Isabelle’s POV “Sana sinabi mo sa akin na uuwi ka.” Napatawa naman siya sabay napakamot sa ulo niya. “Edi hindi na surprise iyon.” napairap namana ko dahil sa sinabi niya. “Dapat kasi pinaalala mo sa akin na meron akong birthday para ako na sana ang nanlibre sa ‘yo. Ang siste tuloy ikaw pa ang gumastos sa birthday ko.” Hinawakan naman niya ang kamay ko at napatingin sa kaniya. “I told you, gusto ko ang ginagawa ko, kaya huwag mong isipin yung mga bagay na yon dahil it’s on me, Isabelle.” napahinga naman ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Somehow hindi ko rin talaga mapipigilan kung ano ang mga gustong gawin ni Ian dahil meron siyang sarili niyang pag-iisip. “Ano ba yung mga nangyari sa ‘yo nung wala ako rito?” napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya. Parang bigla

