Takang taka ako sa inaakto ni nanay , aba'y hindi mapatid ang kaniyang tuwa parang nanalo lang sa lotto eh. Kaya ang matabil kong bunganga ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa at tinanong ko na siya.
" Nay ano ho bang nangyari sa inyo, bakit bigla ka nalang nagtatalon diyan?"
At ang kaniyang sinagot ay labis na nakapagpagulat sa akin. Hindi ako makapaniwala na sa edad niyang 55 ay nagagawa pa niyang maglaro nun!?, wews unbelievable.
" eh kasi anak nanalo ako, kami ng team ko sa COD suss muntikan na kami matalo buti nalang talaga andun ako haha" pagmamayabang pa niya.
Nakanganga lang ako sa mga pinagsasabi ni nanay aba'y tinalo niya pa ako ni hindi nga ako naglalaro ng larong niyan .
"Alam mo ba itong COD anak? aysus if I know hindi mo to alam hanggang candy crush ka lang, weak ka kasi haha" ay aba't grabe to si nanay ah kung hindi ko lang siya nanay baka..
"oh anong gagawin mo, sasapukin mo ako? baka ikaw masapok ko andoy wag ako."habang nakataas pa ang isang kilay.
"Mahiga ka nalang diyan at ako'y maglalaro pa ." sabay tawa ng malakas.
Ay hala siya ang nanay ko nabuang na , grabe ah mind reader na pala ngayon si nanay.
Sugoi!
"Nay kailan po pala tayo makakauwi?"
Oo tapos na ang aking nanay sa kaniyang gaming session, buti naman at kanina pa siya nagmumura at sinisigawan mga kateam niya parang bagets lang eh noh.
"Hindi ko pa alam nak eh , maya-maya malalaman natin pagpunta dito ng doctor "
Kaya wala na akong nagawa kundi ang magmuni-muni nalang muna habang hinihintay na dumating si Doc.
*****
Maya-maya nga'y dumating na ang doctor at hindi lang ito nag-iisa may kasama itong dalawang nurse, isang babae at isang lalake.
" Good afternoon po ma'am" ani ng doctor kay nanay . " Magandang hapon din ho Doc." sagot naman ng aking nanay.
Lumapit sa akin si Doc. kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalala, unti-unti niya sanang aabutin ang kamay ko ngunit binawe niya ulit ito at parang may napagtanto.
Nabigla ako dun sa nais niya sanang gawin, kaya hindi din maalis sa aking mukha ang pagtataka. Siguro nakita din ni Doc yun, kaya nagsalita siyang muli.
" ahmm..... So, Good afternoon sayo Andrie, how are you feeling?" tanong sa akin ni Doc habang mas papalapit pa siya sa akin.
"Gandang hapon din po sayo Doc, Andoy nalang ho hehe " Naiilang kong sabi sa kaniya. Parang ako nalang ang naiilang sa ginawa ni Doc, iba din pala mga doctor sa hospital na to masyado silang maalalahanin sa pasyenteng hawak nila,
Pero sanaol may nagaalala.
"Mabuti naman na po kahit papano ang pakiramdam ko".
Tinitingnan ko lang si Doc. habang chinecheck niya ako, nakikita ko din ang mga pasimple niyang mga tingin, pero hindi ko nalang yun pinansin.
Hindi ko alam pero mukhang pamilyar sakin yung mukha niya , parang nakita ko na siya sa kung saan. Kaya mas hinalukay ko pa sa isip ko kung saan ko nga ba siya nakita.
Pero wala talaga hindi ko matandaan kung saan. Hayss, kailangan ko na bang uminom ng memory plus? Mukhang hindi na nagpa-function ng maayos si brainy ko eh.
Hayaan na nga natin at maaalala ko din siya makikita niyo.
Pakatapos akong icheck ni Doc lalong-lalo na ang mga natamo kong pilay, suga't pasa ay tumayo na siya ng tuwid at nagsalita.
" Maga pa ang iba mong mga sugat lalo na yung pilay mo, kaya kailangan mo pa munang manatili dito sa hospital ng mga ilan pang araw, para narin ma'monitor ka pa ng iaassign kong nurse sayo......." hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko sa mga mata niya na tila malungkot siya na ewan? Pero mabilis lang ding yun nawala kaya ipinagsawalang-bahala ko nalang.
Hayss I'm hallucinating again.
Tatango-tango nalang ako sa mga sinasabi ni Doc. sakin kahit parang nawiwirduhan ako sa pinapakita niya, habang si nanay naman ay nakatingin din dito at nakikinig , " ...btw this is Nurse Hannah" turo niya sa babaeng nurse " and this is nurse Johan" turo naman niya sa lalakeng nurse.
Pagpapakilala niya sakin sa dalawang nurse na kasama niya. Ngunit hindi ko alam kung bakit nakatuon lang ang paningin ko sa lalakeng nurse na ipinapakilala sa akin ni Doc. Hindi ko na nga napansin pa kung may sinasabi pa si Doc sakin, kasi hindi ko alam kung bakit hindi maalis-alis ang mga mata ko kay Nurse Johan. Parang bigla nalang tumigil ang mundo ko ng masilayan ko ang mukha niyang napakagwapo.
Hayy oh my ghad, inlababosh na ba si aketchhh? tanong ko sa aking sarili habang sapo-sapo ko ang aking dibdib dahil sa malakas na pagtibok nito. Sa muli kong pagtingin sa kaniya mas lumakas ang t***k ng aking puso dahil sa nakakabighani niyang ngiti , syete ngiti palang yan pano na kaya kung may pahalik pa baka nadedo na is me.
"ahem" pagtikhim ni Doc. Habang nakakunot pa ang noo.
"I will assign Nurse Hannah sa pagmomonitor sayo habang nandito ka pa sa hospital"
wait, wh-what??? si Nurse Hannah? oh no this can't be happening. Habang sapo-sapo ang dibdib. Hindi ito maaari. kontra ko mga disesyones ni Doc. sa aking isipan.
"So Andri- I mean Andoy , si nurse Hannah na ang bahala sayo" ani ni Doc.
"Sige alis na po kami maam, andoy, at magrarounds pa ako" sabay ngiti ni doc sa amin "sige po Doc, salamat po." umalis na nga si doc at kasama niya si Nurse Johan .
Wala akong nagawa kundi ang tingnan nalang silang dalawa na papalabas ng kwarto ko. BIgla akong nanlumo sa nangyari, para akong nanghihina kaya napahiga ulit ako sa hospital bed ko. Akala ko chance ko na yun, magkakalove-life na sana ako eh, kaso pahamak tong si Doc. para akong maiiyak, chance ko ng maging masaya pero may kumontra agad kaya si ako nga-nga. Future jowa na, naging bato pa.
Lumapit sa akin si nanay at si nurse Hannah ay inaayos ang swerong nakakabit sa akin. Napabuntong hininga nalang ako, sobrang panghihinayang ang nararamdaman ko akala ko kasi si Nurse Johan ang magbabantay sakin pero hindi pala.
Siguro ganon talaga ang buhay, pinagtagpo lang talaga kami........pero hindi kami ang itinadhana.
"oh anak mukhang matatagalan pa tayo dito sa hospital" sabay upo sa upuan sa may kanan ko hindi ko masyado napansin si nanay , nanghihinayang pa kasi talaga ako.
"oh bakit ganiyan yang mukha mo?" nagtatakang tanong niya sa akin.
Ngunit hindi ko nalang siya pinansin at napabuntong-hinga nalang ako.
----------------------------------------------------------------------------------------
itutuloy...