Naikulong na nga ng tuluyan ang ina ni Micah, matapos ang isang buwang paglilitis. Dahil napatunayan itong nagkasala sa batas. Ano nga ba ang laban ng ina ni Micah at ang abogado nitong pampubliko lamang sa isang mayaman at kilalang abogadong si Nathaniel Wade, ang ama ni Nathan.
Dahil doon kaya araw-araw pumupunta si Micah sa mansyon ng mga Wade, para magmakaawa dito na bigyan pa ng isang pagkakataon ang kanyang ina na patunayan ang sarili na inosente ito at para makalaya. Dahil naniniwala siya na kahit kailan di magagawa ng kanyang ina ang pumatay ng tao. Lalong-lalo na kay Ma'am Anna, na napakabuti sa kanila.
"Sir Nathaniel! maawa po kayo bigyan niyo pa po ng isang pagkakataon ang nanay ko! Maniwala po kayo, hindi po iyun magagawa ng nanay ko!" sigaw niya sa harapan ng gate ng mga ito.
"Hoy! anak ng kriminal, puwede ba tigilan muna ang kasisigaw d'yan at umuwi kana!" singhal sa kanya ni Olga ang tita ni Nathan na ang sama ng tingin sa kanya. "Pag hindi ka pa titigil sa kakasigaw at umalis dito, ipapakulong din kita para magsama kayo ng nanay mo sa kulungan," taas kilay na sabi nito at pumasok ulit sa loob ng bahay.
Naiwan si Micah sa labas ng gate na umiiyak at kumakalam ang sikmura. Buong magdamag kasi itong hindi nakakain at wala din itong pambiling pagkain, madalas na kasing hindi umuuwi ang kanyang tatay simula ng makulong ang kanyang nanay. Kaya minsan hindi ito nakakain sa isang araw at minsan ay binibigyan na lang ito ng pagkain ng ina ni Blessie na kababata niya.
Aalis na sana siya ng may makita siyang matandang babae na lumabas sa mansyon ng mga Wade.
"Manang, puwede niyo po ba akong tulungan? puwede niyo po bang tawagin si Manang Lolita, gusto ko po sana siyang makausap saglit," pakiusap niya sa matandang may bitbit na bayong siguro ay mamalengke ito. Hindi niya ito kilala dahil baguhan lamang ito sa mansyon ng mga Wade.
"Naku! Pasensiya kana iha, pero matagal ng lumayas dito ang matandang si Lolita," tugon nito sa kanya.
"Ganun po ba manang, sige po salamat," sabi niya dito at umalis sa harapan nito. Dahan-dahan siyang naglakad sa kalsada palabas ng subdivision. Habang sapo-sapo ang kumakalam na tiyan niya.
BeeP..! Isang malakas na busina ng sasakyan ang huli niyang narinig bago siya nawalan ng malay at bumagsak sa lupa.
Nang magkamalay siya, dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata kita niyang napakalinis tingnan ng kuwarto dahil sa mapuputi nitong dingding kung saan siya nakahiga.
Nagulat naman siya ng magsalita ang isang Ginang sa harap niya na nakangiti sa kanya.
"Iha, okay na ba ang pakiramdam mo?nawalan ka daw ng malay dahil sa sobrang gutom at kahit ngayon ay naririnig ko ang maiingay sa tiyan mo," nakangiting saad sa kanya ng Ginang. Tanging tango lamang ang naisagot ni Micah.
"Taga saan ka ba iha? nasaan mga magulang mo?" tanong ng ginang sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Marahang iling lang din ang naging tugon niya sa ginang.
"Kawawa ka naman, gusto mo bang sumama sa akin iha? maraming pagkain doon at hindi ka na magugutuman," naluluhang sabi ng ginang dahil naaawa siya sa batang kaharap.
"Ano ba ang pangalan mo iha?"
"Micah o Mikay po," mahinang boses na sabi niya na nginitian naman ng ginang.
"Mabuti naman at nakakapagsalita ka pala iha, akala ko ay hindi ka marunong magsalita," biro ng ginang sa kanya.
"Ako nga pala si Edzlyn iha, tita Edzlyn na lang ang itawag mo sakin. May binili akong pagkain sa labas kumain ka muna at sumama ka sakin pag uwi. Kung gusto mo pag-aaralin din kita," saad ng ginang sa kanya na tinanguan at nginitian niya ito habang lumuluha.
"Wag ka ng umiyak iha, sige na kumain ka na," ani ng ginang at ibinigay sa kanya ang pagkain na mabilis niya namang inabot at kinain. Bawat subo niya kasaba'y naman nun ang pagpatak ng mga luha niya nang sunod-sunod. Di niya akalain na may mabuting tao pa pala siyang makikilala.
