ko at pinatay na ang radyo. hinarap ko naman ang naghatid ng pagkain ko.
"Mam divine, kumusta?" sabi ni Chief Greg
"okay lang po" Sagot ko dito
"wala pa ba ang kapalitan mo?" tanong nya sakin
"wala pa chief. malamang panghuli na naman akong ma assist nito kasi malayo ang pwesto ko" nakanguso kung sagot
"baka malipasan ka ng gutom nyan" sabi nito at ngumiti. may dala din itong radyo. may itsura din naman ito at malinis manamit at halatang mabait din. nagpapasalamat ako at ang babait nila lahat sakin kaya hindi ako nahihirapan sa trabaho ko.
"ok lang Chief one hour nalang naman uuwi na ako." sabi ko at tinanggap ko ang binigay nya saking pagkain
"ako nalang muna ang bahala sa parkers, magbreak kana, dyan ka nalang kumain sa booth mo" suggest nito. okay naman ang suggestion nya at naiintindihan ko dahil concern lang sila sakin. kaso bawal magdala ng pagkain sa pwesto, bawal kumain sa booth at bawal pahawakan sa iba ang pwesto mo lalo na at may pera na involve kaya tumanggi ako ang sinabi ko nalang ay sa locker ko na kakainin yung dinala nya.
"baka malipasan ka ng gutom nyan mam divine"
"ok lang chief d pa naman ako gaanong gutom, totoo bang nag aambagan kayo para sa pagkain ko?"
"taga deliver lang ako. pinapabigay yan ng boss namin"
"boss nyo? sino? ibig sabihin hindi ito galing sa security"
"hindi, nong una nag aambagan kami, pero nong nalaman ni boss sya na ang nagbibigay" pagtatapat nito
"sino ang boss nyo?" usisa ko dito. kinakabahan na naman ako at baka pinagtitripan na naman ako ng amo ko.
"makikita mo din sya balang araw" sabi nito at nakangiti. bakit kaya ayaw nalang nya sabihin? binibitin pa ako.
umalis na si Chief Greg pero nanatili pa rin ako sa pwesto na nag iisip.
dumating ang kapalitan ko pero tumangi na akong magbreak tutal half our nalang at endorsement na namin. sa locker nalang siguro ako kakain.
dumating ang security na susundo sakin kasabay nya ang kapalitan ko kaya bumaba na ako para pumunta sa Admin. pinaalam ko rin sa security na binigyan ako ng pagkain ng security upang maiwasan ang issue dahil nga wala naman akong dalang pera pero bakit ako may pambili. gawain kasi ng mga attendant dati ang mangupit kaya naghihigpit na sila sa mga attendant.
Pagdating ko sa Admin ay naabutan ko na rin doon ang iba kung kasamahan na nagbibilang at gumagawa ng report. napatingin sila sakin pero diko nalang pinapansin at alam kong mga plastic ang mga kasama ko ngayon.
Abala ako sa pagbibilang ng marinig kong nagkukwentuhan ang mga kasamahan ko.
"alam mo girl, pumunta raw dito si boss kanina sayang hindi natin naabutan" bigla akong huminto sa pagbibilang at pinapakinggan ang usapan nila.
" talaga? bakit daw? Thea may nagawa ka na naman bang kasalanan?" tanong ni Chona sakin na nakataas ang kilay. pinaikot ko ang mata ko sa inis at umiling ako sa tanong nya. eh wala naman talaga akong alam
"kinuha lang nya ang sked ng mga attendant tapos umalis na, tigilan nyo na angvpagtsi-tsismisan, bilisan nyo na" dinig kong sabi ni Sir Anthony
"talaga? first time yun ah na inaalam nya ang sked natin ah" sagot pa nong isa na katabi nya
hindi ko na sila pinakinggan at ipinagptuloy nalang ang ginagawa. hindi ko pa rin maalis sa isip ko kung bakit inalam ni Sir ang sked namin. sabagay sya naman ang amo namin kaya karapatan nya parin yung alamin. pero sino naman kaya yung nagpapadala sakin ng pagkain? nahihiwagaan na talaga ako sa mga tao dito.
Pagkatapos kong gumawa ng report ay nag out na ako ng makita kung 11:30pm na. nagpunta naman ako sa locker at ipinatong ko ang pagkain sa lamesa. umupo ako sa isang upuan at binuksan ang pagkain na inabot sakin ni Chief Greg. isang kanin at 1 piece chicken, spaghetti at softdrinks. napapangiti nalang ako ng maamoy ko, mmm nakakagutom. gutom na ako kaya inumpisahan ko ng kainin nang biglang may nagsalita sa likod ko
"iba talaga kapag magaling kang dumiskarte nakakalibre ka ng pagkain" boses pa lang alam ko na kung sino ito. hindi ko nalang pinapansin at patuloy lang ako sa pagsubo dahil gutom ako.
