Chapter 27 Mainit na halik

2344 Words
Thea's POV Abot abot ang kaba ko sakay ng elevator Papunta sa Penthouse nito. kung may isang bagay man akong hihilingin sa oras na ito, iyon ay sana magaling na ito. panatag na ang loob ko kahit ito na ang huli naming pagkikita. Papalabas na ako ng elevator ngunit ang mga paa ko tila napako na sa kinatatayuan ko at ayaw ng humakbang palabas. ipinikit ko ang muna ang mga mata ko at lakas loob na humakbang palabas ng elevator. kaya ko to! magkikita kaming muli face to face after ng ilang buwan. kagabi kasi may sakit ito at wala pa sa hwesyo kaya mabait at maamo ang mukha. hindi ko lang sure kung ano ang mangyayari sa ngayon. Pigil ang hininga habang kumakatok sa pintuan nito. ano kaya ang ginagawa nito ngayon? galit kaya sya? nakailang katok na ako pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. napakunot ang noo ako at nagtataka. 'sya ang nagpapunta sakin dito tapos ayaw akong pagbuksan? nasaan ba sya? nananakit na ang kamay ko sa kakakatok pero wala pa ring nagbubukas kaya ginamit ko na ang duplicate key ko upang ito ay mabuksan. Nang bumukas na ang pinto ay nagtaka ako kung bakit tahimik ang loob. "hello po" "Sir?" tawag ko dito pero wala pa ring sumasagot inilapag ko ang phone ko sa Center table at hinanap ito binuksan ko ang guest room kung saan ito natulog kagabi pero wala ito doon maging sa CR ay wala rin. kaya naman ay naglakas loob akong buksan ang Kwarto nito pero ganun pa rin at walang katao katao. lumabas ako at nagpunta sa Veranda. baka nandoon ito at nagpapahangin. dahan dahan kung binuksan ang salamin na pinto at tsaka lumabas doon para lang pala masaksihan ang dalawang nilalang tskk parang sinaksak ang dibdib ko ng libo libong karayom. alam kong wala akong karapatan dahil wala namang namagitan sa amin. ako lang kasi itong baliw na nag aassumed at hinayaan ko ang loob kong mahulog sa kanya na hindi naman talaga dapat. Nakatalikod ang lalaki at nakaharap sa malawaK at nagtatayugang mga building habang nakayakap sa likod nito ang babae ng mahigpit at hinahalikhalikan pa ang balikat at likod ni Sir. napalunok nalang ako at huminga ng malalim upang maibsan ang sakit at upang pakalmahin ang sarili. pero hindi ko mapigilan ang sakit. Si Louise pala ang gusto nya bakit di-ni-deny nya pa? kaya ba hindi na sya nagpapakita sakin, may pinagkakaabalahan na pala sya? ang sweet nila huh masyado ng masakit sa mata ang mga nakikita ko at parang pinipiga na rin ang puso ko. pilit kong nilalabanan ang mga luha ko dahil nagbabadya na ito at anytime ay maguunahan na ito sa pagpatak. Hindi ko na nakaya pang panoorin ang dalawang naglalambingan at isinarado ko nalang ng dahan dahan ang pinto at nagmamadaling umalis. ayokong istorbuhin sila at nakakahiya. hindi man lang nila ako napansin na dumating na ang ingay ko kaya? kaya pala hindi ako naririnig dahil busy pala sya. tskk. wala akong karapatang magselos diba? pero ang sakit eh. nagpupuyat ako kagabi para lang maalagaan sya. excited pa akong makita sya tapos ngayong gumaling na sya nakikipaglandian naman sa iba. mapait nalang akong napangiti at pinahid ang mga luhang nag uunahan na sa pagtulo. Pagkababa ko ay nagmadali akong naglakad palabas ng building. Hindi ko alam kong saan ako dadalhin ng paa ko basta lakad lang ako ng lakad. wala naman akong pasok kaya pwede akong magpahangin at magrelax muna. gusto ko lang namang ipahinga ang isip kong lutang at ang puso kong nasaktan. puntahan ko kaya si Ron? kaya lang may pasok yon ngayon. hindi ko na namalayan na pasakay na pala ako ng elevator. teka building ito ni..anong ginagawa ko dito? bakit nandito ako sa building nya? teka saang floor ba ako bababa? napansin ko naman ang katabi ko na nakapang office attire kaya hindi na ako nahiyang magtanong pa. tulala akong naglalakad at hinanap ang sinabi nitong pinto. hindi na pala ako mahihirapan dahil ng iisa lang ito sa floor na ito. Tinanong ko naman ang Secretary nito at buti nalang nasa loob ito at walang ka meeting "hey, what brings you here? himala at nabisita ka?" salubong nito na may malawak na ngiti sa labi. sinuklian ko sya ng tipid na ngiti at pumasok na sa loob. "pwede bang dito po muna ako?" sabi ko at tamad na umupo sa sofa. ang lambot naman ng upuan nya. parang kama. takang tumayo ito sa swivel chair nito at lumapit sakin. "what whappen? may problema ka ba?" tanong nito at umupo sa tabi ko. umiling lang ako. baka pagtawanan lang ako kapag sinabi ko pa. "wala naman, gusto ko lang magpalipas ng oras, wala akong pasok eh. pwede ba ako dito?" "oo naman pero kumain ka na ba?" tanong nito kaya umiling ako. pag gising ko kasi kanina diritso pasok na ako kaya wala na akong time para magluto pa at kumain dahil late ako. pailalim nya akong tiningnan at umiiling iling maya maya. "wait lang oorder lang ako ng pagkain ah," sabi nito at may tinwagan sa phone pagkatapos ay hinarap akong muli "3:30 na ng hapon hindi ka pa kumakain? bakit ka nagpapalipas ng gutom?" inis nitong saad. parang si kumag lang ah "late na akong nagising kaya wala na akong time para kumain" napuyat kasi ako kagabi kababantay sa kumag na yon para lang gumaling. gusto kong idugtong pero mas pinili ko nalang itikom ang bibig ko maya maya ay pumasok na ang sekretary nito na may dala ng pagkain "kumain ka na, dapat hindi ka nagpapalipas ng gutom mahirap magka ulcer" sabi nito na nakatitig sakin at umiiling iling. kumain nalang ako ng tahimik. wala kasi ako sa mood magsalita pa. iniwan naman na nya ako at bumalik na ito sa mesa nito para asikasuhin ang mga papers nito. Nang matapos ako ay dinala ko ang pinagkainan ko sa sekretary nito at bumalik na ulit sa loob. "magpahinga ka nalang muna, pwede kang matulog mukhang lagi kang nagpupuyat, nangangalumata ka na" sabi nito. 'oo puyat ako dahil sa kumag na yon' napangiti nalang ako ng mapait. buti pa ito concern. "Sir Jameson salamat ah" sabi ko dito at umupo muli sa sofa. tumango naman ito at ngumiti ng tipid kaya hindi ko na inisturbo pa sa ginagawa nito. dahil sa kulang ako sa tulog ay hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako sa aking inuupuan. Namalayan ko nalang pag gising ko ay gabi na. may kumot na rin ako. napalingon ako kay Sir. nandoon pa ito at subsob pa rin sa trabaho. napatingin naman ako sa relo at nagulat ako na alas otso na pala ng gabi. ganun kahaba ang itinulog ko? at tsaka hinihintay na siguro akong magising. nakakahiya. "gising ka na pala, masarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising" sabi nito at niligpit ang mga gamit. "sorry ah, nakakahiya hinintay mo ba akong magising?" nahihiya kong saad "nope, lagi talaga akong gabi na kung umuwi" sabi nito at binibitbit na ang bag nito. "tara kain tayo sa baba, bago ka umuwi" yata nito sakin "huwag na, lagi mo nalang akong nililibre, dami ko ng utang sayo. sa apartment na ako kakain" nahihiya kong saad dito. kahit na ba mabait ito ay marunong pa rin akong mahiya no. "naniningil ba ako? lahat ng aking mga ginagawang kabutihan ay wala along hinihintay na kapalit okay? kaya halika na kundi magtatampo ako sayo" sabi nito sabay taas ng kilay. napangiti nalang ako at umiling. balik seryoso na naman ang mukha nito. Masaya kaming kumakain ng sabay ni Sir Jameson. kung ano ano nalang ang napagkwentuhan namin. pero personal nitong buhay ay hindi pa nito naikukwento sakin. masyado syang private. maybe one day itatanong ko sa kanya. masarap syang kasama. maybe sa iba suplado sya dahil laging seryoso ang mukha kahit may kagwpuhan ito pero kapag nahuli mo na ang loob nya, sya na ang pinakamabait na kaibigan na makikilala mo. napaka swerte ng magiging girlfriend nito. gwapo na at mabait, mayaman pa. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako. gusto nya akong ihatid dahil gabi pero dahil walking distance lang ang inuupahan ko kaya tumanggi ako. nagpasalamat nalang ako dito sa kabaitan nito at umuwi na ako Pagkapasok ko sa apartment ay hindi na ako nagbukas ng ilaw. naglakad nalang ako diritso sa kwarto at binuksan ito. ngunit natigilan ako. pakiramdam ko kasi may tao sa likuran ko. bigla akong kinilabutan dahil sa naamoy ko ang pabango nya. akmang bubuksan ko na ang ilaw ng ng kwarto ko ng may biglang yumakap sa likod ko. gusto kong sumigaw sa takot at pagkabigla ng magsalita ito "where have you been sweetheart? kanina pa ako nag aalala sayo. mababaliw na ako sa kahahanap sayo" sabi nito at isinubsob ang mukha nito sa leeg ko at hinahalikan nya ako doon. biglang naginit ang katawan ko sa mainit na hininga nitong tumatama sa aking leeg pero pinilit kong magpakatatag at hindi nagpatangay. "bakit ka po nandito Sir, paano ka po nakapasok dito?" kinakabahan kong tanong dito bumuntong hininga lang ito at hindi pa rin inaalis ang mga braso nito sa aking tyan. pinilit kong kalasin ang braso nito ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakin. para tuloy akong kinakapusan ng hininga sa sitwasyon namin. "bitawan nyo po ako, ano ba?" pagpupumiglas ko "na miss kita" bulong nito sa puno ng tenga ko kaya napasinghap ako "sobra" kumabog bigla ang dibdib ko sa kaba. na miss nya ako? "ano ka ba? bakit mo naman ako mamimiss?" mahina kong saad "araw araw kitang namimiss, i'm sorry" sabi nito habang nakasubsob pa rin ito sa leeg ko. bakit ba sya nagsosorry?. araw araw talaga? eh ilang buwan nya akong hindi kinakausap kaya. kinalma ko ang sarili ko at lumunok ng laway. "magbibihis lang ako, bitawan nyo po muna ako" sabi ko at pilit pinapatatag ang sarili. hinalikan nya muna ako sa leeg at sa pisngi bago binitawan. heto na naman ito, pahalik halik na naman. binuksan ko ang ilaw sa kwartoat lumayo na ako dito. nanginginig ang tuhod at kamay na kumukuha ng damit at pajama pero pilit kong hindi pinapahalata. matutukso na naman kaya ako nito. no! hindi dapat. ngunit pagharap ko'y napansin kong nakatayo pa rin sya sa loob ng kwarto ko at hindi pa rin ito umaalis sa pwesto nya. pansin kong para itong pumayat ng konti. nakakaawa tuloy ang ayos nito. para itong nalugi ng ilang bilyon. dahil sa liwanag ng kwarto ko for the first after kong lumipat ay ngayon ko lang sya muling nasilayan na maayos na ang kalagayan. wala na syang sakit. ngunit para syang na scam sa itsura nya. tumikhim ako at umiwas ng tingin dito dahil nakatitig lang ito sa akin na nakapamulsa. "magbibihis lang ako hintayin nyo nalang po ako sa labas" pambabasag ko sa katahimikan at tumalikod. narinig ko namang bumuntong hininga ito at isinarado na ang pinto. pagharap ko ay wala na nga ito. Pagkatapos kong magbihis ay inilugay ko ang nakapusod kong buhok at sinuklay. Paglabas ko ng kwarto ay bukas na ang ilaw sa sala at nakita ko itong tahimik na nakatayo at nakaharap sa bintana na bukas. hindi ko na naman naiintindihan ang kilos nito. paaasahin na naman nya ako? tumikhim ako para kunin ang pansin nito. "kumain kana?" tanong ko dito. humarap naman ito sakin at umiling. napakunot ang noo kong tinignan ito "bakit hindi ka pa kumain, anong oras na?" "wala ka eh, kanina pa akong naghahanap sayo" napatda ako sa gulat. bakit nya ako hinahanap? lumapit ito sakin at hinawakan ang aking dalawang kamay habang tinititigan ang aking mga mata "bakit mo naman ako hinahanap?" sabi ko at iniwas ang aking tingin. pakiramdam ko tinutunaw nya ako sa pamamagitan ng kanyang mainit na mga titig. pero hinawakan nya ako sa baba at inangat nya ang mukha ko dahilan upang magtagpo ang aming mga mata. "alam kung nagpunta ka sa Penthouse" nanlaki ang aking mga mata sa gulat. paano nya nalaman? "diba pinapapunta kita sa taas bakit ka bumaba? bakit dimo ako tinawag?" bigla na namang sumikip ang aking dibdib ng maalala ang tagpo kanina sa Veranda kaya winaksi ko ang kamay nito at iniwas ang aking mga mata upang hindi nya makita ang sakit na aking nadarama. "busy kayong dalawa kaya hindi ko na kayo inistorbo. bakit mo nga pala ako-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla nya nalang akong hapitin sa beywang at sinungaban nya ako ng halik. mariin at may pananabik. Hindi kaagad ako nakareact dahil sa gulat. Nang akoy mahismasan ay pilit ko syang itinutulak pero dahil mas malakas ito kaya baliwala lang He grabbed my wrists and he pinned me on the wall kaya nagulat ako. mas lalo pa nitong pinalalim ang halik at naramdamannko na rin ang dila nito sa loob ng aking bibig na tila may hinahanap kaya naginit ang aking katawan at kumawala ang mumunti kong ungol. nakalimutan ko na ang sarili dahil sa pananabik ko ring maramdaman, dahil sa wakas natikman ko muli ang kanyang mga labi kaya gumanti na rin ako sa kanyang mga halik. naging mapusok at mapaghanap kaya halos kapusin kami ng hiningang dalawa ng bitawan nya ako. saglit nya akong inilayo at tinitigan ang aking mga mata. parehas kaming hinihingal. tanging mga mata nalang namin ang nag uusap at walang ibang salita na namutawi sa aming mga bibig. "Thea" sambit nito sa aking pangalan at muli nya akong hinagkan and this time ay lalo nya pang pinalalim. ramdam ko ang pagiging agresibo na bawat kolos nito. nanatili pa rin akong nakasandal sa pader habang hindi nya binibitawan ang aking labi habang ang mga kamay nito ay hinihimas na ang aking dibdib kaya napaungol ako. "ooh Thea" daing nito. ramdam ko na naman ang nakaumbok sa harapan nito sa aking harapan kaya napasinghap ako ng idiin nya ito sa akin. "hindi mo lang alam kung gaano ako nahihirapan nong hindi kita laging nakikita" bulong nito habang magkadikit ang aming mga noo at hingal na hingal dahil sa mainit na halik na aming pinagsaluhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD