bc

Akala ko

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
family
mystery
like
intro-logo
Blurb

Ako nga pala si Andrie Dorey D. Dior short for Andoy na nagmahal ng lubos , nagglow-up kasi inspired na at nagkaroon ng jowa ngunit sa huli nasaktan dahil lang sa maling akala.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: SAGING
Third persons POV "Anding, uwi na tayo baka kasi hinahanap na tayo nila Nanay"  Pag-aaya ng batang lalake sa batang si Anding. "Pero Andoy naglalaro pa ako" nakasimangot na tugon ni Anding sa kapatid nitong si Andoy. Nasa malawak na parke ang dalawang bata , ngunit hindi alam ng kanilang Ina na nagpunta sila doon kasi tiyak nilang mapapagalitan sila ng kanilang Ina kapag pinaalam nilang pupunta silang magkapatid sa parke.  Hindi kalayuan ang kanilang bahay sa parke, ngunit ayaw na ayaw silang pinapapunta ng kanilang Ina doon, mas mabuti nalang daw na manatili sila sa kanilang bahay kaysa sa magpunta pa sila sa parke upang duon lang ay maglaro. Pero dahil sila'y mga bata pa, hindi nila sinusunod ang habilin ng kanilang Ina. Nais mang sundin ng batang si Andoy ang habilin sa kanila na huwag doon magpunta, hindi parin nito natitiis ang kaniyang nakababatang kapatid na sundin ang nais nito. Nakikita naman kasi niya na sobra itong nalulungkot lalo na kapag nananatili lang sila sa loob ng kanilang bahay. Itinuloy na ni Anding ang kaniyang paglalaro, dahil hinayaan na din siya ng kaniyang kapatid. Kita sa mga mata ni Anding ang saya. "Andoy, halika na maglaro pa tayo". Ani nitong nakangiti. Kaya nakipag-laro na din ang batang si Andoy.  Dinig na dinig ang mga hagikgik ng dalawang bata , halatang nagienjoy sila sa kanilang paglalaro. Makalipas ang ilang minuto, dahil napagod nadin si Anding sa pag-lalaro, napagdisesyonan na din nilang umuwi.  Hindi mawala sa mga labi ni Anding ang labis na saya habang sila'y naglalakad na pauwi sa kanilang tahanan.  "Andoy" sabay harap nito sa kaniyang kapatid. "Salamat".......... ***** " Anak, kamusta na pakiramdam mo?" Pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata ko ang diyosa kong nanay agad ang aking nabungaran. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala, syempre naman nanay ko yan eh wala naman sigurong ina na magiging masaya kung nakikita niya ang kaniyang anak na nasa ospital at nahihirapan. "Mabuti naman na po ang pakiramdam ko nay" sabay ngiti sa kaniya.  Kita ko ang unti-unting pagbago ng kaniyang ekspresyon, naging magaan na ito hindi tulad kanina na sobrang pag-aalala ang makikita mo sa kaniyang mga mata, para bang nabunutan siya ng tinik sa kaniyang dibdib sa nalamang maayos na ang pakiramdam ko.  Kahit sinabi kong maayos na ako may kaunting kirot padin naman akong nararamdaman , nawalan na siguro ng bisa ang gamot na itinurok sa akin ng doctor kaya ramdam ko na talaga ang sakit sa mga natamo kong pilay at mga sugat . Ayaw ko lang naman na mas mag-alala pa sa akin si Inay kaya sinabi ko yun. "Ano nagugutom ka na ba?" tanong niya sa akin. "Meron ditong hinatid na rasyon ang nurse kanina" lumapit siya sa akin at tinulungan akong makaupo sa hospital bed ko , hirap pa kasi akong umupong mag-isa buti nalang talaga at nandito siya. Pangalawang araw ko na dito sa hospital, hindi ko naman kasi iniexpect na may mangyayari sa akin habang nasa trabaho ako. Lalong lalo na ang mahulog sa hagdan ng dahil lang sa isang saging, Oo! dahil lang dun, kung hindi ba naman kasi tanga yung nagtapon non eh di hindi sana ako nasa sitwasyong ito ngayon. Aba malay ko ba naman kasi na may naligaw na pesteng balat ng saging dun naglalakad ako ng maayos tapos papansin siya, eh hindi ko naman siya mapapansin kasi mas nauuna yung tiyan ko keysa sa paa ko. Pahamak siya sa buhay ! Kaya ayun nangyari na nga ang hindi dapat mangyari. Hindi naman masakit nung nahulog ako, oo hindi talaga, pero nung nahulog ako sa kaniya tapos hindi niya ako sinalo yun yung masakit men hayss sad layp again. Kaunti lang naging damage ni saging sa akin mga fracture lang ng paa , dalawang daliri ko sa kamay tsaka pasa't sugat kaya no harm done sanay naman na akong masaktan. May tama nga din ako sa noo ko eh, langya airplane mood na nga nagkadamage pa hayss buhay nga naman oo. "Nay"  "oh, bakit?" sabay lingon sakin. "Nasaan na po yung phone ko pala?"  "Ay anak, nabasag na kasi yung phone mo. Kundi ba naman kasi dahil diyan sa katangahan mo, edi hindi ka sana mahuhulog sa hagdan" "Ay! grabe siya" sabay hawak sa dibdib ko na parang nasasaktan. "Ang harsh mo sakin nay ha" "Suss , Andoy nagsasabi lang ako ng totoo" sabay taas ng kaniyang kilay. Habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang. Grabe naman to si Nanay, ang attitude ng ferson ha. "Nay yung saging ho yung tanga hindi ako." sabay taas ng kilay din. Suss kung attitude siya attitude din ako noh, mana ako sa kaniya eh. "Suss ka talagang bata ka" sabay palo sakin.  "Aray ko naman!" "Nay masakit ho yun ha!" nakanguso kong sabi sa kaniya habang himas-himas ko yung braso kong pinalo niya.  Nga pala hindi pa ako nakakapag-pakilala sa inyo, nakalimutan ko na eh kasi naman hindi ako makaget-over kay saging yan tuloy, pero ito na magpapakilala na ako ahemmm............ Ako si Andrie Dorey D. Dior short for Andoy. Oo Andoy talaga , ganda nga ng pangalan ko eh noh pang-mamahalin branded mga tsong, pero kung pag-ibig ang pag-uusapan, hayss huwag niyo nalang alamin kasi lagi lang naman akong iniiwan, shesshh saklap ng layp.  Hindi ko alam kung anong kulang sakin, totoo naman ako mag-mahal bigay todo pa nga, pero bakit sa huli lagi parin akong iniiwan?! palagi nalang! lagi ko ngang tinatanong si nanay kung bakit ganon, ano bang problema sakin? ano pang kulang?. " Nay, pangit ba ako? kapalit palit ba ako?" with matching sad face pa . "May itsura naman ako, matalino may magandang trabaho , pero bakit ganon iniiwan padin ako sa huli?" humarap si nanay sakin, habang nasa kitchen sink siya (oo english para sosyal ang ferson) naghuhugas ng aking pinagkainan , syempre solong anak kaya special parang rebisco lang yeah ang sarap ng feeling ko.  " Andoy anak, oo matalino ka at may maganda kang trabaho. Pinagpapalit ka anak k-kasi ano.... alam mo na kung b-bakit hehe"   "Nay pasuspense ka ah, sabihin mo na nay pleashh" with paawa effect pa . "eh kasi anak ganito yun. Sa umaga kain ka ng isang plato lang wala ng 4th round!, sa tanghali ganon din at sa gabi repeat , hindi yung parang isang kaldero ng kanin ikaw nalang nakakaubos ha , okay!?" sabay tapik-tapik sa likod ko  "lumiliit ka na kasi anak oh , kaya hinay-hinay sa kain. sige at ako'y babalik na sa aking ginagawa't magbobonding pa kami nila mare mamaya" sabay walk out .  Habang ako nakanganga pa dito sa inuupuan ko't walang masabi. Unti-unti kong tiningnan ang katawan ko, look to the left side and look to the right side. Napabuntong-hininga nalang ako kasi oo nga talaga tama si nanay lumiliit na talaga ako. Eh kasi naman hindi ko mapigilan na hindi kumain ng madami, lalo na kung masarap yung ulam, "Food is life, eat more so that you're life will be better" motto ko sa layp. Napapailing nalang ako kapag naaalala ko yun. "Siguro tama nga si Nanay, kailangan ko na talagang maghinay-hinay sa pagkain ko"  pagkausap ko sa sarili ko, sabay hawak sa mga tabs kong 4 layers na sabay buntong-hininga.  ***** Naka-upo lang ako sa hospital bed ko dahil kakatapos palang akong pakainin ni Inay. Pero hindi naman sa nag-iinarte ako ano, pero bakit ganon parang walang lasa yung pagkain dito sa hospital? nakalimutan ba nilang lagyan ng asin?  Pero kinain ko nalang din no choice eh, skl. Nakakabusog din naman kahit papano, pagkain din naman yun kaya kain nalang ako nang kain bawe ko nalang pag nakalabas na ako dito sa hospital. Pupunta agad ako ng mall kakain sa Mang Inasal, unli rice syempre para masaya ang life bibili na din ako ng fries tsaka sundae sabayan pa ng burger, hmmm yummy .napabuntong-hininga nalang ako kasi iniisip ko palang naglalaway na ako . Pero kailangan ko ng mag-diet, kasi gusto ko nang magka-lovelife!!!!!!!!!!! "Nay kailan daw po ba tayo makakauwi?"  Nasa may kanan ko si nanay nakaupo habang hawak yung phone niya, pero hindi niya narinig ang tanong ko kasi bising-busy ang nanay niyo tutok na tutok sa phone ano kayang ginagawa nito. Nitong mga nakaraan lagi ko nalang siyang napapansin na nakatutok sa kaniyang phone. Hindi ko naman tinatanong o pinapakialaman yung ginagawa niya kasi malaki na siya alam na niya ginagawa niya kaya kung saan siya masaya support nalang ako. "Nay" pero wala padin. "Oyy nay!"  Pasigaw na tawag ko sa kaniya kaya napatingin siya sakin pero balik ulit sa ginagawa niya sa phone . Ay famous ang ferson. "Oyy nay , ano po bang ginagawa niy-----" napatigil ako sa dapat ko sanang sasabihin kasi bigla nalang siyang sumigaw. "Ayy, haha panalo ako wohoo" sabay talon-talon pa na parang bata. Minsan talaga ito si Nanay parang bata na parang binilhan ng paborito niyang pagkaing mik-mik. Nagulat naman ako sa naging reaksyon niya at napahawak nalang ako sa dibdib ko at napailing-iling nalang dahil sa aking nakita. Bigla-bigla nalang kasing nagsisigaw. "Nay ano ho bang nangyari sa inyo, bakit bigla ka nalang nagtatalon diyan?"  -------------------------------------------------------------------------------- itutuloy....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.7K
bc

Wife For A Year

read
70.4K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook