Isabelle’s POV Hinawakan niya ako sa kamay ko at hinatak ako palabas ng bar. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Masyado na akong nahihilo at hindi ko na rin kaya ang sarili ko. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong isinandal sa isang sasakyan na hindi ko alam kung kanino. Napatingin na lang ako sa paligid at gulat ko na nasa labas na parking lot na pala kami ng bar. Napahawak na lang ako sa balikat niya dahil sa hilo na nararamdaman ko. Gusto kong magsalita, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. “Isabelle–” hindi ko na narinig ang susunod niyang sasabihin dahil agad ko siyang nasukahan sa damit niya. “Fvck!” sigaw niya. Sunod-sunod ang suka ko dahil sa hilo na nararadaman ko. Napatingin ako sa kaniya pero hindi ko na siya maaninag ng maayos dahil sa panlalabo ng ma