"ganun talaga girl, sa panahon ngayon kailangan magaling kang dumiskarte, ganda at katawan lang ang puhunan" sabi pa nong isa
"tsskk. mas maganda pa ako dyan, malay mo pinapakitaan nga ng katawan" nagpanting ang tenga ko sa narinig kaya marahas ko itong nilingon at tiningnan ng masama. naka cross arm ito at nakangisi ng nakakaluko habang nakataas ang isang kilay. tinaasan ko rin ito ng kilay at nilapitan.
"kung naiingit ka, dumiskarte ka rin hindi yung nag paparinig kapa" sabi ko ng makalapit na ako.
"no need girl may pera ako, at hindi ako naiingit sayo"
"oh talaga, so bakit kailangan mo pang magparinig kung hindi ka naiingit? gawain lang kasi ng isang inggeterang nilalang ang magpaparinig..at hindi ko ito hinihingi, kusang binibigay ng boss nila yung pagkain. kung wala kang magandang sasabihin manahimik. excuse me.., gutom ako, baka ikaw pa ang kakainin ko kapag hindi mo itikom yang bunganga mo" kalmado kong saad dito at bahagyang nginitian ng nakakaluko sabay tinalikuran. may binagsak ito at nagdadabog pero hindi ko na pinansin pa. mamatay ka sa inggit.
mga tao talaga walang magawa sa buhay. gumagawa nalang ng isyu.
sunod sunod ang ginawa kung pagsubo at sa pagkain ko nalang ibinuhos ang inis ko.
wala si Jana ngayon dahil ginawa itong pang umaga kaya wala akong kakwentuhan.
"Thea pauwi ka na ba?" napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang boses ni Mark
"kumakain pa ako eh, hapunan ko" sagot ko dito at ipinagpatuloy ng kumain.
"late dinner na yan ah, midnight snack na yan" tumango ako
"hmm.."
"tsskk..sige tapusin mo na lang yan, hintayin nalang kita" sabi nito at itinukod ang kamay sa lamesa habang nakatunghay sa akin.
"huwag na mamaya pa ako uuwi. anong oras na oh hihintayon mo pa ako?"
"kaya nga hihintayin kita kasi gabi na delikado sa daan. medyo madilim pa naman yung daanan" seryoso nitong saad at umiiling iling
"tssk kaya ko ang sarili ko. at tsaka wala akong pambyad for my personal bodyguard" biro ko dito
"tsskk body guard ka dyan. nagmamalasakit lang. baka kasi mapahamak ka sa daan" sabi nito at lumabas. napailing nalang ako sa kakulitan nito habang tinitingnan ito papalabas. doon na siguro ako hihintayin nito.
kahit naman tatanggi ako ay mamimilit pa rin ito kaya hindi na ako nagrerekklamo pa. nagsiuwian na rin ang mga kasama ko at kami nalang ang naiwan kaya binilisan ko ng kumain pagkatapos ay nagpalit ng sapatos at kinuha ang bag ko sa loob ng locker tsaka sinarado ito.
bukas nalang siguro ako maglalaba ng uniform ko dahil gabi na at gusto ko na ring ipahinga ang katawan ko. sana tanghali na ako magigising bukas para medyo mahaba ang pahinga ko.
"let's go?" tanong ni Mark ng makalabas ako ng locker room. tumango naman ako at naglakad na kami palabas ng parking. sa south entrance kami dumaan palabas ng hotel Condominium building ng boss ko.
Nagkukwentuhan kaming dalawa habang naglalakad ng mapatingin ako sa waiting area kung saan nandoon ang hagdanan at elevator.
bigla akong kinabahan ng maaninag ko ang isang bulto ng taong nakatayo at naninigarilyo. nakasandal ito sa salamin na dingding. kahit medyo malamlam ang ilaw doon pero nakikilala kopa rin kung sino ito. nakatingin ito sakin kaya biglang bumalong ang takot sa aking dibdib. kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig nya sakin. sa totoo lang kung hindi ko lang ito boss ay pagdududahan ko na syang serial killer. kakaiba kasi sya kung tumingin sakin at nakakuyom pa ang kamao eh wala naman akong ginagawang masama.
umiwas ako ng tingin at diritso lang ang lakad at hindi ko ipinahahalatang kilala ko sya. ang kasama kong si Mark ay walang kaalam alam sa nakita ko dahil daldal parin ito ng daldal hangang sa malagpasan namin ito.
nagtatayuan na naman ang balahibo ko sa batok. pakiramdam ko kasi nakakatitig parin ito sa likod ko. pilit ko nalang dine-deadma iyon malay mo tumambay lang sya doon at nagpapalipas oras. ayokong maging assuming no. sana wala itong bagong isyu na ipupukol sakin bukas.