Isabelle’s POV Biglang tumunog ang elevator hudyat na magbubukas ito dahilan para maghiwalay kaming dalawa. Puno’ng puno pa rin ako ng takot. Damang-dama ko pa rin ang bawat kaba na dumadaloy sa buong katawan ko. I wanted to be free, gusto kong makaalis. Saktong pagbukas ng elevator ay nagulat na lang ako ng makita ko doon si Ian na nakatayo at seryosong seryoso na nakatingin sa amin. Doon pa lang ay nakaramdam lalo ako ng kaba. “Ian…” mahinahon kong pagtawag sa kaniya. “What a lovely surprise para sa kapatid ko,” pang-asar na sabi ni ninong Cholo sa kaniya. Agad namang lumabas si ninong at lumapit kay Ian. Meron siyang binulong dito pagkatapos noon ay tumingin siya sa akin bago siya naglakad paalis. Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Ian. Kita ko sa itsura niya ang pagiging sery