Pagkatapos niyang kumain, lumabas narin sila sa Ospital. Pinagbuksan siya ng ginang ng pinto at sa back-seat sila naupo.
"Ma'am uuwi na po ba tayo?" tanong ng driver.
"Oo, Mang Dante! Para makapaghinga muna ang batang ito sa bahay. Mikay, siya nga pala si Dante ang driver ko. Tawagin mo na lang siyang manong o tatay Dante," sabi ng ginang sa kanya na tinanguan niya naman.
Habang papauwi sila nadaanan naman nila ang mansyon ng mga Wade. Nasa isang subdivision lang pala ang mga ito. Napatulala siyang tiningnan ang bahay ng mga Wade at inalala ang habulan at tawanan nila ni Nathan.
Pagdating nila sa bahay ng Ginang, pinagbuksan din siya nito ng pinto at hinawakan ang kamay niya papasok sa loob ng bahay.
"Manang Elsa! pakihatid si Mikay sa guestroom, simula ngayon dito na siya sa'tin titira," utos ng ginang sa matandang kasambahay niya.
"Opo Ma'am, halika na Mikay? mikay ba pangalan mo? Ako naman si Manang Elsa mo," bati sa kanya ng matandang katiwala.
"Opo Manang Elsa, pero puwede naman po ako doon matulog sa kuwarto po ninyo."
"Naku iha, hindi na tayo magkasya. Marami na kami doon, okay lang yun bisita ka ni Ma'am, kaya sa guestroom ka. Halika na," ngiting sabi ni Manang elsa na tinanguan naman ng ginang.
"Sige na Mikay, wag kang mahiya sumama kana kay Manang Elsa, para makapag pahinga ka," saad ng ginang kaya sumama na lamang siya kay Manang elsa. Inihatid siya sa guestroom na napakalaking kuwarto. Napamangha pa siya ng makita ang kama na katamtaman lang ang laki pero napakalinis at napakabango. Light pink ang kobre kama nito na plain lamang pati ang unan. At mas lalong nagpapaganda sa room, makikita ang garden sa labas dahil tempted na salamin ang dingding, may sarili itong tv at may malaking aparador at salamin. Marami ding decoration na iba't ibang collection ng mga Angels.
"Manang,bnakakatakot naman po dito magpahinga, baka may mabasag ako dito. Okay lang naman sakin kung doon nalang ako room niyo."
"Naku iha, hindi na nga magkasya doon pag doon kapa sa room namin. Tiyaka wag kang matakot, mabait si Ma'am edzlyn. Isipin mo nalang bahay mo narin to dito."
"Salamat po sa inyo manang ha, napakabait niyo po," naluluhang saad niya dito.
"Wala yun iha, sige na magpahinga kana at lalabas muna ako." tugon nito na tinanguan niya naman.
Pagkalabas ng matanda, dahan-dahan naman siya lumapit sa kama at hinawakan ito. Pinindot-pindot niya pa ito kung malambot ba. Hanggang sa dahan-dahan na siya humiga at nagpagulong gulong sa tuwa. Dahil ito ang unang beses na nakahiga siya sa mabango at napakalambot na kama. Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.
"Iha, iha, gising! kakain na kayo ng dinner ni ma'am Edzlyn," sabi sa kanya ni Manang Elsa habang niyo-yugyog siya.
Nagising naman siya at mabilis na naupo habang kinukusot ng kamay niya ang kanyang mga mata.
"Manang Elsa, napasarap po ang tulog ko dahil sa napakalambot po nung kama. Ngayon lang po ako nakahiga sa ganitong higaan, kaya pasensiya na po."
"Wala yun iha, simula ngayon e, sayo na ang higaan na yan at dito kana lagi sa kuwarto nato magpapahinga. Kaya halika na bumangon kana naghihintay na si ma'am Edzlyn sayo,"sabi ng matanda at hinawakan ang kamay niya para tumayo at sabay silang naglakad papunta sa kusina.
"Iha! halika maupo ka dito sa tabi ko," tawag sa kanya ng ginang na ikinalingon naman ng batang lalaki na sa tingin niya ay ka edad niya rin ito.
Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa at kumunot ang kilay.
"No mom! I don't like to eat with our housemaid!" sigaw ng batang lalaki kaya napayuko siya, dahil nahihiya siya dito.
"Stop son, be a goodboy! Mikay is not our housemaid, she is your new sister. Halika mikay maupo ka dito," yaya ng ginang at tumayo sa kinauupuan at nakangiting hinila siya sa lamesa at pinaupo kaharap ng batang lalaki.
"Son, She is mikay, and mikay siya ang anak ko si Titus,"pakilala ng ginang sa kanila. Tiningnan niya si Titus pero masama parin ang tingin sa kanya.
"Wala ang daddy ngayon ni Titus, dahil may business meeting sa ibang bansa iha, makikilala mo din ang tito Tyron mo. Kaya sige na kumain kana,"ani ng ginang at nilagyan ang plato niya ng pagkain. Kaya ngumiti siyang kinuha ang kutsara at susubo na sana ng biglang tumayo si Titus.
"Im done," malamig na turan nito at mabilis na umalis sa harapan nila.
"Sige na Mikay, kumain kana at hayaan mo yang si Titus ganon lang talaga yun siya sa una, pagmakikilala ka na niya babait din yan sayo,"ngiting sabi ng ginang na nginitian niya na lang at nagsimula ng kumain. Nang matapos silang kumain siya na ang nagligpit ng mga pinggan nila.
"Mikay, ako na d'yan ang magliligpit," sabi sa kanya ng isang dalagang kasambahay ng ginang.
"Hindi po ate, ako nalang po! alam ko naman po ang magligpit at maghugas ng pinggan."
"Oo alam ko pero hindi ka katulong dito, bisita ka ni Ma'am Edzlyn. Kaya akin na yan, ako na ang bahala magligpit,"ani nito at kinuha sa kamay niya ang mga pinggan.
"Ate, sige na po hayaan niyo na po akong maghugas,"sabi niya at kinuha ang baso kaso nadulas ito sa kamay niya kaya nahulog at nabasag. Pinuntahan naman agad sila ng ginang na kanina ay nakaupo sa sala at nanonod ng tv.
"Anong nangyari dito?" takang tanong ng ginang. Naluluha namang tiningnan ni Micah ang ginang dahil sa nahihiya ito. Unang araw niya pa sa bahay nito ay may nabasag na siya.
"Ma'am Edzlyn, patawad po, ako po ang may kasalanan kaya nabasag ang baso. Gusto ko po sanang tulungan maghugas si Ate, kahit papano ay makabawi ako sa pagpapatira niyo sa akin dito. Sige na po ma'am edzlyn, hayaan niyo na po akong tumulong sa mga gawain dito sa bahay,"naluluha niyang tugon dito.
"O sige Mikay, kung yan ang gusto mo. Hahayaan kitang tumulong sa kanila dito. Pero may isa akong hindi gusto, ayokong tawagin mo akong ma'am. Tawagin mo kung tita ok?" ngiting sabi ng ginang na tinanguan at nginitian naman ni Micah.
"Sige babalik na ako doon, kayo na bahala dito. Merced, dahan-dahan sa paglipit ng basag na baso at walisin mabuti baka may bubog maiwan masugatan kayo," tugon ng ginang at bumalik narin sa sala.
"Sige na Mikay, ikaw na maghugas dito at ako na lang ang magwawalis niyang nabasag. Ako nga pala si Ate merced mo."
"Opo Ate merced," ngiting sabi niya dito st sinimulan na ang paghugas ng pinggan. Nang matapos siya maghugas ng pinggan pumasok narin siya sa kuwarto niya. Pagbukas niya ng ilaw nagulat at napasigaw siya ng makitang may nakaupong manika sa loob ng kuwarto niya at duguan, mabilis naman siyang lumabas ng kuwarto na ikinatakbo naman ng ginang at mga kasambahay.
"Mikay, bakit anong nangyari?" tanong ng ginang.
"M-m-may nakakatakot na manika po sa loob," naiiyak niyang sabi. Mabilis namang tiningnan ni Merced at pumasok sa loob ng kuwarto niya. Lumabas ito na dala-dala na ang manika na ang pangit ng mukha at duguan. Napakunot naman ang kilay ng ginang ng makita ang manika dahil nahuhulaan niya na kung sino ang may gawa.
"Titus!" sigaw ng ginang. At ibinaling ang tingin kay Micah. "Pasensiya kana Mikay, si Titus ang may gawa niyan. Hayaan mo kakausapin ko," tugon ng ginang at pinuntahan sa kuwarto si Titus na nakasilip lang at sapo-sapo ang tiyan sa kakatawa.
"Sige na Mikay, pumasok kana sa kuwarto mo at wag kang matakot dito. Isa lang itong manika oh, hawakan mo," sabi ni merced para kumalma si Micah.
"Opo ate Merced, sige po papasok na po ako ng kuwarto,"yukong sabi niya pero sinundan naman ito ni Merced papasok sa kuwarto nito.
"Gusto mo ba manood ng tv Mikay? alam mo ba paano mag-on ng tv?" tanong sa kanya ni Merced na inilingan niya naman. Binuksan ni Merced ang tv at sinamahan muna siya manood ng tv. Comedy ang pinanood nila kaya napahalakhak ng tawa si merced. Maya-maya nakaramdam siya ng pagka komportable kay merced kaya sinabayan niya narin ito ng tawa. Nang matapos ang isang show tumayo narin si Merced at nagpaalam kay Micah na baba na. Nagulat naman ito nang bigla itong yakapin ni Micah na umiiyak.
"Salamat ha, ate merced! salamat kasi ang babait niyo sakin."
"Wala yun Mikay, ano ka ba! wag kanang umiyak, baka akalain nila ma'am inaway kita. Basta ituring muna kaming pamilya mo mikay," ngiting sabi nito na tinanguan niya naman. "Sige na matulog kana at ako'y lalabas na,"ani nito kaya bumitaw na siya sa pagkakayakap. Nakangiti itong lumabas ng kuwarto. Nahiga narin si Micah,para matulog na.
Pagka gising niya sa umaga, nagpaalam naman siya kay manang Elsa na siya na ang magdidilig ng halaman. Habang nagdidilig siya, nakita naman siya ni Titus na nasa balkonahe. Kumuha ito ng laruan na ahas at itinapon kay Mikay. Sa gulat at takot ni Micah, napatalon-talon ito at nadulas, dahilan para bumagsak ito sa semento ng malakas.
Mabilis naman nagsitakbuhan si Merced at Manang elsa ng makita siyang nadulas.
"Diyos ko iha, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong manang elsa at inalalayan siyang tumayo.
"Naku! ang laki nang sugat mo Mikay," sabi ni merced ng makita ang sugat sa tuhod at braso niya. Mabilis naman nito kinuha ang laruang ahas at tumingin sa balkonahe kung nasaan si Titus na humagikhik naman ng tawa.
Gabi na pero di parin nakauwi ang mommy ni Titus, kaya kumain na ito. Pagkatapos nitong kumain ay pumasok narin ito ng kuwarto. Sumabay namang kumain si Micah kila merced at manang elsa. Habang kumakain sila ng umulan at kumulog. Bigla din nawalan ng kuryente.
"Naku nag brown out! Merced, puntahan mo doon si Senyorito Titus at dalhan mo ng ilaw na solar alam mo naman na takot iyun sa kulog at kidlat."
"Okay Manang, halika Mikay samahan mo ko,"sabi ni Merced at hinawakan ang kamay ni Micah paakyat sa kuwarto ni Titus.
"Mikay, makakaganti kana kay Senyorito Titus. Takutin natin mamaya pagkapasok natin sa kuwarto niya," natatawang sabi ni merced.
"Ate merced, baka mapagalitan naman tayo ni Ma'am edzlyn n'yan."
"Naku hindi yan, sabihin din natin na tinakot ka ni Senyorito Titus kanina at ipakita natin yang mga sugat mo pag nagsumbong si senyorito,"tugon nito. Bago ito kumatok inihanda na ni Micah ang maskarang pugot ang ulo at itinapat sa kandila. Marami silang mga nakakatakot na costume at maskara dahil sa tuwing Halloween ay naglagay sila ng disenyo sa harapan ng gate nila. Matapos kumatok ni Merced, binuksan naman agad ito ni Titus.
"Ah..!" Sigaw nito at napabagsak ng upo at paatras na paatras na lumayo sa pintuan. Dahan-dahan naman naglakad si Micah papalapit habang ang kandila ay nasa harapan parin nito. Inilapit niya ang mukha niya kay Titus na sumisigaw at pinatay agad ang kandila. Napasigaw naman ulit ng malakas si Titus ng dumilim ulit. Kinuha na ni Micah ang custome at bunuksan ang solar na agad naman ng patahimik kay titus at masamang tumingin sa kanya at mabilis na tumayo.
"Bakit ka nandito? Ikaw ba yung nanakot sakin ka-ni-na ____"Ah..!" sigaw ulit nito ng may nakitang gumapang na nakaputi ang damit at natakpan ang mukha sa mahabang buhok. Mabilis naman ito tumakbo at nadulas kaya malakas din itong bumagsak sa sahig.
Nang makita ni merced na bumagsak si Titus,mabilis siyang tumayo at hinila palabas si Micah. Isinarado nila ang pinto at humalakhak ng tawa.