Episode 3

2403 Words
Nakahiga na si Micah sa kuwarto niya nang marinig parin niya ang lakas ng Kulog at Kidlat. Hindi parin nakauwi ang mommy ni Titus, naaawa tuloy siyang isipin na baka hindi pa ito natutulog dahil sa kulog at kidlat. Kahit salbahe ito sa kanya eh, mabait parin naman ang mommy nito. Bumangon na lamang siya at naisipang puntahan si Titus. Kumatok siya at mabilis naman nitong binuksan. "Ano ginagawa mo dito?!" "Kinamusta lang kita, gusto ko sanang tanungin, kung gusto mo bang samahan kita dito,"sabi niya at pumasok sa kuwarto ni Titus. "No! Ayoko! Kaya lumabas ka!" "Akala ko ba natatakot ka." "Hindi ako takot kaya, get out of my room!" sigaw ni Titus. "Hala! ano yun? nakita mo ba Titus?" tanong niya na ikinagulat naman ni Titus at inikot ang kanyang mga mata sa loob ng kuwarto niya. "Puwede ba wag mo kong takutin," singhal nito. "Ah!" Sigaw ni Micah, na ikinahawak naman ni Titus sa braso niya. "Bitawan mo ko Titus, akala ko ba hindi ka takot?" tanong niya at natatawa sa kinikilos ni Titus, mahigpit kasi itong nakahawak sa braso niya. "Ok fine, Samahan mo ko dito. Pero d'yan ka lang sa sahig maupo,"sabi nito at humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Tumango naman si Micah at naupo sa sahig malapit sa kama ni Titus. Nakaramdam narin siya ng antok kaya ipinatong niya na lang ang kanyang ulo sa kama. Nakauwi narin ang mga magulang ni Titus, sinundo kasi ng ginang ang kanyang asawa sa airport. Pagka-akyat nila sinilip muna nila ang kuwarto ni Titus, nagulat at natutuwa naman ang mga ito ng makita si Micah sa kuwarto ni Titus. "Hon, yan ba ang batang babae ang sinasabi mo?" tanong ng daddy ni Titus. "Oo si Mikay, napakabait na bata hon!kita mo, napaamo niya si Titus," natatawang sabi ng ginang. "Sandali lang ayusin ko muna pagkakatulog ng batang ito baka mangalay ang leeg," ani ng daddy Tyron ni Titus at binuhat si Micah na mahimbing na natutulog at pinatabi kay Titus. Inayos pa nito ang kumot at kinumutan ang dalawang bata na mahimbing ng natutulog. Binuksan naman ng ginang ang aircon dahil may kuryente na saka sila lumabas ng kuwarto. Pag gising ni Titus, naiinis naman ito ng makitang katabi niya si Micah. "What the__ "Why are you here? sigaw ni Titus na ikinamulat naman ni Micah at nagulat din kung bakit nasa kama siya ni Titus, kaya mabilis siyang tumayo at bumaba sa kama. "Sorry, hindi ko alam kung bakit nakahiga naku sa kama mo," nakayukong sabi ni Micah. "Senyorito Titus, Mikay!" tawag ni Merced sa kanila at pumasok sa kuwarto. "What?!" singhal nito kay Merced na ikinapiyok naman ng mata ni Merced. "Senyorito, ang aga-aga ba't HB kayo, nakaka-pangit iyun smile naman d'yan," biro ni Merced sa batang amo na pinaglihi ata ng boss niya sa angry birds ang kilay. "The two of you, get out of my room!" "Teka Senyorito, pinapalabas muna ko hindi pa nga ako tapos magsalita. Pinapatawag kayo ng mommy at daddy mo, mag almusal na daw kayo,"sabi ni Merced na ikinatuwa ng mukha ni Titus. Mabilis itong tumayo at lumabas ng kuwarto. Tumakbo itong bumaba ng hagdan na sinundan naman nila Micah at Merced. Nakita ni Micah na excited si Titus na tiningnan ang pasalubong ng Daddy nito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mainggit dahil ang tatay niya ay hindi ganoon. "Mikay! Halika maupo ka dito at mag almusal ka na," tawag sa kanya ng ginang ng makita siyang kanina pa nakatayo sa harapan nila at nakayuko. "Tita, patawarin niyo po ako. Kung nakatulog po ako sa kuwarto ni Senyorito Titus." "Naku! Wala yun iha, halika na. Maupo ka dito at tiyaka wag muna tawaging senyorito si Titus, hindi bagay," tugon ng ginang at sinenyasan si Merced na katabi ni micah. Kaya hinila ni Merced si Micah paupo. "No mom! Hey call me senyorito okay," singhal ni Titus sa kanya na ikinangiwi naman ng ginang. "Oo na Son, kaya mag almusal kana d'yan. Ah, Mikay siya nga pala ang Tito Tyron mo." "Hello po Tito Tyron. Ako po si Micah." "Oo iha, alam ko na ang pangalan mo. Nasaan pala ang mga magulang mo?" tanong nito na ikinalungkot naman ni Micah. "Yung tatay ko po hindi ko po alam kung nasaan, yung nanay ko naman po. Na-sa," nauutal niyang sabi dahil nahihiya siya at natatakot baka paalisin siya ng malaman nito na nasa kulungan ang kanyang nanay dahil may pinatay. "Sige na iha, wag kang mahiya at matakot magsabi sa amin," ngiting sabi ng ginang. "Ung nanay ko po kasi, nasa kulungan po. Pero alam ko po at naniniwala po ako na hindi kayang pumatay ng tao ang nanay ko, napakabuti po ng nanay ko. Sana po kahit nalaman niyong kriminal ang nanay ko, hindi niyo po siya huhusgahan," humagolgol niyang sabi na ikinatingin ng mga ito sa kanya. Nagpahid naman ng luha si Merced, hindi niya napigilan ang luha na hindi tumulo dahil naaawa siya kay Micah. Tumayo naman ang ginang at niyakap siyang mahigpit. "Don't worry iha, hindi namin huhusgahan ang nanay mo, dahil naniniwala kami sayo. Sige na mag almusal na tayo dahil pagkatapos nating kumain mag sisimba tayo, tapos pupuntahan natin ang nanay mo sa kulungan. Pagkatapos pupunta tayo ng mall para bilhan ka ng mga gamit at damit mo," ani ng ginang at naupo na ulit. Pagkatapos nilang kumain, naligo at nagbihis narin ang mga ito. Pagbaba ni Micah, nasa sala narin ang Daddy at Mommy ni Titus. "Merced, pakitawag nga si Titus. Bakit ang tagal ng batang yun, dati naman pag umaalis kami siya agad ang nauna dito sa sala." "Opo Ma'am," tugon ni Merced at aakyat na sana ng makitang bumaba narin si Titus. Natatawa naman si Merced sa ayos ng buhok ni Titus, nakatayo kasi lahat ito. "Oh my God, Titus! anong ginawa mo sa buhok mo? Bakit naging si San Gouko ang buhok mo, inubos mo ba ang lahat ng gel mo sa buhok mo," kunot kilay na sabi ng ginang. "Nope mommy, one and one half," tugon nito at tiningnan si Micah. "Okay fine, lets go! Baka nagsimula na ang mesa sa simbahan," ani ng ginang at mabilis na naglakad palabas ng bahay. Sumunod naman sila Titus at Micah at pumasok sa sasakyan. Pagdating nila sa simbahan na nasa loob lang ng subdivision. Pumasok sila pero hindi pa nagsisimula ang mesa kaya nagpaalam muna si Micah na lalabas muna. "Okay, pero bumalik ka agad ha Mikay. Bago magsimula ang mesa." Aalis na sana si Mikay ng tawagin siya ni Titus. "Hoy saan ka pupunta?" habol nito sa kanya. "Doon lang sa likod, " ani niya at naglakad na sinundan naman ni Titus. Napamangha naman si Titus ng makita ang napakalaking puno ng calachuchi at ang bermuda grass na namumuti dahil sa mga bulaklak nitong nahuhulog. Patakbong lumapit si Titus sa puno at nagtaka naman ito ng makita ang nakaukit na pangalan ni Micah. "Bakit may pangalan ka dito and who's Nathan?" kunot noong tanong nito sa kanya. "Siya ang asawa ko, I mean bestfriend ko si Nathan. Kaso wala siya dito ngayon, dito kami laging naglalaro," nakangiti niyang sabi. "What did you say? asawa?! Ang bata-bata mo pa asawa." "Bestfriend! sabi ko." "Ayoko na dito, ang pangit naman pala dito," nakangiwing sabi nito at mabilis na umalis. Naiwan si Micah at kinausap saglit ang puno. "Natnat, sana hindi ka galit sakin at sana masaya ka ngayon," bulong niya at ngumiting bumalik sa simbahan. Nagsimula na ang misa kaya tumabi na siya ng upo kay Titus. Isang oras at kalahati ang lumipas natapos ang misa. Dumiretso na sila agad sa City Jail, kung saan nakakulong ang ina ni Micah. Pagkarating nila sa city jail ay excited na bumaba si Micah, na sinundan naman ng Daddy at Mommy ni Titus. Pagkasabi nila sa pulis na gusto nilang bisitahin si Maya, ay mabilis naman agad itong tinawag at lumabas. Natutuwa naman ang Nanay ni Micah na makita siyang napakaaliwalas ang mukha at napakalinis. "Mikay anak!" humagolgol nitong sabi at mahigpit na niyakap si Micah. "Nay, gusto ko pong ipakilala sa inyo si Tita Edzlyn at Tito Tyron, mabubuting tao po sila nay, kinupkop po nila ako," umiiyak na sabi ni Micah. Tumango naman ang kanyang Nanay at pinunasan ang mga luha at hinarap ang mag asawa. "Sir, Ma'am! Maraming, maraming salamat sa pag aalaga at pagkupkop niyo kay Mikay." "Wala yun misis, t'yaka kaya rin po kami nagpunta dito, para ipagpaalam sa inyo na doon muna samin titira si Mikay. Aalagaan namin siya at ituturing ko siyang tunay na anak at pag aaralin, t'yaka napakabuti din ni Mikay," ngiting sabi ng ginang sa ina ni Micah. "Opo Ma'am, pumapayag po ako at nagpapasalamat ng sobra sa inyo. Ito ang matagal kong idinalangin sa Diyos na sana may mag alaga sa anak ko at kayo nga po ang binigay niya para alagaan si Mikay," humagolgol nitong sabi na niyakap naman ng ginang. "Wag kang mag alala Maya, balang araw pagmakalabas kana dito sa kulungan, magkakasama ulit kayo ni Micah." "Maraming salamat ma'am, dahil hindi niyo ko hinusgahan at hindi kayo natakot sakin, kahit alam niyong isa akong kriminal.," yukong sabi nito. "Dahil naniniwala kami sa sinabi ni Mikay na inosente ka at mas lalo kaming naniwala ng makilala ka namin. Paglabas mo dito sa kulungan, puntahan mo agad si Mikay sa bahay," sabi ng ginang at tumango naman si Maya na di matigil sa pagluha. Pagkatapos ang kalahating oras na pakikipag kuwentuhan ni Micah sa ina niya ay nagpaalam narin sila na aalis na. Masaya namang tumango si Maya. "Mag-iingat ka lagi Mikay, mag-iingat din po kayo lagi ma'am, sir at maraming salamat sa inyo," sabi nito at mahigpit muna siyang niyakap ni Micah bago tuluyang umalis. Pagkatapos ay dumiretso naman agad sila sa mall para bumili ng mga gamit ni Micah, pagdating nila sa mall ay naisipan muna nilang kumain ng tanghalian sa restaurant bago namili. "Hon, Titus! Kayo mag sama na dalawa at bumili kayo ng kailangan niyo. Ikaw din Titus, kumuha ka ng gusto mong damit at sapatos. Malapit na ang pasukan para may maisuot kang bago. Kami naman ang magsama ni Mikay mamili ng mga damit niya," tugon ng ginang na tinanguan naman ng asawa. "Halika na Mikay," ani ng ginang at hinawakan si mikay. Una nilang pinuntahan ang mga dress, maraming magaganda kaya marami din ang napili ng ginang para kay mikay, sunod nilang pinuntahan ang T-shirt, short pants at undergarments para kay Mikay. "Next Mikay, sandals, shoes at tsinelas mo mikay ang pupuntahan natin," ngiting sabi ng ginang at hinawakan ulit si mikay papunta sa mga shoes at pinasukat kay mikay ang mga nagustuhan niya. Tuwang-tuwa ang ginang sa ginagawa, dahil isa din ito sa pangarap niya ang magkaroon na anak na babae at makasama niyang mamili ng mga damit. Hapon na sila matapos mamili ng gamit para kay Micah at bumalik kung saan sila naghiwalay ng mag ama niya. Kita niyang tapos narin ito namili at mukhang kanina pa ito naghihintay. "Hon, kanina paba kayo naghintay samin?" "Yes mom, tatlong oras na. Natapos na lang kami ni Dad maglaro sa timezone, di parin kayo tapos," inis na sabi ni Titus habang naglalaro sa kanyang phone. "Ang bilis niyo naman mamili, kumuha ka ba ng gagamitin mo sa school mo Titus?" "Oo wag kang mag alala hon, kumuha na kami. Mabilis lang kami mamili dahil pagkatapos sukatin tapos na sa iba naman, alam niyo namang mga lalaki hindi masyadong maarte," sabat ng daddy ni Titus at tumayo na. "Lets go home now mom, dad! I'm tired of walking, I want to rest," sabi ni Titus na nababagot na. "Okay let's go home," sabi ng ginang at sabay-sabay na silang naglakad palabas ng mall. Ilang minuto lang ay nakauwi narin sila. "Mikay, dalhin mo yang lahat sa kuwarto mo at mag patulong ka kay ate Merced mo ilagay iyan lahat sa cabinet mo," Tugon ng ginang na tinanguan naman ni Micah. Tinulungan ni Merced si Micah mag akyat ng kanyang mga gamit sa kuwarto pagkatapos ay isa-isa nila itong inayos at inilagay sa kabinet. "Ang swerte mo Mikay, dahil napakabait nila sayo," natutuwang sabi ni Merced. "Oo nga po Ate, at yun ang ipinag- papasalamat ko sa Diyos dahil napakabait lahat ng taong nakatira sa bahay na ito." "Oo, mababait lahat! maliban lang kay Senyorito Titus, na pinaglihi sa angry birds," natatawang sabi ni Merced. "O siya Mikay, baba narin ako. Tutulungan ko pa si Manang Elsa sa kusina," paalam ni Merced sa kanya at lumabas na sa kanyang kuwarto. Pabagsak naman siyang humiga sa kanyang kama at nakangiting ipinikit ang mga mata hanggang sa makatulog siya. Lumipas ang sampung taon. Dalawam'put taon na si Micah at si Titus. Isang taon na lang ay matatapos na sila sa kolehiyo. Pagkatapos magbihis at mag ayos ni Micah ay patakbo siyang bumaba ng hagdan dahil magsisimba sila ngayon. "Mikay! ang tagal mo naman, kanina ka pa namin hinihintay ni Mom at Dad," kunot noong sabi ni Titus at mahinang pinitikan siya sa tainga at mabilis na naglakad para pumasok sa sasakyan. "Aray! Titus!" sigaw ni Micah at tumalon sa likuran ni Titus, sabay silang nagtawanan habang buhat ni Titus si Micah papunta sa sasakyan nila. Masaya namang nakatingin ang mga magulang ni Titus sa kanila. "Tama na yan! Bilisan niyo na at sumakay na kayo baka nagsimula na ang misa!" sigaw ng ginang. Pagdating nila sa simbahan ay agad namang nagpunta si Micah sa likuran na sinundan naman ni Titus. Naiinis siyang makita si Micah na sa tuwing nagsisimba sila ay hindi nito nakakalimutang hindi pumunta sa likod ng simbahan at kinakausap ang puno. "Lets go Titus," yaya ni Micah sa kanya. "Mauna kana muna sa loob Mikay, mag babanyo lang ako," tugon niya na tinanguan naman ni Micah at pumasok na sa simbahan. Nang makita ni Titus na pumasok na ng simbahan si Micah ay mabilis siyang naghanap ng bato at binura ang pangalan ni Micah na nakaukit sa puno. "Wag ka nang bumalik sa buhay ni Micah," bulong niya at ibinato ang bato sa tabi at umalis. Dumating naman si Nathan at tiningnan ang malaking puno ng Calachuchi. Napangiti ito ng pagak ng makitang burado na ang pangalan ni Micah. "I'm back! Ikaw pa talaga ang may lakas na loob na burahin ang pangalan mo. What a shame to know you and your mother," matapang na sabi ni Nathan at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD