Isabelle’s POV Napatingin siya sa akin ng seryoso dahil sa sinabi ko. He really wanted to do it now, pero pasalamat na lang sa biglang pagtunog ng phone ko ay nawala ang lakas niya sa pagkapit sa akin dahilan para makawala ako sa kaniya. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at pagtingin ko doon ay nakita ko ang pangalan ni Ian. Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin kay ninong Cholo na seryoso sa akin na nakatingin. Napalunok naman ako at muling napatingin sa aking cellphone. Kailangan kong sagutin ito, pero talaga bang nandito si Ninong? Lalapit sana siya sa akin pero agad kong hinawakan ang dibdib niya upang patigilin siya sa balak niyang gawin. Agad ko naman sinagot ang tawag at napatingin kay ninong na parang walang nangyari. “Ian?” tanong ko sa phone. Doon ay napatigil

