Chapter 25 Pamilyar na amoy

2336 Words
Thea's POV Nang makapasok ako sa loob ng Apartment ay inilibot ko ang aking tingin sa paligid. katamtaman lang ang laki nito pero kompleto na sa gamit. may maliit na kusina, may CR at isang kwarto, ang foam ay nakalapag sa floor pero may kalakihan ito. may built in Cabinet rin. napatingin ako sa bintana ng kwarto ko. nakaharap ito sa kalsada at sliding ang salamin ng bintana. nasa second floor ako kaya kita ko ang mga dumadaan na mga sasakyan sa baba. lalagyan ko nalang ito ng kurtina para hindi masyadong maliwanag kapag natutulog ako. napabuntong hininga nalang ako maganda ang apartment na ito pero bakit parang mayroong kulang. napansin ko ang kusina na may mga gamit na rin na tig ilang piraso lang. kompleto na lahat at wala na akong bibilhin pa kundi pagkain nalang. sya kaya ang bumili ng mga ito? hindi pa rin nya ako pinapabayaan kahit malamig na ang pakikitungo nya sakin. napangiti nalang ng mapait. Naalala ko kanina nong hinatid nya ako, nakaramdam ako ng lungkot ng ihatid nya ako pero hindi ko nalang ito ipinahalata. nagpasalamat nalang ako sa kabaitan nito at ang pagtulong sakin. hindi man lang kasi ito bumaba ng sasakyan. Nang tingnan ko nga ang mukha nito ay malungkot ito pero hindi naman nagsasalita, ni ayaw tumingin sakin. gusto ko syang halikan at yakapin ng mahigpit pero baka iba ang iisipin nya. Wala naman akong pasok ngayong araw kaya iaayos ko nalang itong mga gamit ko. pagdating ng tanghali ay tapos na akong mag ayos kaya nakapangalumbaba nalang ako sa kusina. Nang makaramdam ako ng gutom ay nagluto nalang ako ng pancit canton dahil wala pa kasi akong stock na grocery. nilapag ko ang plato na may pancit canton sa maliit na lamesa at umupo na sa upuan. bigla naman akong nakaramdam ng kahungkagan. bakit ang lungkot mag isa? ngayon lang ito nangyari na mag isa ako. nasanay akong may kasama sa apartment o kwarto pero ngayon ramdam ko ang kalungkutan. wala man lang akong makausap. tahimik ang buong paligid. tumulo ang luha ko ng makaramdam ako ng sakit, parang nagsisikip ng dibdib ko. ang totoo ok lang naman kasi kahit mag isa lang ako dito, ang ikinakalungkot ko lang ay namissed ko sya, hindi na sya nagpapakita, baliwala na ako sa kanya kaya lalo akong nasasaktan. tinakpan ko nalang ang niluto kong pancit canton. nawalan na kasi ako ng ganang kumain. pumasok ako sa kwarto at humiga nalang sa kama ko. gusto kong itulog nalang ang lungkot at gutom ko. masasanay din ako nito na mag isa. Dumaan ang mga araw, linggo at bwan na hindi nagpapakita sa akin si Sir. nalulungkot ako kasi na missed ko sya. kainis naman kasi itong kumag na ito. tinuruan nyang mahulog ang loob ko sa kanya tapos wala naman pala yon sa kanya. na misinterpret ko lang pala. tinutupad lang pala nya ang promise nya kay Papa. wala naman pala syang nararamdaman sa akin. tsskk. paasa.. Upang maibsan ang kalungkutan ang ginawa ko nalang araw araw ay nag e-straight duty ako kung may absent para hindi ako malulungkot sa apartment. atleast kahit papaano may nakakausap ako sa trabaho. uuwi lang ako para matulog. minsan 3 duty pa ang straight ko. ni hindi na ako nagluluto sa apartment dahil sa labas na rin ako kumakain. Sa loob ng ilang bwan unti unti na akong nasasanay pero ang puso ko nangungulila pa rin. first time kong makaramdam ng ganito sa lalaki. is this love? kung love nga maitatawag sa nararamdaman ko kailangan ko ng mag move on. mahirap umasa sa taong walang nararamdaman. bumili ako ng maliit na component para may ingay lang kahit paano sa loob ng apartment. kapag matutulog na ako ay binubuksan ko ang sounds para magpatugtog. tapos papatayin ko nalang kapag aalis na ako. "good evening chief" bati ko sa Radyo. dito kasi ako ina-sign ni Mam Jovy. namiss ko rin ang mga kakwentuhan kong mga guard kaya excited akong magduty. "good afternoon, 10-11 Mam Divine?" walang gana nitong sagot, tskk parang ayaw yata akong makausap nito "Thea Chief" "Thea?" gulat nitong tanong "10-4 chief, musta?" sabi ko at ngumiti "ikaw ba talaga yan Mam Divine? "si Thea ba talaga yan, yung maganda?" "Hi Thea," "gaganda na ang araw ko nito, bumalik na si Mam divine" napapangiti nalang akong nakikinig sa usapan nila sa Radyo "buti nakabalik kana Mam Divine, ayoko kasi sa mga kasamahan mo" napangiti nalang ako at umiling. saglit kong nakalimutan ang problema ko dahil kahit papaano may nakakausap ako at nagpapangiti sakin. "magugulat si Bossing Silva nito mga chief" saad pa nong isa. oo nga pala, kumusta na kaya si Jameson? "Mam Divine, ano ang request mong pagkain para mamayang gabi?" saad nong isang guard. nagulat man ay umiling nalang ako. animo nakikita ako ng kausap ko "huwag na po, kakahiya naman kay bossing nyo, bibili nalang ako mamaya" tanggi ko. nahihiya kasi ako kay Jameson. "ano ka ba Mam Divine, that's fine, si Bossing pa. malakas ka don eh" napangiti nalang ako "Oo nga Mam Divine matutuwa yon" "Mam Divine bibisita kami dyan mamaya para masilayan man lang namin muli ang iyong kagandahan" "tsskk puro kayo kalukuhan, " May huminto naman na isang kotse at motor kaya itinawag ko sa kanila "teka lang, may outgoing ako, 1 VC, 10-28 is Alpha, Juliet, Hotel 3** white and 1 MC- Delta Charlie 2***. "copy Mam Divine" sabi ng kabilang linya kaya pinayagan ko ng bumaba. Masaya na ulit ang araw ko kasi nalilibang na ako. pagkalipas ng ilang oras ay may biglang naglalakad sa likuran ko at nagulat ako ng kalabitin nya ako. kaya humarap ako "hindi to multo" sabi nito na bahagyang nakangiti ng makita nya ang mukha kong tila namumutla na sa takot. "Sir Jameson?" ngumiti ito na hindi nakalitaw ang ngipin ng makilala ko sya "nakabalik kana pala hindi mo manlang ako pinuntahan" nagtatampo nitong saad "pasensya na lagi kasi akong straight at tsaka sa ibang area ako na-a-assign." tumango naman ito "kilan kapa nandito?" "may 4 months na rin" nagulat naman ito sa sinabi "4 months na? tapos ngayon ka lang nagpakita. kung hindi sinabi ng tauhan ko, hindi ko malalaman na nandito kana pala" nakataas ang kilay at seryoso nitong saad. "sorry na," umiling naman ito at inirapan ako "buti nakabalik ka na. paano ka nga pala nakabalik, diba tinangal ka na ng Guevarra na yun?" bigla namang may gumuhit sakit sa aking dibdib ng marinig ko ang pangalan nito "pinabalik ako ni Sir Louie" napataas naman ang kilay nito na tila hindi makapaniwala "really? how come, eh walang puso yung taong yon? kunting pagkakamali nga lang tinatangal na nya tapos ngayon sya pa ang nagbalik sayo?" "pinuntahan nya ako sa Pampanga after nong New Year." napanganga ito sa gulat at umiling na natatawa "may tama na yon sayo" komento nito. natawa naman ako kaya pinalo ko ang braso nito ayokong maniwala at umasa. masakit umasa sa wala. "wala ka pang breaktime?" tanong nito sakin. umiling naman ako. tiningnan ko ang oras. alas singko na. maya maya ay nakita ko na si Lyn na palabas ng elevator. "oh nandito na pala ang kapalitan mo. tara sa baba, kain tayo" yaya nito sakin kaya tumango nalang ako "hello po Sir..sino sya Thea?" bulong ni Lyn sakin. ibig sabihin hindi sya kilala ng mga attendant dito? "Sir Jameson Silva... Sir si Lyn po breaktime reliever namin." pakilala ko sa kanila "Silva? parang-" "sya ang may ari ng building na to?" sabi ko. namilog ang mata nito sa gulat at tuwa "talaga po, naku sa wakas po nakilala ko na kayo, kaya pala pamilyar ang mukha nyo at pangalan nyo. nakikita na po pala kayo sa TV" tumango naman si Sir at tipid na ngumiti lang. may pagkasuplado talaga to. parang si-..hayyy erase..erase.. "kakain lang kami sa baba, ikaw na muna ang bahala sa kaha nya" seryosong bilin ni Sir Jameson kay Lyn. tumango naman si Lyn na nakangiti at nagniningning pa ang mga mata. napailing nalang ako at tinalikuran na ito. Patapos na kaming kumain ng tanungin ako ni Sir Jameson. "ayaw mo bang lumipat ng trabaho? pwede kitang gawing Secretary" napatingin ako sa kanya sa gulat. "naku! wala naman akong experience sa ganong trabaho. baka mahirap yan" ani ko at sumubo. "lahat ng trabaho mahirap sa umpisa pero lahat ay napag aaralan. at tsaka tuturuan ka naman" sabi nito na hindi nakangiti. umandar naman ang pagkapilya ko "magkano ba ang bawat ngiti mo?" tanong ko dito at tinitigan ito habsng pinipigilang ngumiti kaya tumaas ang kilay nito at pinoproseso ang tanong ko. napailing naman ito kalaunan "bakit babayaran mo ko? baka dimo kayanin" sabi nito at umiling "yabang mo, wala akong pera pero isang kiliti ko lang sayo hahagalpak ka na sa tawa malamang" napangiti naman ito sa sinabi ko st halatang natutuwa. "yan, mas lumiliwanag ang mukha mo kapag nakangiti ka, lagi ka nalang seryoso. nakakatanda kaya yon" sabi ko dito at sumimangot. natawa naman ito ng mahina. "eh bakit ikaw naman ngayon ang nakasimangot?" tanong nito na nakangiti. umiling naman ako "wala, may naalala lang ako" sabi ko at bimuntong hininga. nagulat ako ng tinotudyo tudyo ng daliri nito ang tagiliran ko. "may naalala ka ano? ano? ha?" biro nito sakin, ako naman ay todo iwas at natatawa nalang. Natigil lang kami ng may pabalyang nag usog ng upuan kaya napatingin kaming lahat doon. isang lalaki ang naglalakad palabas. bigla namang parang may nagtatambulan sa dibdib ko ng makilala ito. kahit malayo at likod nalang nito ang nakikita ko ay kilala pa rin sya ng puso ko tumikhim naman si Sir Jameson kaya bigla akong natauhan at napatingin dito. "mukhang may nabadtrip" biro nito at umiling natawa naman ako ng pilit, pero ang isip ko ay lumilipad na. naiisip ko na naman sya. nakita ko sya muli kahit likod nalang. kumusta na kaya sya? May kulang na naman sa Attendant kaya nagpresinta na akong mag straight sa pwesto ko kaya bukas ng umaga pa ang uwi ko. pinadalhan ulit ako ng guard ng pagkain ko for breaktime galing kay Jameson kaya nagpasalamat nalang ako sa kanila. pagdating ng madaling araw ay Inaantok na ako kaya napasandal nalang ako sa upuan ko at humikab. tiningnan ko ang relo ko. lalo akong napasimangot ng mag aalas 3 pa lang. walang katao tao kundi ako lang. nakakatakot at tahimik ang paligid. Napatalon naman ako sa gulat ng tumunog ang walkie talkie radio ko. grabe! papatayin ako sa nerbyos nito "Mam