Isabelle’s POV Hindi na ako nagtagal sa bahay niya at naisipan ng umalis agad. Hindi rin naman niya ako pinigilan na umalis pero dala-dala ko ang sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan niya sa bagay na iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niyang mangyari kung bakit kailangan niya akong pag-isipin ng ganito. Ngayon ay nakahiga ako sa couch habang iniisip ang mga nangyari kanina. Buong magdamag lang akong nakahiga doon. Wala akong alam sa mga gagawin ko. Kinuha ko ang cellphone at sinubukan kong tawagan si Ian. I need him… “Hey, napatawag ka?” tanong ni Ian sa kabilang linya. “May problema ka ba?” tanong niya sa akin. Napahinga ako nang malalim sabya napayakap sa sarili ko. Napatingin ako sa kisame habang iniisip ko ang sinabi ni ninong sa akin. “Wala naman,

