Thea's POV
"Magbiro ka nalang sa lasing wag lang sa bipolar at praning" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako papunta sa elevator
nakita ko naman itong nakayuko habang nakapameywang ang isang kamay at ang isang kamay naman ay hinihilot ang sintido.
mukhang matindi ang nagawa kong problema at na stress ito ng todo.
Tumikhim ako para malaman nitong dumating na ako. napatingin naman ito sakin na nakakunot ang noo kaya bigla napalunok ako ng wala sa oras. halatang pagod na pagod ito. natutulog pa ba ito?
bumuntong hininga ito ng malalim na tila ngayon lang nakakahinga ng maluwag
"bakit mo nagawa yon?" tanong nya sakin sa mababang tono. saglit akong natigilan pero ng makabawi ay tumingin ako dito
"bakit nyo rin po nagawa yon SIR?" sabi ko at sumamangot. pinag diinan ko pa ang sir.
"just answer my question first" malamig nitong tugon
"dalaga naman ako, bakit masama ba na sasabihin kong mamamasyal ako at maghahanap ng-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng marahas itong napatingin sakin at naniningkit pa ang mata na tila gusto na aking durugin kung magsasalita pa ako. natigilan ako at bigla kong napigil ang aking paghinga
"huwag na huwag mong gagawin yan, kung ayaw mong mag iiskandalo ako dito sa parking" napataas ang aking kilay sa narinig. mag iiskandalo sya sa sarili nyang balwarte?. kaloka. nang magkaroon ako ng lakas ng loob ay sinalubong ko ang mga mata nitong isa na rin sa asset nito. kainis nakakatunaw
"ano po ba itong ginagawa nyo,? matindi pa kayo sa Tatay ko kung makapaghigpit eh Tatay ko nga hinahayaan nga akong makipagkaibigan at magpaligaw. eh kayo po ang daming bawal....may pang mamanyak pang kasama" dugtong ko pa sa mahinang boses at lumunok. pinindot nito ang open button ng elevator at
marahas akong hinawakan sa palapulsuhan. hinila nya ako papasok sa elevator
bigla namang umusbong ang galit sa aking dibdib sa ginawa nito kaya hinablot ko ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaya naiiyak na ako sa sakit
biglang nag init ang sulok ng aking mga mata kaya napahikbi ako.
bigla naman itong lumingon ng marinig nya ang hikbi ko. binitawan nya ang kamay ko at biglang lumambot ang mukha nito at lumamlam naman ang mga mata nito na tila naaawa sa akin
"i-i'm sorry sweetheart, please don't cry na, shhh" alo nito sakin at hinawakan ang pisngi ko. tinitigan nya ako at hinalikan ang aking noo.
ngunit kahit ganon ay patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha. hindi ko na kasi alam kung ano ang nararamdaman ko. galit sya sa hindi ko malamang dahilan tapos heto na naman sya pinapagaan ang loob ko.
pagkatapos nya akong halikan sa noo ay lumayo ako sa kanya.
bumukas ang elevator kaya nauna na akong lumabas doon at diri diretsong naglakad.
sh*t hindi ko pala to bahay. kung mauuna ako eh wala naman akong susi. wala akong ibang choice kung hindi huminto sa harap ng pintuan at antayin itong buksan nito. dinig ko namang bumuntong hininga ulit ito at binuksan ang pinto.
agad akong pumasok ng bumukas ang pinto. papasok na sana ako sa kwarto ko para makapagbihis ng magsalita ito.
"Thea, sorry na, please don't get mad at me na" panghihingi nito ng tawad at halatang pagod na ang boses nito. hindi ako lumilingon pero dahil ayaw nyang makita ang mukha kung nag uumpisa na namang mahilam sa luha. nanatili pa rin akong nakatalikod dito.
"i'm just protecting you, i promised your father that i will take care and protect you habang nandito ka. kaya please...wag mong mamasamain ang ginagawa ko" kumirot bigla ang dibdib ko. dahil pala sa Papa ko kaya nya ginagawa ito? kaya ba ang bait nya sakin? natawa nalang ako ng mapakla at marahang lumingon dito. pinunasan ko ang mata kong puno na ng luha. pinalakas ko ang loob ko na anumang oras ay bibigay na sa sakit nito.
"alam nyo po SIR, hindi na kayo dapat nagpromised pa ng ganun sa Papa ko. hindi nyo po ako kaano-ano para pakitaan ng concern at kabaitan. nakaya ko pong mabuhay mag isa dito sa Maynila na walang kamag anak na nagpoprotekta at nag aalaga sakin. hindi nyo po dapat gawin ito. hindi nyo ako kargo at responsibilidad. kaya pwede po bang huwag nyo nang panghawakan ang promised nyo kay Papa. nasasakal na ako eh. excuse me po, magpapahinga lang ako" sabi ko at tumalikod na. naiwan naman itong lulugo lugo na halatang hindi makapaniwala sa binitawan kong salita at tila pasan ang buong mundo sa bigat ng dinadala nito. nakakaawa ang itsura nito pero ayoko namang akuin nya ang responsibilidad sa pag aalaga sakin. ano ako bata na kailangan pang alagaan?
hindi naman na ito muling nagsalita pa at hinayaan lang ako pumasok sa kwarto.
Agad akong nakatulog pagkapasok ko sa kwarto. nagising nalang akong madilim na kaya napabalikwas ako ng bangon. nakauniform pa pala ako. tumayo ako at naligo. pagkatapos ay nagbihis na ako. nilabhan ko ang uniform ko at mga damit kung marurumi sa banyo ko. may isang uniform pa naman akong maisusuot bukas.
Pagkatapos kung labhan ito lahat ay isinampay ko na ito sa balkonahe ko na karugtong lang ng kwarto ko. may maliit kasi akong sampayan doon.
Pagkatapos kong magsampay ay lumabas ako ng kwarto.
tahimik yata. umalis ba sya o tulog? sinilip ko ang veranda pero walang tao.
pinakiramdaman ko ang kwarto nya pero parang tahimik naman. umalis siguro.
Pumunta nalang ako sa kusina para magluto ng hapunan. nagluto nalang ako ng adobong Baboy.
tiningnan ko ang oras at alas nwebe na pero wala pa rin ito. nag alala tuloy ako. first time kasi itong mangyari sa ilang araw kong nandito. nasanay akong nandito na ito sa ganitong oras.
napadesisyunan kong mauna nalang kumain. magbabaon nalang ako bukas para hindi na ako mahihirapan pa pagdating ng tanghalian.
ABALA ako sa pagsusulat sa logbook ko ng biglang bumukas ang barrier kaya naalerto ako. napatingin ako sa sasakyang itim na papalabas. tinted ang salamin nito kaya hindi ko nakikita ang nasa loob pero biglang sumikdo ang puso ko. kilala ko kasi kung kaninong sasakyan ito. ito kasi lagi ang sinasakyan namin kapag sinasama nya ako.
bigla namang kumirot ang puso ko ng humarurot ito paalis. hindi man lang huminto saglit. galit ba sya sakin? dapat nga ako ang magalit sa ginawa nya kahapon.
napailing nalang ako sa naisip.
anong oras kaya sya dumating kagabi. hindi ko na kasi ito hinintay pang dumating dahil kailangan kong gumising ng maaga kaya hindi na ako nagpuyat.
MULA ng mangyari iyon ay hindi ko na ito nakikita pa. hindi ko sure kung umuuwi pa ito sa Penthouse nya o hindi na. hindi na rin ito nagtetext o tumatawag pa. ito naman ang gusto ko diba ang walang nangungulit sakin? pero bakit hinahanap hanap ko ang kakulitan nito.
ang tawag nito
ang pag iintindi nito at pag aalaga
ang pasimple nitong pangmamanyak
at ang presence nito...haisst
Thea, hindi dapat diba? naalala mo ba ang sinabi nyang ginagawa nya lang ito dahil sa pangako nya sa tatay mo?
don't expect too much kasi.
Sa totoo lang nag uumpisa ng magduda ang mga kasamahan ko pagpasok ko kinabukasan after nong mangyari yon. kakaiba kasi ang mga titig nila. pero ng hindi na ito nagpapakita sa parking ay nawala at naglaho nalang ang tsismis. natahimik na rin ako. pero hindi ang puso ko.
Araw ng sabado kaya napagdesisyunan kong maglaba ng damit nya pag uwi ko pagkagaling ko sa work. nagrequest kasi akong linggo ang day off ko. buti at pumayag si Mam Jovy. good thing na hindi nito sinasarado ang pinto kaya malaya akong nakakapasok sa maganda nyang kwarto. naiiwan pa ang amoy nito sa loob ng kwarto na kay tagal ko ng na missed.
Naglinis din ako ng Penthouse nito pagkatapos kong maglaba. alas singko na ako natapos kaya pagod akong napaupo sa living room. hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako.
madilim na ng magising ako. pero napakunot ang noo ko mapansing may...kumot na ako? hindi ko maalalang nagkumot ako kanina. ang naalala ko ay umupo lang ako tapos..
tiningnan ko ang oras dahil madilim na sa paligid. alas syete na ng gabi? tsskk hindi pa ako nakapagluto.
dali dali akong tumayo at binuksan ang ilaw sa kusina para magluto ng hapunan. ngunit nagitla ako ng mapansing may pagkain na sa lamesa na nakatakip.
napakunot ang noo ko. sya ba ang nagluto nito? ibig sabihin nandito sya? sya kaya ang naglagay ng kumot salin? pero bakit ang tahimik ng paligid?
'baka tulog na siguro ito sa kwarto nya' bulong ko sa sarili ko
pumunta ako sa Veranda para magpahangin. maliwanag naman ang buwan kaya hindi ko na binuksan pa ang ilaw. napansin ko namang may bultong nakaupo sa sofa kaya nagulat ako. kunot noong inaaninag ko kung sino ito.
Nang mapansing may hawak itong baso at may bote sa lamesa ay tsaka ko lang ito nakilala. umiinom sya?. kanina paba syang dumating?
para namang biglang sumigla ang puso ko ng makita ito muli.
tumikhim ako para malaman nito na nandito ako.
lumingon naman ito ng mapansin ako kaya lumapit ako at umupo sa tabi nito. nakapambahay na ito pero yung amoy nya sh*t. namissed ko ito. na missed ko sya
"gusto mo naba talagang mangupahan?" bungad nito sakin kaya napalingon ako sa kanya. God namissed ko ang boses nya, halatang may tama na ito dahil sa ininom nitong alak.
"ahm y-yun naman talaga ang dapat diba?" mahina kong saad dito. gusto ko syang yakapin at makulong muli sa mga bisig nya pero nahihiya ako.
bumuntong hininga naman ito. matagal bago ito nagsalita. wala rin naman akong maisip na sasabihin dahil parang may busal ang bibig ko.
"may nakita na akong apartment, safe ka doon at malapit lang dito kaya hindi ka na mahihirapan pa" sabi nito at tinungga ang laman ng baso nito. natigilan ako sa sinabi nito. sya na ang naghanap para sa akin? bakit di nya ako sinama? makakaalis na ako dito, malalayo na ako sa tukso? pero bakit nalulungkot ako?
"ahm s-sa" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ito muli
"bukas ihahatid kita doon. napalinisan ko na rin yon kaya hindi kana mapapagod pa, kumain kana ng hapunan may hinanda na ako sa lamesa pagkatapos ay matulog ka ng maaga. maaga tayong aalis," malamig nitong tugon at tinalikuran na ako. nakatingin nalang ako sa likod nitong papalayo.
pumasok na ito sa loob pero hindi pa rin ako makagalaw sa aking kinauupuan. parang may tumarak na patalim sa aking dibdib. malamig na ang pakikitungo nya sakin.
biglang uminit ang gilid ng aking mga mata. diko napigilan ng sunod sunod ng kumawala ang aking mga luha. pinunasan ko ito ngunit ang taksil kong mga luha ayaw makisama.
nagtagal ako ng dalawang oras sa labas.
mamimiss ko ang lugar na ito.
mamimiss ko rin sya.
ganun pa rin kaya ang pakikitungo nya kapag nakaalis na ako dito? malamang hindi na kasi malamig na nga ang pakikitungo nya sakin ngayon.
bakit ba ako affected?
bakit ba ko nasasaktan?
wala namang kami, wala! tikim tikim lang. haistt kainis naman kasing pusong to!