Divine" tawag ng kabilang linya "10-4 chief" "inaantok ka na Mam Divine?" "10-4 chief, bumabagsak na ang talukap ko" "samahan ka namin dyan Mam Divine para may ka kwentuhan ka" singit naman nung isa sa kabilang radyo "sipag mo kasing mag straight duty Mam Divine, pahinga ka din nakakasama sa kalusugan yan" saad naman ng isa na sumingit din sa usapan. napapangiti nalang ako sa pagiging concern nila "ok lang ako," inaantok kong saad "you want coffee Mam Divine?" tanong din nong isa "Chief Delfin, nahihiya yan si Mam Divine, dalhan nalang natin, para may kasama sya sa taas" nakikinig lang ako sa usapan nila at ngumingiti. kahit papaano nawawala ang antok ko sa kakulitan nila. akmang sisingit na sana ako sa usapan nila ng may isang boses sa kabilang radyo ang nakapagpatigil sa akin. "anong sabi ko sayo Thea?" mahina lang ito pero parang may babala. tila naman ako binuhusan ng malamig na tubig at napanganga nalang sa gulat. hindi kaya.. "sino yon?" tanong ni Chief Delfin "sino yon Chief Carlos?" tanong nong isa. lahat sila sa kabilang radyo ay nagtatanong at nagulat pero walang nagsalita kung sino. "mukhang may nakapasok Sa linya natin" komento ng isa. napatakip nalsng ako sa bibig at hindi makapaniwala. Hangang sa mag umaga at dumating na ang kapalitan ko ay di pa rin mawala sa isipan ko ang boses na iyon. kay tagal kong hindi narinig ang boses na iyon. kay tagal kong nangulila sa ma awtoridad na boses na yon. bakit gising pa sya ng ganoong oras? Pababa na ako ng Service namin ng mahagip ng mata ko ang mga security at si OIC Suarez na may tinutulungang lalaki na makatayo at inalalayan ito papunta sa elevator. hindi ko na sana papasinin ang mga ito at tumalikod na papuntang admin para gumawa ng report ng mahagip ng paningin ko ang damit na suot ng lalaking inalalayan nila. ito yung damit na suot ni Sir nong nakita Ko sya sa Fastfood kahapon ah. hahabulin ko na sana para kompirmahin pero nakapasok na sila lahat sa elevator. bumalik nalang ako para gawin ang report ko dahil dalawa itong gagawin ko. Habang gumagawa ng report ay binabagabag pa rin ako ng mga nangyayari. lasing ba si Sir? sya kaya yon? pero umaga na ah. at yung narinig ko na boses sa walkie talkie radio, alam kong sya yun. anong problema ng mukong na yon ginagambala na naman ang isipan ko? Papasok na sana ako ng apartment ng sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy. napakunot ako ng noo ko at nagmamadaling pumasok. napansin ko namang may tasa ng kape sa ibabaw ng lamesa. nagkape ba ako kahapon? parang hindi ko maalala. inilgay ko nalang ito sa lababo. baka nakalimutan ko lang hugasan kahapon. Pumasok na ako sa kwarto para magbihis at para makatulog na sana ng maamoy ko na naman ang pamilyar na amoy. putik..buhay pa naman siguro sya diba? bakit parang minumulto yata ako at naaamoy ko ang pabango nya dito sa loob ng apartment ko? napansin ko naman ang higaan ko na nagulo at wala na sa ayos ang mga unan. parang may humiga. teka..ang alam ko inayos ko yan bago ako umalis? hayyy minumulto na yata ako o guni guni ko lang to. makapagbihis na nga para makatulog na. ngunit paghiga ko ay naaamoy ko pa lalo ang pabango nya sa higaan ko. naipikit ko nalang ng mariin ang mata ko. imposible na pumunta sya dito. may lock ang pinto ko at tsaka hindi na nya ako pinapansin. kaya napaka imposible talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD