Chapter 26 Lagnat

2572 Words
Thea's POV Lumipas ang mga mga araw na ganon pa rin ang ikot ng buhay ko. walang kabuhay buhay pero pilit kong pinapasigla. kapag day off nya ay binibisita nalang nya si Ron sa apartment nito para makapagbonding. pero kapag umuuwi na sya at papasok na sya sa apartment ay nakakaramdam na naman sya ng lungkot. dapat ko na talaga syang kalimutan. hindi na healthy ito. walang kami pero kung makapag emote ako talo pa ang magsyota na nagbreak up. kailangan kong makalimutan sya. kailangan kong burahin na sya sa isipan ko, sa buhay ko. hayyy..paano kaya kung magresign nalang ako at kay SiR Jameson nalang ako papasok? Tama kayang lumipat nalang ako ng trabaho para lang makalimutan sya?. kapag nasa parking kasi ako lagi ko lang syang naaalala. naipikit ko nalang ang aking mata dahil sa mga bumabagabag sa aking isipan. sakit sa ulo rin tong kumag na ito. Kinabukasan isang pagpapasya ang aking nabuo. pagpasok ko ay dala ko ang Resignation Letter ko. ibinigay ko ito kay Mam Jovy kaya nagulat ito ng mabasa nya ito. "anong problema Thea, bakit magreresign ka?" tanong ni Mam Jovy sakin na nakakunot ang noo "ahm, ang totoo po nyan may nag offer po sakin para maging Secretary at tingin ko po mas okay na rin yun para maimprove ang kakayahan ko lalo na at ibang field ang papasukin kong trabaho" napabuntong hininga namn ito at umiling "alam mo sa totoo lang, wala ako sa posisyon na hadlangan ang nais mo, ang sa akin lang baka hindi tangapin ni Mr. Guevarra ito" seryosing saad pa rin ni Mam napanganga naman ako sa gulat "ano po ang ibig nyong sabihin?" "you are not allowed to resign unless kakausapin mo personally si Mr. Guevarra para payagan ka" seryoso nitong saad "pero-" "may alam ako sa nangyayari sa inyong dalawa pero nananahimik lang ako. ang sa akin lang antayin mo ang desisyon nya bago ka lumipat bago pa magkaroon ng problema" seryosong saad ni Mam sakin. may alam sya? napalunok nalang ako sa gulat. kinwento naman nito ang lahat. bigla akong nahiya sa kanya. matagal na pala nyang alam na doon ako nakatira dati at ako ang sinusundo ni Sir dito sa parking. ano kaya yong sinasabi nyang problema kung sakaling lilipat ako ng trabaho? marami akong katanungan sa aking isipan pero hindi ko alam kung sino ang tatanungin ko. tulala pa rin ako dito sa Admin habang naghihintay ng oras ng time out dahil sa palaisipan na sinabi ni Mam Kanina. gusto ko nang lumipat dahil gusto ko ng mag move on pero paano ako makakapagresign kung ayaw ni Sir Louie? ano bang problema nya? natigil ako sa pag iisip ng biglang magring ang phone ni OIC Suarez. hindi ko na sana papakinggan ang pinag uusapan nila dahil kabastusan naman yon pero naagaw ang atensyon ko ng mabanggit nito ang SIR. si Sir Louie kaya yon? pero marami namang tinatawag na sir ito at hindi lang si Sir Louie "okay po Sir, wait lang po" sabi nito at pinatay na ang tawag. nakamasid lang ako at nakikiramdam. "tapusin nyo muna yang report nyo, pagbalik ko nalang yan ireceive , antayin nyo ako. bibili lang ako ng gamot" sabi nito at kinuha ang susi ng motor. biglang naging alerto ang tenga ko sa narinig. gamot? para saan? pabiro kong tinanong si OIC "may sakit ka po OIC?" tanong ko dito. ngumiti naman ito at umiling "hindi para sakin, kay Sir, may sakit sya" sabi nito at lumabas na. bigla naman akong nabahala. may sakit sya? sinong nag aalaga sa kanya eh mag isa lang sya? Isang oras na ang nakakaraan pero ang isip ko ay na kay Sir Louie pa rin. nakauwi na ako dito sa apartment pero parang gusto kong lumabas at puntahan at para maalagaan ito. napatingin ako sa hawak kong susi. duplicate key ito na pinagawa siguro nito at nakita ko ito sa Lamesa nong time na hindi kami nagpapansinan. nakalimutan kong isurrender ito sa kanya. pupuntahan ko ba sya? kawawa naman sya. Sinuot ko ang jacket ko na may hood at leggings na black. dala ang susi ng Penthouse ay nagmamadali akong lumabas ng apartment at ikinandado ito. PIGIL na pigil ang hininga ko habang lulan ng private elevator nito dahil sa kaba. Nang bumukas ang elevator ay mas dumoble naman ang aking kaba. ano kayang nangyari sa kanya? malala kaya ang sakit nya? paano kong paalisin nya ako? bahala na! ipinasok ko ang susi at laking pasasaamat ko ng bumukas ito. para akong magnanakaw na tahimik ang bawat galaw. para naman akong hindi makakahinga sa sobrang ng kaba. Nang bumukas ito ay kadiliman ang sumalubong sa akin. inaaninag ko ang paligid. buti kabisado ko ang switch ng ilaw kaya dumiritso ako sa kitchen at yon ang binuksan ko para hindi masyadong maliwanag. hinagilap ko ito pero walang tao sa living room. dahan dahan ko namang binuksan ang kwarto nito at binuksan ko ang ilaw pero nagulantang ako ng walang tao sa kwarto nito. nasaan sya? binuksan ko naman ang CR pero wala rin ito doon. lumabas ako ng kwarto nito at pumunta sa Veranda. binuksan ko rin ang ilaw pero wala rin ito doon. nasaan ba sya? para na akong mababsliw sa kakaisip. dinala kaya sya sa ospital? hapong naglalakad ako papasok ng living room. lalabas na sana ako sa pinto at uuwi nalang sana ako ng may narinig akong umuungol. pinakinggan ko kung saan nanggagaling ang ingay. mukhang galing sa guest room. ito yung dati kong kwarto. mas lalong lumakas ang ungol na parang nanginginig kaya bigla akong kinabahan. binuksan ko ang ilaw at nagulat ako nang makita ko itong nanginginig na tila nilalamig. nakatalukbong ng kumot at ulo lang ang nakalitaw. dali dali ko itong nilapitan at sinalat ang noo. tila ako mapapaso sa tindi ng init nya. lalabas na sana ako ng marinig kong may sinasabi ito "Thea.." hirap at nginig ang boses na saad nito. para akong nabato sa aking kinatatayuan. tinatawag nya ang pangalan ko? nang makabawi ay nilapitan ko ito at hinaplos ang pisngi. dumilat naman ito saglit at kita ko sng pamumula ng mata at mukha nito. dahil siguro sa sobrang init nito. inaabot nya ako at pilit na bumabangon. "thea" inabaot ko ang kamay nito para pigilan at pinahiga muli "thea..don't l-leave me please" nag init bigla ang gilid ng aking mga mata at nagsiunahan na sa pagpatak ang aking mga luha dahil sa pakiusap nya. nagdedeleryo lang ito diba? hindi ko dapat siniseryoso "shhh..im here" bulong ko sa kanya. nakapikit na ito pero nagsasalita pa rin "stay please, don't leave me" pakiusap na naman nito at mahigpit na hinawakan ang aking kamay at inilapit sa labi nito at hinalikhalikan. sobrang init ng pisngi at labi nito at tila nakakapaso pero sa ginagawa nito para naman akong kinukuryente. kakaiba ang hatid ng halik nya. ang malambot at mainit nitong palad. namissed ko ito. "wait lang ha, kukuha lang ako ng tubig at bimpo. pupunasan kita" bulong ko sa kanya at tumayo. hinila ko naman ang kamay ko na hawak nito pero hinila nya ito pabalik at mahigpit na hinawakan kaya nagulat ako. "no, please, don't leave me" pakiusap pa rin nito "hindi naman ako aalis, pupunasan lang kita para gumaling ka" bulong ko sa kanya at hinaplos ang mukha nito. binitawan naman nito ang kamay ko kaya nagmadali na akong kumuha ng tubig at nilagay sa maliit na plangana at nilagyan ng kaunting alcohol. bumalik kaagad ako at pinahinaan ang aircon tsaka ito nilapitan. nilublob ko ang bimpo at pinigaan. pinunasan ko ang buong mukha nito at leeg. nang bumaba ang tingin ko sa katawan nito ay napalunok ako. kaya ko ba? pero kailangan ko syang punasan at bihisan para hindi sya matuyuan kaya naman lakas loob at pikit mata ko itong ginawa. tagaktak ang pawis ko ng matapos ko itong bihisan. i checked also his Temperature. 38.5? mataas pa rin. pinahiga ko ito at kinumutan ng comforter. mapupungay pa rin ang mga mata nito. hindi ko napigilang haplusin ang maamo nitong mukha. nahaplos ko na rin ang mukhang ito sa wakas na dati ko lang pinagmamasdan. nakapikit na ito ay ginaw na ginaw. "wait lang ah igagawa kita ng soup para magkalaman yang tyan mo, magpahinga ka muna gigisingin nalang kita pag luto na" bulong ko dito at tsaka hinalikan ang noo nito. tumango naman ito at pumikit na. Nagmadali akong pumunta sa kusina at naghagilap ng pwedeng lutuin sa ref. 'sabagay mahina pa sya at kailangan nya ng pagkain na madaling lunukin' Nagluto ako ng porridge. madali lang namang lutuin ito. nang matapos ay pinatay ko na ang kalan. masarap ang pagkaluto ko pero sana magustuhan nya'. naglagay ako sa mangkok at kumuha na rin ako ng 1 baso ng tubig at nagmamadaling bumalik sa kwarto. mahimbing pa rin ang tulog nito. inilapag ko ang tray sa table at kinalabit ko ito sa balikat kaya dumilat ang namumulang mata nito. "kain ka muna para makainom ka ng gamot" sabi ko at tinulungan itong umupo. tumango naman ito. sinubuan ko nalang ito dahil alam kong wala pa itong lakas. nanatili naman itong nakatitig sakin kaya nginitian ko ito. Pagkatapos nitong kumain ay pinainom ko na ng gamot pagkatapos ay pinahiga at kinumutan na ito ko ito muli. matatandaan nya kaya bukas ang mga nangyayari ngayon? tsskk ok lang kung hindi atleast nahawakan at naalagaan ko sya kahit minsan. antok na ako pero hindi ko pwedeng iwan si Sir. kailangan kong i-monitor ang gamot at temperature nya. Nang makatulog na ito ay bumalik ako sa kusina para maghanap ng pwedeng lutuin na may sabaw para makahigop ito pagka gising nya. may nakita akong manok kaya lang anong luto naman kaya eh walang sayote at siling dahon? tiningnan ko ang oras. alas 3 pa lang. kinuha ko ang jacket ko at susi. magpapatulong ako kay OIC total sya lang naman ang may alam tungkol sa amin ni Sir. agad ko naman itong nakita kaya nilapitan ko kaagad ito. "OIC" tawag ko dito "oh, Thea..anong ginagawa mo dito? anong oras na bakit gising ka pa?" sunod sunod nitong tanong sakin "ahm. may malapit po ba ditong mabibilhan ng gulay?" nahihiya kong saad. nakita ko naman itong napakunot noo at nagtataka. "teka, ganitong oras naghahanap ka ng gulay?" "ihahalo ko sana sa tinola" "bakit ang aga mo yatang magluto, panghapon pa pasok mo diba?" takang tanong nito "gusto ko kasing ipagluto si S-Sir ng tinola bago ako uuwi para makahigop sya ng sabaw pag gising nya" nakita ko naman ang biglang pagtaas ng kilay nito at maya maya lang ay sumilay na ang mapaglarong ngiti nito. "huwag nyo na po akong asarin Sir, wala na akong oras, nagmamadali ako" inis kong turan dito. "okay, okay. kumusta na ang lagay nya?" tanong nito "mataas pa rin ang lagnat nya pero pinakain ko na at napainom ko na ng gamot" sagot ko naman dito. ngumisi naman ito na akala mo may nakakatuwa sa mukha ko "okay, kaya lang wala pang bukas na palengke ng ganito kaaga. pero may nakita akong malunggay sa likod nitong Condominium building. nagliwanag naman ang mukha ko sa tuwa at sinamahan pa nya akong kumuha. may nakita rin kaming papaya kaya kumuha rin ito. tanim siguro ito ng mga Janitor or taga maintainance dahil mukhang alagang alaga ito. Agad naman akong nagpasalamat at nagpaalam kay OIC ng makakuha na ng gulay at bumalik sa Penthouse. Agad kong inumpisahang magluto. maaga pa lang tagaktak na ang pawis ko sa sobrang pagmamadali at pagod. Nang matapos ay bumalik ako sa guest room kung nasaan ito natutulog. bakit kaya dito sya natulog eh may sarili naman itong kwarto? sinalat ko ang noo nito at napansin kong pinagpawisan na ito. dahan dahan kong ibinaba ang Comforter nito. paano ko nga pala ito bibihisan eh tulog pa ito? nakakahiya naman kong gigisingin ko. kumuha nalang ako dalawang malalaking bimpo sa drawer nito. itinagilid ko ito para hindi ako mahirapan. buti umungol lang ito at hindi na nagising. ipinasok ko ang isa sa ilalim ng damit nito sa dibdib at ang isa ay sa likod. pinunasan ko rin ng tuyong bimpo ang mukha at katawan nito na basa na sa pawis. bumaba na ang lagnat nya, Thanks God. hinahaplos ko ang buhok nito habang pinagmamasdan itong mahimbing na natutulog. 'kaasar ka. ang daya mo, ang dami mong ginawa kaya nahulog ang loob ko sayo tapos sasabihin mo lang na dahil kay papa kaya mo iyon ginawa? tssk. sana hindi mo nalang ginawa para hindi na ako nainlove sayo' bulong ng isipan ko habang nakatitig dito. antok na antok na ako at wala pa akong tulog. sinipat ko ang relo ko. 4:30am na, mukhang hindi na rin naman babalik ang lagnat nito. lalagyan ko nalang ito ng bimpo sa noo. isinuot ko muli ang jacket ko at bitbit ang susi ay tumayo na ako. hinalikan ko muna ito sa noo."magpagaling ka ah" bulong ko dito bago ako lumabas ng kwarto. Pagkapasok ko ng Apartment ay agad akong humiga. kailangan kong makatulog kahit ilang oras lang. 'sana tuluyan ng gumaling si Sir' bulong ko bago ko ipinikit ang mata ko na may ngiti sa labi. Sakit ng ulo at pagkahilo ang naramdaman ko pagkagising ko kinabukasan ng mag alarm ang phone ko. gusto ko pang matulog pero ayokong umabsent kaya lang diko mapigilan ang antok. Nagmamadali akong pumasok ng makapagbihis na ako dahil late na ako. diko kasi namalayan na nakatulog ulit ako kaya heto at ngarag na naman. Agad akong nagtime in at pumasok sa Locker. abala na ang iba sa pag aayos kaya nagmadali na rin akong mag ayos. "Thea" napalingon ako ng bigla akong tinawag ni Mam "po?" "come here" seryosong saad nito kaya agad akong lumapit dito. diko alam bakit bigla bigla na naman akong kinakabahan. "bakit po Mam?" tumitig naman ito sakin. hindi ko mabasa kung ano ang laman ng isip nito at hindi ko sure kung anong klaseng titig ang meron ito basta kinakabahan ako sa mga titig nya sakin. nailang naman ako kaya yumuko ako. papagalitan ba nya ako? lumapit sya lalo sakin at bumulong sa tenga ko "Pinapapunta ka ni Mr. Guevarra sa taas. huwag ka nalang muna pumasok muna" bulong nito kaya napanganga ako sa gulat habang nakatitig dito pinapapunta nya ako? bakit? papagalitan ba ako dahil nagpunta ako sa Penthouse nya ng walang paalam? pupunta ba ako? sh*t biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba. lutang na nga ako dahil sa kulang ako sa tulog. lalo pa akong natutulala dahil diko pa maproseso sa isip ko ang sinabi ni Mam Jovy. kinalabit ako ni Mam kaya nagulat ako. kanina pa pala ako nakatayo sa tabi nito. tinanguan naman nya ako para umalis na kaya dahan akong naglakad paalis bitbit ang bag ko. "oh Thea, saan ka pupunta?" tanong ni Janna sakin. lahat sila napatingin na rin sakin. lalo tuloy bumundol ang kaba sa aking dibdib. napatingin ako kay Mam Jovy dahil diko alam ang isasagot. "papauwiin ko muna sya dahil masama ang pakiramdam nya. bukas ka nalang magduty. sige na" saad ni Mam kaya napatango nalang ako at tipid na ngumiti. tiningnan ko naman si Janna na mukhang naniwala naman. "sige friend..pagaling ka ah. kaya pala nangangalumata ka, malaki na yang eyebag mo" sabi nito sakin kaya napalunok ako. tinalikuran ko nalang ito at nagmadaling naglakad patungong elevator. bahala na, kong tatangalin nya ako eh di tanggal! problema ba yon! tsskk
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD