Isabelle’s POV Napapikit na lang ako at napaupo dahil sa ngalay ng kamay ko. Hindi ko pa na kalahati ang mga papers na ito pero sobrang napapagod na ako. Hindi ko alam kung bakit ko ba ginagawa ang bagay na ito, para saan? Para sa pera? Hindi ko nga alam kung bakit ko tinanggap ang lintek na trabaho. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan at nakita ko muli ang assistant ni ninong Cholo. “Pinapatigil na ni sir Xavien yung pinapagawa mo. Meron siyang iuutos sa ‘yo ngayon.” napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. “What? Pero ang dami ko pang tatapusin.” “Tapos na ng mga employee niya.” Parang mas lalo kong naramdaman ang bigat at pagod ko ng sabihin niya iyon. Naririnig ba niya ang sinasabi niya? After kong mag-aksaya ng ilang oras dito sasabihin lang niya na tapos

